Kabanata 34

1.1K 24 15
                                    

Hindi din ako nakatulog ng maayos buong gabi kakaisip kung ano kayang mangyayari mamaya, makakapasok kaya ako kahit baguhan ako?

Kinalabit ako ni Ate Ricci. "Cass, tingin mo ba makaka-NSPC tayo? Kinakabahan ako eh, last year ko na din 'to, kaya sana makapasok na."

Nagkibit-balikat nalang ako, "Wala din akong idea ate Ricci, siguro ikaw, may chance ka, ako wala na siguro kasi baguhan lang naman ako."

Binatukan niya ako ng mahina, "Tanga, anong connect? Eh kadalasan nga, kung sino pa yung mga first timers, sila pa yung nananalo eh. Sinabi mo nga din nung DSPC na wala kang chance, tapos ayan, RSPC ka ngayon, champion ka pa."

Tinawanan ko nalang siya, "Tara na, bangon na tayo. Baka mamaya madami nang naliligo."

"Aga-aga pa eh."

"Luh, 6 am na kaya! Natatae na din ako, tara na." Pangungulit ko sa kaniya kaya bumigay na din siya.

Dumaan muna kami saglit sa court para kumuha ng kape para mainitan sikmura namin bago maligo, tapos dumiretso na kami sa cr.

"Ano ba 'yan! Bakit ang dami ng tao?" Naiiritang tugon ni ate Ricci.

I laughed. "Sabi ko sa'yo eh, kung hindi pa tayo pumunta ngayon, panigurado, mas marami pa mamaya."

Nagkuwentuhan nalang muna kami at nag-stream ng mga music videos, syempre goal ng mga fandoms yun eh.

Nakaka-miss maging full time fangirl, hating-hati na oras ko ngayon dahil sa journalism.

Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang nagkagulo yung mga nauna sa amin. Kaya nakinig na din kami kung anong pinag-uusapan nila dun.

"Grabe kasi kayo gumamit eh, 'yan tuloy, ubos na yung tubig. Pa'no pa makakaligo yung mga ka-sunod natin?" Reklamo nung isang babae dun.

"Bakit kami? Eh grabe ka din naman maligo kanina?!" Mataray na sagot nung isa pang babae.

Dumating yung isang teacher bigla. "Huwag na kayo mag-away, 'wag na magsisihan. Nawawalan daw talaga ng tubig dito minsan, eh saktong tumapat pa talaga sa araw ng awarding. Hayaan na, ang mahalaga maka-attend kayo ng awarding, kahit walang ligo."

Napuno ng ingay yung cr kaya umalis na kami dun, syempre puro reklamo na 'yon kahit alam naman nilang wala ng magagawa.

"Luh, pa'no ako suswertihin nito kung walang ligo?" Iritang bulong sa akin ni ate Ricci.

Napakamot nalang din ako sa ulo, "Malay mo, swerte din pala ang walang ligo. Tara na! Bihis na tayo bago pa dumami tao."

Pagdating namin sa room, kaka-gising palang ng iba at yung iba naman ay tulog pa, mga tulog mantika.

Naglakad na kami papunta sa mga higaan namin para maglagay na sana ng mga kumot para pantakip sa pagbibihisan ng may sumigaw na naman ng pangalan ko.

Aba'y putangina, ang aga-aga pa oh?

"Cassandra!" Sigaw na naman ni Andrei.

Hindi ko nalang siya nilingon at pinagpatuloy ang ginagawa namin ni Ate Ricci.

He yelled again. "Hoy! Lingonin mo ako!"

Nanatili pa din akong walang imik, ang aga-aga naninira ng mood.

Bad trip amputa.

"Panty mo 'to?! Nakita ko kasi nalaglag mula sa towel mo?" Pasigaw niyang tanong sa akin.

Putangina? Ha?

Dali-dali kong tinignan yung towel na hawak ko at napalingon sa kaniya.

Gago, sa'kin nga.

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon