Kabanata 22

747 25 24
                                    

Naestatwa na naman ako sa mga sandaling iyon. Napakalambing ng pagkakasabi niya ng pangalan ko.

Parang ang sarap pakinggan kapag siya ang bumabanggit ng pangalan ko. Tila isang musika itong paulit-ulit na tumutunog sa aking isipan. Bakit bigla na naman siyang nag-iba? Bakit bigla ka namang nag-iba Andrei? Bakit parang pinapaasa mo na naman ako?

Matapang ko siyang hinarap at sinalubong ang mga titig niya. Wala akong makitang galit sa mga mata niya, ang tangi ko lang nakikita ay ang mga mata niyang punong-puno ng kalungkutan.

"Ano yun Andrei? Ikaw na ang nagsabi na iwasan kita diba? Na hindi mo ko kailan magugustuhan? Bakit lumalapit ka na naman sa akin ngayon?" matapang kong tugon sa kaniya.

Tinitigan niya muna ako ng mga ilang segundo bago siya magsalita. "Let me explai-"

I cut him off. "Wala kang dapat i-explain Andrei. Hindi naman kita gusto e. Bakit, sa tingin mo ba magugustuhan ko ang isang lalaking katulad mo?"

Galit niya akong tinignan. Nilabanan ko din ang mga tingin niyang iyon pero parang hini-hipnotismo niya ako sa mga titig niya.

"Ganyan ka ba talaga lagi? Hindi mo ba talaga muna hahayaang makatapos magsalita ang kausap mo?" mariin pero may diin niyang tugon.

Napatahimik na naman ako bigla at napayuko nalang dahil sa niya. Nakaramdam ako ng guilt dahil ugali ko din talaga ang hindi patapusin magsalita ang isang tao lalo na kapag wala ako sa mood.

"Nandito lang ako para sabihin sayo na hindi ako yung nagchat sayo nun. Its my cousin."

Napangisi ako. "Cousin? Sino sa mga pinsan mo? Si Isabelle na naman ba yung ginamit mo? Ano pang idadahilan mo sakin?"

Sandali na naman siyang tumitig sa akin. Mababakas mo sa mga mata niya ang galit.

"It's a dare Cassandra. Ikaw yung nakita ng pinsan ko na online sa chatlist ko non kaya sayo ko nagawa yun," may diin niyang tugon.

Another palusot na naman ba Andrei? Ganyan ka ba talaga? Hindi marunong mag-admit ng pagkakamali mo?

Maniniwala ba ako sayo o hindi? Parang ang hirap mo na kasing paniwalaan e.

"Cassandra! Halika na dito! Paalis na yung jeep natin, aantayin nalang daw yung tatlong taga ibang school," hinihingal na sigaw sa akin ni Ate Ricci.

Hindi na ako nag-aksya ng oras na lingunin pa si Andrei para magpaalam.

Wala din naman siyang pakialam kung umalis ako dun o hindi! Hindi ko din kailangang magpaalam sa kaniya dahil hindi naman siya importanteng tao sa buhay ko.

Mabilis akong sumunod kay Ate Ricci at pumwesto na sa may dulo katabi ni Isabelle at Christine.

"San ka galing Cassandra?"

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon