Kabanata 17

878 37 13
                                    

Tulala lang ako buong biyahe namin, kahit sino kanila Ate Ricci ay walang kumausap sa akin dahil siguro nararamdaman din nila na wala ako sa mood makipag-usap.

Nung medyo na-traffic kami banda sa may Calamba, Laguna ay inilabas ko yung mga chichiria ko sa bag at ibinigay sa kanila ng hindi man lang nagsasalita at lumilingon.

Maya-maya kaunti pa ay umusad na din ang sinasakyan namin at medyo tumitila na ang ulan.

Sa mga oras na 'to, hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya dahil nakapasok ako sa Regionals o hindi dahil makikita ko na naman panigurado si Andrei.

Gusto kong umiwas at ibaon nalang sa limot ang nangyari dahil kapag naaalala ko yung nangyari kanina, parang gusto ko nalang mag back-out.

After 2 weeks pa naman ulit yung training namin, kaya maihahanda ko pa yung sarili ko sa mga bagay na posibleng mangyari.

Sinalpak ko nalang yung earphones sa magkabilang tainga ko at nakinig ng mga musika. Pinaka paborito ko talaga sa lahat ay yung mga kanta ng The 1975.

Nagbasa nalang din ako ng stories sa Wattpad dahil ayoko talagang makipag-usap kahit kanino. Baka sa kanila ko pa maibuntong yung galit ko.

Patuloy lang sa pag-usad ang sinasakyan namin, mga bandang 6 pm ay nasa San Pedro na kami at makakarating kami sa school namin mga 30 minutes pa.

Tinext ko na si mama na pauwi na ako dahil kahapon niya pa sinabi na itext ko daw siya kapag pauwi na kami para masundo niya ako.

Ako:

Ma, malapit na po kami sa school. P'wede na po kayong pumunta at mag-abang.

Mama:

Sige anak, papunta na ako. Ingat kayo.

Ako:

Ingat ka din po papunta sa school, mama.

Mama:

I love you nak. God bless.

Napangiti nalang ako sa mga sandaling 'yon. Walang kamalay-malay si mama na nanalo ako dahil ayoko talagang sabihin.

Pinili ko nalang manahimik dahil paniguradong iisipin ni mama kung nanalo ako dinaldal ko na siya sa text.

Palapit na kami ng palapit sa school kaya napangiti nalang ako bigla. Namiss ko talaga si mama. Bigla naman akong natauhan nung kinalabit ako ni Christine.

"Parang kanina lang tahimik ka ah! Anong meron sayo?"

Nginitian ko nalang siya at nanlaki naman bigla yung mga mata niya. "Omg! Hindi kaya nababaliw na si Cassandra? Lumayo ka muna sa akin Cass!" Sigaw niya pa sa akin.

Natawa nalang ako sa reaksiyon niya. "Look guys! Natawa siya mag-isa!"

Binatukan ko nalang siya pero mahina lang naman.

"Manahimik ka nga." I laughed again.

Ngayon lang nagsink-in sa akin na nanalo ako kaya hindi dapat ako mag-drama.

Sinundan naman ng tawanan ng ibang writers yung pagtawa ko.

Kumunot noo naman bigla yung noon ni Christine. "Ngayon naman lahat kayo nagtatawanan? Ah. Sige, hindi ako belong. " Iritadong tugon sa amin ni Christine.

I laughed again and then I hugged her. "Hindi lang ako okay kanina kaya hindi ko kayo kinakausap. Baka sa inyo ko pa maibuntong yung inis at lungkot ko," malungkot kong tugon.

Niyakap niya naman ako pabalik. "Sorry, Cass. Pero ano ba talagang nangyari? Nag-usap lang naman kayo ni Andrei 'diba?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Ah... hindi 'yon dahil kay Andrei. Namiss ko lang kasi bigla sila Mama kaya gano'n," pangungumbinsi ko sa kanila.

Napatango-tango nalang sila. Pero nung nilingon ko si Isabelle parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. "Isabelle? Ayos ka lang?" I asked her.

She looked at me with a curious look. "Mag-uusap tayo sa monday Cassandra," matigas niyang tugon na nagdulot ng kakaibang kaba sa akin.

Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi niya. "Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon yung dapat mong sabihin Isabelle?" Pandidiretsa ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "May alam ako sa nangyari kanina Cassandra," nakatungo niyang tugon sa akin.

"Nangyari? Saan? Sa pag-uusap niyo ni Andrei? Anong nangyari Cass?" Nagtatakang tanong ni Christine.

Napatahimik kami ni Isabelle nun dahil parehas kaming nangangapa ng mga sasabihin namin.

"Alam ko yung dahilan kung bakit kinausap ni Andrei si Cassandra," she said without looking at me.

Christine laughed sarcastically. "Alam mo pala yung dahilan Isabelle! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin yung pag-uusapan nila?!" singhal ni Christine kay Isabelle.

Niyakap ako ni Isabelle. "Sorry talaga Cassandra. Sinabi kasi ni Andrei na huwag kong sasabihin sayo kasi surprise daw yun," tugon niya pabalik sa akin.

"Akala ko masusurprise ka na may nagkakagusto sayo Cassandra kasi 'diba sinabi mo hindi mo naman gusto yung pinsan ko?" Dagdag niya pa.

I sighed and look at her. "Tama ka dun sa sinabi mo Isabelle. Pilit kong dinedeny yung katotohanan na gusto ko yung pinsan mo."

"I'm sorry Cassandra. Please forgive me," nanlulumong tugon ni Isabelle sa akin.

"Forgiven, Isabelle. Hindi ko naman kayo matitiis. Alam nyo naman yun diba? Huwag mo din sasabihin sa pinsan mo na gusto ko siya. Ipangako mo sa akin 'yan."

She nodded. "I promise Cassandra. Again, I'm sorry," nakayuko niyang tugon.

"Nandito na tayo! Tama na 'yang sigawan at iyakan diyan!" Sigaw sa amin ni sir na nasa kabilang jeep.

Nagtawanan nalang kami. "Nagpapractice lang kami sir para sa Regionals. Syempre sir! Road to NSPC po 'ata 'tong mga alaga mo!" Mayabang na tugon ni Kuya Jeffrey.

Pagkababa namin sa sinasakyan namin, nakita ako ni mama at agad niya akong sinalubong na mainit na yakap. Niyakap ko din siya pabalik dahil parang ang tagal ko silang hindi nakita.

Hindi pa nakikita ni mama yung medal ko dahil nasa shoulder bag ko yun.

"Kumusta ang laban, anak? Mahirap ba? Nakapagsulat ka naman ba? Kumain ka ba ng maayos dun?" Nag-aalalang tanong ni mama sa akin.

I nodded and smiled at her. "Yes po mama! Nag enjoy po ako ng sobra at ang babait din po nila sa akin. Hindi din po ako nagutuman dun," nakangiti ko pa ding sabi.

She smiled too. "Mabuti naman anak. Teka? Bakit parang namamaga 'yang mata mo? Umiyak ka ba?" Niyakap niya ako bigla.

"Huwag ka ng malungkot anak kung natalo ka man, ayos lang yun, proud pa din kami sayo dahil ni-represent mo ang school niyo. Yun palang karangalan na para sa akin yun dahil ako yung magulang mo."

Natawa ako sa haba ng sinabi ni mama. Binuksan ko na yung shoulder bag ko habang tinatali niya yung buhok ko bago kami mag-antay ng masasakyan.

When I looked at her, I show her the fruit of my hardships. Ang medal na pinaghirapan ko ng husto para makamit. "Ma! Champion po ako! Gogora na po ako sa Regionals!" I smiled at her.

She looked shock. "Anak! Akala ko naman hindi ka nanalo kaya ka umiiyak. Kung ganoon, bakit ka umiiyak kung nanalo ka naman pala?" Tanong ni mama bigla.

Gusto ko sana sabihin kay mama yung tunay na nangyari kaso baka isipin ni mama na napakabata ko pa para dun.
Kaya pinili kong isantabi nalang muna yun.

"Tears of joy yung dahilan ng pag-iyak ko ma. Kaya huwag na po kayo mag-alala," paninigurado ko sa kaniya.

Maybe I was too young for this, love shouldn't be like this, right?

Itutuloy...

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon