Kabanata 5

1.4K 79 13
                                    

Habang nasa biyahe kami papuntang Los Baños, Laguna hindi ko mapigilang matawa sa itsura ng mga kasamahan ko habang tulog. Mayroon pang tulo laway, pero yung mga grade 7 naman yun. Ako nalang 'ata gising dito, hindi ko kasi talaga nature ang matulog habang nasa biyahe.

Nagbasa nalang ako ng wattpad dahil sa sobrang kaboringan. Tulog kasi talaga sila lahat, hindi din makakilos yung paa ko kahit namamanhid na dahil sa dami ng gamit namin.

Makalipas ang halos isang oras, nakarating na din kami sa Los Baños, Laguna. Pero hindi pa kami nakakarating sa mismong paaralan na gagawing billeting ng District namin, mabilis nalang din naman daw papunta dun dahil malapit lang naman at walang traffic.

Pagkalipas ng 15 minutes ay nakarating na din kami sa school na pag-iistayan namin.

Lalakay Elementary School, basa ko sa school na pinaghintuan ng sinasakyan naming jeep. Ang ganda naman dito, parang ang sarap libutin.

Pinababa na kami ni Sir Bryan para yung mga nasa dulo nakaupo sila yung mag-aabot sa amin nung mga gamit na nasa loob pa.

Pagkapasok palang namin sa gate ng school na yun, nagsitakbuhan na agad yung mga kasamahan kong lalaki at nagpaikot-ikot sa court nila dahil sobrang lawak naman talaga nun. Pero sinaway sila ni sir kaya tumigil na din sila.

Narating na din namin yung room na gagamitin namin. Pagkalapag na pagkalapag namin ng gamit ni Christine niyaya niya agad ako lumabas, nagpalit muna ako ng tsinelas. Habang nagpapalit ako ng tsinelas narinig ko ang tili ni Ate Ricci.

"Oh my god! Katabing room natin yung Liceo! Maraming pogi dun. Tara girls, boy hunting na tayo!" Sabay tawa ng malakas ni Ate Ricci.

Nagsilabasan naman ang karamihan sa mga babae sa room namin. Bigla kaming nilapitan ni kuya Tom. "Cassandra? Hindi ba kayo lalabas para maghanap ng mga fafa diyan?" tanong ni Kuya Tom habang nakangisi.

Mabilis akong umiling. Pero biglang nagsalita si Christine. "Maglilibot nalang po kami Kuya Tom, mauna na po kami ni Cassandra," nakangiting tugon ni Christine.

Hindi pa'ko nakakapagpaliwanag ay hinila na ako ni Christine palabas. Pagkababa namin, nakita ko kaagad yung mga parte dun na paniguradong masarap pagtambayan lalo na pag gabi.

Nilabas ni Christine yung cellphone niya at inabot niya sa akin. "Anong gagawin ko sa cellphone mo Christine?" Tanong ko sa kanya.

Kumunot naman yung noo niya. "Ano bang ginagawa sa cellphone? Edi malamang magpipicture, picturan mo'ko dito Cassandra dali!" Sigaw sa akin ni Christine.

Pumwesto siya sa may nakalagay na "I love Lalakay ES."

Pagkatapos ng ilang shots ko sa kanya, tinulak naman niya ako dun. "Anong gagawin ko dito Christine?! Tapos na kitang picturan tara na!" Galit kong tugon sa kanya.

Ngumiti nalang si Christine bago magsalita. "Pumwesto ka diyan, pipicturan kita. Huwag nang maarte ah. Mag pose ka nalang diyan bili! Para makapaglibot pa tayo," tugon sa akin ni Christine kaya ginawa ko nalang yung sinabi niya.

Kasabay ng pagpindot niya ng flash ay ang pagkaharang ng isang lalaki dahilan para matakpan ang aking mukha sa litratong kinukuha sa akin ni Christine.

Agad naman na nagsalita si Christine. "Kuya, kita nyo naman po diba? Nagpipicture kami ng friend ko dito. So please lang po, makiki-excuse lang po muna. Kung magpipicture din po kayo sandali lang po mabilis nalang po 'to," pabalang na sigaw ni Christine saka sinenyasan ako na magpose na ulit.

Hindi naman umalis yung lalaki dun kaya ako na mismo yung kumausap sa kanya. "Kuya? Sandali lang naman po eh, pagbigyan niyo na po ako," pagpapa-cute ko sa kanya.

Natawa naman yung lalaki habang ako naman yung natulala dahil ang gwapo niya pala pag nakangiti siya.

Nagsalita naman si kuya. "Miss? Don't call me kuya ah? Grade 9 palang naman ako kaya pwede bang pogi nalang itawag mo sa akin?" Sabay tawa niya pa ng malakas.

Habang natawa siya, biglang sumulpot yung dalawa naming cartoonist. "Andrei! Nandito lang pala kayo, tara na maglilibot pa daw tayo nila Lester," sabi ni Kuya Jeffrey dun sa dalawang lalaki na nakasagutan namin ni Christine.

Sumulyap naman si Kuya Jeffrey sa amin at ngumiti sabay balik ng panigin kanila Andrei ba yun? "Mukhang may nahanap na kayong chixx this year ah?" Nang-aasar na tugon ni Kuya Jeffrey.

Magpapaalam na sana kami ni Christine kanila Kuya Jeffrey pero biglang nagsalita yung epal na lalaki na yun.

"I'm Andrei Samaniego, Grade 9 and Editorial Cartooning English," pagpapakilala sa akin nung lalaki.

Kaya ngumiti nalang ako pabalik sa kanya dahil ayoko magmukhang rude. Sabay hila kay Christine papalayo dun sa mga loko-loko na kartunista.

Hingal na hingal kami ni Christine nung nakarating kami sa room namin kaya tinanong kami nila Ate Ricci. "Sa'n kayo galing Cassie? Hinahanap ko kayo kanina dahil maghahanap tayo ng mga pogi ngayon kasi hindi na tayo makakapaghanap masyado kapag nagsimula na yung mga contest natin," sagot ni Ate Ricci.

Sumingit naman sa usapan namin si Christine. "Mukhang may na-hunting na si Cassandra Ate Ricci, at ako din po sa tingin ko meron na din," nakangiting sagot ni Christine pabalik kay Ate Ricci na naging dahilan para asarin ako ni Ate Ricci.

"Sino 'yon Cassie? Gwapo ba? Kung ayaw mo sa kanya, akin nalang," sabay tawa ng malakas ni Ate Ricci.

"Wala yun Ate Ricci, hindi ko po alam kung ano yang pinagsasasabi ni Christine. Hindi naman po kami nang boy hu-" nagsalita si Christine dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita.

"Gwapo nung nakasagutan natin Cass kanina noh? Pero mas bet ko yung kasama niya, mukhang tahimik pero wild!" Sigaw ni Christine kaya nagtilian naman yung iba pang babae sa room namin.

"Hindi ko naman gusto iyon, nakakainis nga yun eh," depensa ko naman sa sinasabi ni Christine sa akin.

"Weh? Hindi ka talaga interesado sa kaniya Cassandra Golez? Sige ibibigay ko na kanila Ate Ricci identity nung guy," pananakot ni Christine sa akin na akala naman niya pipigilan ko siya sa gusto niyang gawin.

"Edi ibigay mo, hindi naman ako interesado sa kanya, kailangan ko manalo kaya ako nandito. Hindi kagaya ng lalaking 'yon na maghanap ng chixx!" Sigaw ko pa.

Natawa silang lahat. Pero biglang sumeryoso yung itsura ni Ate Ricci. "Bakit ka sumisigaw Cassie? Defensive much? Kung hindi ka interesado sa kanya ipakita mo. Sa kinikilos mo kasi mukha kang nagseselos dahil gustong sabihin sa amin ni Christine yung identity nung guy na na-meet mo kanina," panunukso pa sa akin ni Ate Ricci.

Natahimik nalang ako bigla at pinagpatuloy yung pagbabasa ng mga news.

Mga bandang 6 pm ay pinababa na kami ni sir dahil gusto niya daw na doon kami kumain lahat. Inutusan niya kami ni Christine na kunin sa canteen yung pagkain nakalaan para sa school namin.

Pagkarating namin sa canteen nakalagay sa plastic yung dinner namin. Kukunin ko na sana yung pagkain namin pero may biglang humarang na lalaki pero nung naaninag ko yung mukha niya.

"Ikaw na naman?!" Napalakas yung pagkakasabi ko nun dahilan para mapatingin yung mga nandoon sa canteen kaya nagpeace sign nalang ako.

"Huwag kang feeling. Katabi lang ng pagkain niyo yung pagkain namin," sabay alis ni Andrei kasama nung kasamahan niya.

Mabilis din nawala sa isipan ko ang pangyayaring 'yon. "Ayos ka lang ba Cassandra? Eto na yung inumin natin, nakuha ko na, okay na ba yung foods?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Christine.

Ngumiti nalang ako pabalik sa kanya para hindi na siya mag-alala sa akin. "Ayos lang ako Christine, tara na," sabay tapik sa balikat niya at nauna ng maglakad.

Itutuloy...

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon