FIFTY-NINE

416 15 0
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

"MESSAILA..."

Nagulat ako nang pagkababa ko ng van ay tumambad sa akin si ate Clarissa. Nagpahatid ako rito sa apartment, sa driver na inutusan ni Zeref na papunta sa condo niya upang kumuha sana ng mga gamit ko.

I didn't expect that ate Clarissa will be here, hinihintay niya ba ako?

"Ate Clarissa?" ako sa kaniya.

Nababasa ko sa kaniyang mukha na medyo pagod siya at halatang hindi ito nakatulog ng maayos. She looks stress but not really.

"Saisai...p-pasensiya na kung nakadisturbo ako sa'yo, hindi kasi kita ma-contact."

"Ah about that, nasira kasi yung phone ko kahapon...and I'm planning to buy a new one."

Lumapit siya sa akin at hindi ko inaasahan ang paghuli niya sa dalawang palapulsuhan ko. I was taken a back when her weary eyes pierce on mine. I was stunned by her actions.

"Messaila, I really have something to tell you, c-can we talk?"

Lumikot ang mga mata ko sa pagtataka. "W-What's wrong? M-May problema ba?"

"Sandali lang ito, ilang araw ko ng pinag-isipan ito, ilang araw na'rin akong hindi makatulog dahil sa sobrang pag-iisip, h-hindi kasi ako matatahimik hangga't hindi ko pa sa'yo sinasabi ang totoo."

Mas lalong kumunot ang aking noo. Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa palapulsuhan ko. "A-Anong totoo ate? Wait-can you enlighten me?"

Luminga-linga ito sa paligid bago niya ako sinagot. "Pwede bang sa loob na tayo mag-usap?" she requested.

Nag-aalinlangan akong tumango. I really can't read what's gotten into her. Nilingon ko muna si kuyang driver at sinabing sasaglit lang. Tumango lang naman ito sa akin.

Bumukas ang pinto ng apartment ko at pinaupo ko na muna siya sa sofa. Inalok ko siya ng maiinom ngunit tumanggi siya.

"Pasensiya ka na ate kung medyo makalat ang apartment." Umupo naman ako sa katapat na sofa. "Kanina ka pa ba naghihintay sa labas?"

Umiling siya. "Hindi naman...mga ilang minuto lang."

"Naparito ka ate, ano ba yung importante mong sasabihin sa akin?" kuryusong tanong ko.

Saglit siyang napatitig sa aking mga mata. Nakatingin lang ako sa kaniya-actually, nagkatinginan kami ng matagal. Hinihintay ko siyang magsalita habang nag-iisip pa siya kung paano sisimulan ang kaniyang sasabihin.

"May...problema ba kayo ng...ama ni Creed?" hula ko.

Saglit siyang yumuko tsaka umiling. "I don't know how to tell you this."

Kumurap ako. I think it's not just something important, but it's something...very personal. Halata ko kung gaano siya kinakabahan ngayon, pati ako ay kinakabahan na'rin sa sasabihin niya.

"Ate?" tawag ko sa kaniya nang suminghot ito, para siyang maiiyak.

Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago siya matapang niya akong hinarap. "Gusto ko munang sabihin sa'yo na pagkatapos kong sabihin ang lahat ay nakahanda akong tanggapin lahat ng galit mo Mesaaila."

Mas lalo lang akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. "Galit? I don't understand, bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"I'm sure you will after this Sai."

Napaayos ako ng upo habang hindi pa'rin inaalis ang mga mata ko sa kaniya. "Pinapakaba mo naman ako ate, masyado kang seryoso." Sinubukan kong matawa upang mapalitan ang tensiyonadong atmosphere sa paligid namin.

DEVOURED BY THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon