Her Truth

114 8 1
                                    

Fascinated, her eyes followed the children. Hanggang sa hindi niya namalayang itinabi na pala niya ang sasakyan sa gilid. Bumaba si Becca at wala sa loob na sinundan ang mga bata. She found out there is a nearby park. Doon ang punta ng grupong sinusundan niya. May nakalatag na picnic blanket sa damuhan. Isa-isang nagsiupo ang mga bata.

Natigil si Becca sa paglalakad. Napaupo din siya sa pinakamalapit na bench, hindi humihiwalay ng tingin sa mga paslit. Na-realize niyang and kulay dilaw na suot ng mga bata ang umakit sa kanyang sundan ang mga ito. The throw pillows then in their library were yellow too. Katorse anyos siya noon at naghahanap ng magagamit para sa project hanggang mapadpad siya sa library ng bahay nila.

Parang tubig, luminaw ang bawat hibla ng alaala ni Becca, binalikan ng isip nakaraang apat na taon.

"Nasaan na ba 'yon?"

Ang alam niya ay nandoon lang 'yon sa library. Naalala niyang nitong nakaraang buwan lang ay pakalat-kalat lang 'yon doon. Pero bakit ngayon ay hindi na niya makita? Kailangan niya ang album na 'yon para maging reference sa design na gagawin niya sa project. Mga lumang pictures 'yon na kuha noon ng parents niya.

Puwede naman siyang kumuha ng images sa Internet. But the artist side of her will not let her do so. Mas gusto niya na authentic ang pakiramdam ng vintage sa magiging finish product niya.

Nilibot niya ang tingin sa mga hilera ng cabinet. Mayamaya pa ay sumuko na siya. Ang isang cabinet naman ang susubukan niya. Pagbukas niya sa salamin ay inisa-isang basahin ni Becca ang mga volumes sa loob.

All those volumes were hardbound in leather, all in pristine condition. Mga collector's item 'yon ng mga first editions ng mga classic novels. Kung tutuusin ay maituturing na kayamanan ang lahat ng 'yon.

Pero hindi pinansin ni Becca ang mga libro. Iba ang hinahanap ng mga mata niya. Sa pagkakatanda niya ay kakulay ng mga librong naroon ang album na hinahanap niya. Baka naisingit 'yon doon nang iligpit ng katulong ang kalat sa mesa.

"Aha!" bulalas niya nang matagpuan ang hinahanap. Agad niyang binunot 'yon mula sa lalagyan.

Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang tuluyang makita ang hawak; kamukha lang pala. Mas malaki ang album na hinahanap niya bagama't magkasing-kapal. At mas magaan ang hawak niya ngayon.

Ibabalik na lang sana niya sa cabinet ang hawak nang biglang may malaglag na litrato mula sa pagkakaipit nito sa mga pahina.

Kumunot ang noo niya nang pulutin ang litraro. Mukha ng Mommy niya ang naroon, masayang masaya ang anyo nito habang nakatingala sa isang lalaking nakaakbay dito. Naninilaw na ang larawan, may bahagi nang nawalan ng kulay.

Maging ang mukha ng lalaki sa larawan ay hindi na niya nakita dahil sa parang napatakan ito ng tubig. Kung pagbabasehan ang tangkad ng lalaki, sigurado siyang hindi ang Daddy niya 'yon.

Nang baliktarin niya ang larawan ay may nakasulat.

Regina and Daniel, 1986

Sino ang lalaking 'yon sa buhay ng ina? Bigla siyang naalerto nang makarinig ng kaluskos. Hindi niya maipaliwanag pero parang may sariling isip ang katawan na nagtago siya sa ilalim ng mesa. Hawak pa ni Becca ang magkaparehong litrato at libro.

"Yes, Anton. No, hindi na kailangan." Boses ng Daddy niya ang kasunod na narinig ni Becca.

She saw her father's shoes from her position under the table. Pagkatapos ay tumalikod ang ama niya, lumapit sa malaking bintana habang tuloy sa pagkikipag-usap sa kung sino.

Ang Daddy lang naman niya 'yon, bakit ba siya nagtatago? Natatawa sa sariling akmang lalabas na siya para lang matigil sa sumunod na narinig. Dahan-dahan siyang kumilos pabalik sa dating puwesto. Parang sa pakiramdam niya ay hindi siya dapat nakikinig sa usapan.

Kissing You HelloWhere stories live. Discover now