THIRTY-FOUR

458 13 3
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

"BESWANG, may liquid eraser ka?" si Marlon habang nanonood kami ng practice game nila Steven dito sa school gym.

Tila wala sa sariling iniabot ko ang liquid eraser kay Marlon. Kahit na sa game ako nakatingin ang isip ko naman ay nasa malayo.

Kanina ko pa pinoproblema kung paano ko sasabihin kay Steven na hindi ako makakasama sa kaniya sa sabado, naglalakas loob akong magsabi sa kaniya kaninang umaga pero tila naging mailap siya sa akin, ngayon nga ay pumayag akong manood ng game nila para lang makausap siya pagkatapos.

Kasama ko si Marlon ngayon dito dahil tulad ko ay maaga ring natapos ang klase nila.

Nakita kong kinawayan ako ni Steven nang mag break sila, kinawayan ko rin siya. Medyo marami-rami rin ang mga nandito sa gym dahil mag-uuwian na, ang iba ay nandito para manood ng practice, ang iba'y nagpa-practice ng mga sayaw at ang karamihan ay tumatambay lang dito sa bleachers, katulad namin ni Marlon.

"Malapit ng mag alas singko, mukhang gagabihin sila Steven dito," si Marlon. "Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"4:53 na," sagot naman niya.

Pansin ko na'ring isa-isa ng nagsilabasan ang mga estudyante rito sa gym. Napag-isip isip ko na bukas nalang ako tityempo kay Steven na magsabi tungkol dun sa family lunch nila. Mahaba pa naman ang mga araw.

Matapos naming ligpitin ang mga gamit ay napagpasyahan namin ni Marlon na lumabas na dahil baka kanina pa naghihintay ang bus. Patayo na sana kami nang lumapit sa amin ni Steven.

"Uwi na kayo?" agad na tanong nito, pawisan at naghahabol pa ng hininga.

Tumango ako.

"Oo eh, malapit na'ring mag alas singko, knows mo na mahirap ma-late sa bus," si Marlon.

"Gagabihin pa kayo?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo eh, pagkatapos nito may meeting pa kami."

"O siya! Kitakits nalang us sa Caramella, mauuna na kami nitong beswang ko sa'yo ah," paalam naman ni Marlon saka hinila na ako sa palapulsuhan. "Babbussh!"

"Sige-uhm Messaila." Pareho kaming natigilan ni Marlon nang tawagin ako ni Steven.

"Huh?" ako.

"Uhm...sa sabado ah," paalala niya sa akin.

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na hindi ako makakasama sa kaniya sa sabado dahil sa maraming dahilan, pero bago ko pa maibuka ang bibig ay bigla naman siyang tinawag ng kaniyang mga ka-teammates kaya hindi ko na'rin nasabi iyon.

Si Marlon naman ay nagmamadali akong hinihila palabas ng gate. "Dali baka maiwan tayo ng bus."

"T-Teka lang Marlon."

Halos nasa loob na ng bus ang lahat ng mga kasamahan namin sa Caramella nang pumasok kami. Hindi nanaman sumakay si Marlon sa kaniyang bus, tumabi siya sa akin ng upo.

"So chika mo na dali!" excited niyang turan sa akin.

"Huh? Anong ichi-chika ko?"

Umikot ang kaniyang mga mata. "Eh ano pa nga ba, edi yung kanina, ano yung sinasabi ni Steven na sa sabado? Yieehhh ikaw ah, hindi ka na nagsasabi sa akin na may something na kayo ni Steven."

Nangunot ang noo ko. "Ano? Wala, wala namang ganun," tanggi ko.

"Ayyssuss...baka nga boyfriend mo na iyon eh, ano? May boyfriend ka na noh?" sabi niya sabay tusok sa tagiliran ko.

DEVOURED BY THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon