Building a New Life

101 2 0
                                    

Mula sa perang kinita niya sa isang gabing muntik na siyang mapahamak, nakahanap siya ng malilipatan ng kapatid. Hindi kasing laki ng nakasanayan nilang bahay pero puwede na. Ang importante ay malinis ang lugar at safe para sa kapatid at ina niya. Tutal temporary lang naman. Rekomendado din iyon ni Patty. Malapit lang din sa ospital kung saan naka-confine si Regina, isang sakay lang. 'Yon lang medyo malayo sa paaralang pinapasukan ng kapatid niya.

Agad niyang ipinadala ang lahat ng detalye ng bahay sa e-mail ni Jan Marie. Hindi bale. Pansamantala lang 'yon. Sa ngayon, kailangan munang magtiis ni Jan Marie sa malayong commute. Pagkatapos niyang bayaran ang bahay ay nagpasya si Becca na bumalik sa opisina para tapusin ang lahat ng kailangan niyang tapusin. Pero habang sakay ng taxi ay saka naman nag-ring ang hawak niyang telepono. May message na ipinadala sa kanya si Jan Marie.

Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang nilalaman ng mensahe ni Jan. Becca sighed. Pera pa rin ang problema nila. Nagpasya siyang tumawag sa kapatid. Agad namang sinagot ni Jan Marie ang tawag.

"Ate?"

"Ikaw na muna ang bahala kay Mommy. Mawawala ako ng three months, may training kami sa Singapore," pagsisinungaling niya. Ewan ba niya kung ano ang eksaktong dahilan na pumigil sa kanya para sabihin sa kapatid ang totoo. "Nag-advance na ako ng suweldo sa trabaho para may panggastos ka kahit paano. Check mo rin ang e-mail mo, nandoon ang detalye ng bago nating titirhan. Lumipat ka na agad, 'wag mo nang hintaying palayasin ka ni Maxwell," tuloy-tuloy na bilin ni Rebecca.

"P-pero Ate, paano ang bills ni Mommy sa ospital?"

"May iniwan akong promisory note sa mesa ko sa kwarto. Isang buwan lang ang kailangan natin, Jan. After a month magpapadala ako ng pera. Pasensya ka na kung sa 'yo ko inaasa lahat sa ngayon. I promise when I get back, hindi mo na sosolohin lahat. Please, hang on. 'Aight?"

Hindi sapat ang natitira niyang pera para pambayad sa ospital. Bumili na siya ng plane ticket para sa pag-alis niya papuntang Thailand. Pagdating doon, personal din siyang gagastos para sa mga pangangailangan hanggat hindi pa siya nakakasuweldo. Oo, libre ang bahay at sasakyan pero hindi ang pagkain at iba pang gastos niya.

"Ate..."

Becca closed her eyes and clenched her palms. Hindi siya manhid at bingi para hindi ma-pick up ang takot at pangamba sa boses ng kapatid. This will be the first time Jan Marie will be left on her own. Natural lang dito ang matakot. Sa pag-alis niya, literal na mag-isa ang kapatid. Pero kailangan niyang tiisin. Wala silang patutunguhan kung magpapadala si Becca sa emosyon.

You have to grow up, sis. I am sorry for doing this to you. Paninindigan ko ang binitiwan kong pangako kay dad noon. Sa ngayon, magtiis ka muna. Babawi si ate, hindi ko hahayaang maghirap kayo ni Mommy.

"Sige na, marami pa akong kailangang gawin. Mamayang alas onse na ang flight ko. Bye."

***

Becca set off with a heart full of anticipation, and at the same time her head were filled with worries. Hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano habang sakay ng eroplano na magdadala sa kanya sa bansang Thailand. Bagamat sanay naman siyang bumiyahe sa iba't ibang bansa para magbakasyon, iba ang dahilan ng byahe niya ngayon. She will be in Thailand semi-permanently. O kung aadyain ng kapalaran, baka doon na rin sila tuluyang manirahang mag-anak.

Marami siyang plano para sa pamilya, kasama na ang mga ampon niyang mga bata. Gusto niyang makasama lahat ng importante sa kanya pagdating ng panahoh. She promised herself she will do a great job to enable her to reach her goals a little faster. Nakasalalay sa trabaho niyang 'yon ang katuparan ng lahat ng mga pinapangarap niya, sampo ng mahahalagang tao sa buhay niya.

Bago siya umalis ay dinagdagan na rin niya ang pera sa ATM na iniwan niya kay Roman. Nakausap na rin niya ang binata bago siya tuluyang tumulak papuntang Thailand. Her charge assured her they're doing great, thanks to her support. Nangako rin siyang regular na tatawag at magpapadala sa mga bata sa sandaling maging settled na siya doon. Sa tulong ng mga madre sa ampunan, kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala niya para sa mga bata.

Kissing You HelloWhere stories live. Discover now