Good Samaritan

85 9 0
                                    

"So hindi lang ang pagpo-provide ng escorts ang ginagawa ng Fantasia?" paniniyak niya.

"No. And don't look down on us. Lahat kami ay may kanya-kanyang expertise. Karamihan sa mga members namin ay nagtapos ng may Latin Honors at galing sa mga kilalang eskuwelahan sa bansa. Basic requirement 'yon ng Fantasia dahil hindi lang kami basta pang-display kundi para makatulong na rin sa clients sa mga negotiations at mag-close ng deals."

"B-But...what about—"

"Sex?" putol uli ni Nanette. "Bawal. Fantasia is not a brothel."

She bit her lip. Nanette's offer is getting harder to resist. Kung totoo ang sinasabi ni Nanette, matatapos ang problema niya. Kapalit naman noon ay ang pagkawala niya sa loob ng tatlong buwan.

"Sigurado kang hindi ako mapapahamak diyan?"

Ngumiti si Nanette. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang calling card.

"Why don't you give him a call?"

Titig na titig siya sa calling card. Against her pale skin, the maroon stood out in stark contrast. Parang nagyayabang.

"Why me?"

"Why not? Pasok ka sa basic requirements bilang Fantasia girl. Nagtapos ka sa isang prestigious school, Cum Laude, maganda, may katawan, magaling sa trabaho, at higit sa lahat, nangangailangan ng pera. Ito na ang pagkakataon mong masolusyunan ang problema mo. Tatanggihan mo pa ba?"

Kumuyom ang palad ni Becca. Nalukot ang calling card.

"Pag-iisipan ko."

Bago ang lahat ng nangyari, kung tatanungin siya kung kaya niya itong gawin ay hindi ang isasagot niya. Pero heto siya ngayon, kusang nakasunod sa bawat daloy ng pangyayaring ni sa panaginip ay hindi niya naisip.

Isang linggo ang nakalipas nang alukin siya ni Nanette. Ngayon ay nasa loob sila ng isang cruise ship para ma-meet niya ang kliyenteng in-assign sa kanya ng manager niyang si Raf.

She talked to Raf a day after her conversation with Nanette. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang babae, para bang natatakot itong magbago ang isip niya. Agad siya nitong ipinakilala at ini-refer kay Raf na talent manager din pala ni Nanette.

It is a new world to her. Her understanding of that kind of industry was hazy at best. Pero hindi niya inasahang ganoon ka sophisticated ang kalakaran sa grupong kinabibilangan ni Nanette. There were legit contracts and all those stuffs.

Sinundan niya si Nanette sa paglabas sa kuwarto kung saan sila nagbihis. The other woman is wearing a black dress reaching her knees. Konserbatibo ang tabas ng damit maliban lang sa masyado itong hapit sa katawan. There's nothing left to the imagination the way the fabric clung to Nanette's form.

Sa dami ng mga designer dress na nakasabit sa rack, pinili ni Becca ang isang DKNY bandage dress na kulay blue. Pinarisan niya iyon ng kakulay na Valentino shoes. Tama si Nanette sa sinabi nitong hindi basta-basta ang Fantasia. Lahat ng suot ng mga babaeng negotiators nila ay balot ng designer items.

Ngayong gabi ay isang negosyante ang kliyente niya. Hindi niya kilala kung sino man 'yon. Isa lang ang malinaw sa kanya; malaki ang ibinayad ng taong 'yon para sa serbisyo niya sa loob ng tatlong buwan.

"Ready ka na?" Nilingon siya ni Nanette nang mapatapat sila sa isang set ng double doors.Umaalon ang tiyan ni Becca. Ganoon pa man ay tumango siya. She took a deep breath as the other woman turned the latch. Sumalubong sa kanila ang isang may kalakihang kuwarto. Magkahalong pula at itim ang nangingibabaw na kulay ng interior design.

Gold plated ang mga furnishing mula sa coat stand sa tabi ng pinto hanggang sa nakasabit na chandelier sa gitna ng silid. A couple of plush and large wing back chairs were thrown near the windows. Bawat isang pares ay napapagitnaan ng maliit na mesitang gawa sa kulay itim na kahoy.

Kissing You HelloWhere stories live. Discover now