FORTY-ONE

472 16 3
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

"NAPAG-USAPAN niyo na ba kung kailan ang kasal?" si Tito Victor habang kasalukuyan kaming nagdi-dinner ngayon sa isang kilalang hotel. Nang sunduin ako ni Steven kanina sa shop ay sakto namang tumawag si tita sa amin at nag-ayang magdinner sa labas.

"Do you already have plans for the wedding like motifs? If hindi pa I have a suggestion," si Tita Stephanie sa amin.

Nagkatinginan kami ni Steven. Actually, hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa mga detalye sa kasal. Si Steven na ang sumagot sa tanong ng mommy niya.

"Hindi pa kami nakakapagplano tungkol diyan mom, parehong hectic pa kasi ang mga schedule namin, but we'll tell you if we can decide an exact date."

Tumango na'rin ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Steven.

"Dapat kasi ay may isa sa inyo ang nag-aasikaso niyan. Messaila, hindi ba talaga maisasantabi iyang ginagawa mo diyan sa boutique, mas importante pa ba iyan kesa sa sarili mong kasal?" we heard mamita entered the conversation.

"Mamita, kakabukas lang ng pangatlong branch ni Messaila kaya hindi pa masyadong nakakagalaw ang schedules niya sa ngayon," si Tita Stephanie.

Palihim akong napakagat ng ibabang labi.

"Ano bang silbi ng mga alipores at empleyado niya kung hindi rin naman niya miiwanan ng mga trabaho?" ani ni Mamita habang nakatingin sa akin.

I took a deep breath before I talk. "Pasensiya na po, marami lang talagang mga dapat tapusin, maybe in a week ay matatapos na iyon and after that tututukan ko na ang paghahanda sa kasal namin ni Steven habang busy pa siya sa kompanya."

Steven held my hand. "Hindi rin naman kami nagmamadali Mamita, it's just that masyado lang talagang busy ang schedule naming pareho. Don't worry, if I have a time, I'll help Messaila on preparing for the wedding."

"Well that's great, tutulong na'rin ako sa pagpaplano sa kasal niyo, by the way son, I want it to be the grandest wedding okay?" ani Tita Stephanie, bakas sa mukha nito ang saya ay excitement.

"Of course mom, Messaila deserves a grand one, she deserves the best," si Steven sabay baling sa akin. I smiled at him.

Marami pa silang napag-usapan tungkol sa magaganap na kasal namin ni Steven. Tito volunteered to answer the reception and Tita Stephanie volunteered for the gowns.

Sa dami ng mga pinag-usapan ay mukhang wala na kaming po-problemahin pa ni Steven sa lahat. Tito Victor and Tita Stephanie answered almost all, simbahan, venue, reception, foods, gowns and even who will be the emcees and guests ay hindi pinalagpas ng mag-asawa.

Wala na kaming magawa ni Steven kundi ang sumang-ayon sa kanila, okay lang naman sa akin ang mga suggestions nila, as long as maikasal kami ni Steven, that would be fine for me.

After a long talk, napag-desisyunan na ang lahat tungkol sa kasal. Patapos na kami and we are currently finishing our desserts.

"Mamita, do you have any suggestions about the wedding? What do you think about the venue, okay lang ba na garden theme ang motif ng venue?" tanong ni Tita Stephanie kay mamita dahil kanina pa kasi ito tahimik habang busy kami sa pagbi-brain storming tungkol sa kasal.

We heard her sigh before she sip her last wine. "You already planned it all, hindi na kailangan ang opinyon ko Stephanie, besides I don't want to barge myself into that, it's there wedding let them two decides," ani nito bago sumagot. "I'm done, mauuna na ako sa kotse."

Pinanood nalang namin ang papalayong likod ni mamita habang inaakay siya ng personal nurse niya palabas ng restaurant. Napabuntong hininga nalang ako, as usual, it's expected from her. Kanina ko pa nararamdaman na ayaw niya sa pinag-uusapan namin, because she doesn't want the wedding.

DEVOURED BY THE DEVIL (COMPLETED)Where stories live. Discover now