Trouble Comes in Two's

76 3 0
                                    

"Becca! Becca, gising!"

"Hmmm...ano ba?" inis na gumulong si Becca sa higaan, palayo sa gumigising sa kanya.

"Becca, ang Daddy mo! Bumangon ka, dali!"

Himalang parang itinaboy ng malakas na hangin ang antok sa ni Becca. Bumalikwas siya ng bangon, pilit idinidilat ang mga mata.

"W-Wha—"

"Flash report. Natagpuang patay sa kanyang opisina ang singkwenta y nueve anyos na negosyanteng si Manuel Cordova, may-ari ng Pleides Philippines. Para sa iba pang detalye, i-re-report ni Maurice David. Maurice?"

"Yes, Andrew. Nandito kami ngayon sa Jose Garcia Building sa Makati kung saan naroon ang head office ng Pleides Philippines, isang import and export company na itinatag noong nineteen sixty three ng yumaong mga magulang ni Manuel Cordova. Natagpuan ng kanyang sekretarya si Mr. Cordova na wala nang buhay sa kanyang opisina bandang alas diyes singko ng umaga kasunod ng declaration of bancruptcy ng kompanya..."

A sudden coldness hit her core. Napatakip siya ng bibig, sinisikap na pigilan ang sigaw na gustong kumawala sa lalamunan niya. She shook her head, eyes brimming with tears.

Daddy, why?

Tapos na ang flash report pero nanatili siyang hindi gumagalaw sa kinauupuan. Ramdam niya ang paghagod ng kamay ng kung sino sa likod niya. A soft voice consoled her but it failed to reach her heart. Hanggang sa hindi na niya nakaya, nauwi na siya sa malakas na pag-iyak.

"Daddy..."

"Sige lang, iiyak mo lang 'yan."

Napatingala siya. Sister Amelia's face came into view. Lalo pang lumakas ang pag-iyak ng dalaga. Naalala na rin niya kung saan siya natulog. Galing siya ng party kagabi. Hindi na niya nakayang mag-drive pero nakuha niyang tawagan si Sister Amelia.

Sa pagkakatanda niya ay ang madre at si Roman ang sumundo sa kanya. Hindi lang niya masiguro kung sino ang nag-drive dahil nawalan na siya ng ulirat. Ang huli niyang natatandaan ay inaalalayan siya ni Roman palabas ng bar.

Sa mga bisig ni Sister Amelia, iyak nang iyak si Becca. Paulit-ulit naman siyang inalo ng madre. For what felt like hours, she cried her heart out.

Nawalan na rin ng saysay ang effort niya kagabi. She partied for the sake of lobbying support for her father. Kahit nasusuka siya sa mga pahaging-haging ni Elmer Tan ay tiniis niya.

Isa sa mga investor nila si Elmer. Nakatanggap siya ng balitang balak nitong i-withdraw ang investment sa Pleides Philippines dahil palubog na ang kompanya.

Kinausap niya si Elmer at nakumpirma niyang totoo ang balitang nagbabalak itong mag-withdraw. 'Pag nangyari 'yon, tuluyan na silang hindi makakabawi.

Noong una ay hindi ito kumbinsidong makakabawi ang Pleides. Pero nang i-present niya sa lalaki ang marketing strategy na pinaghirapan nilang buohin ni Miss Ana at Fred, nakumbinsi niya ito. 'Yon lang, humirit pa si Elmer ng ibang bagay; samahan daw niya ito sa isang party.

Ang marketing strategy na ilang buwan na nilang pinaghirapan ay nabuo kasama ng mga pinagkakatiwalaan niyang tao sa loob ng Pleides. Hindi 'yon alam ng Daddy niya dahil alam niyang tatanggihan nito ang tulong niya.

So Becca decided to help in the shadows. Pati ang pagla-lobby ng mga investors sa loob ng pitong taon ay ginawa niya. Dahil doon, kung sino-sino ang mga ka-meeting niya. Since all of those meetings were done in secret, she was tagged as a gold digger.

Nasa gitna siya ng pag-iyak nang biglang tumunog ang cellphone niya. Her sister's name flashed on the screen. Panibagong hapdi ang naramdaman niya sa dibdib. Her sister must have known already. Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang cellphone.

Kissing You HelloWhere stories live. Discover now