Kabanata 23

811 28 26
                                    

Hindi ko namalayan na nasa Liliw na pala kami. Kinalabit ko na si Andrei. "Huy! Gising na! Andito na tayo sa Liliw."

Mabilis namang dumilat ang mga mata niya at tumawa ng mahina. "Walang tayo Cassandra."

Ang saket ah! Parang tanga lang Andrei ah? Kailangan talaga ipamukha sakin? Bwiset!

"Para kang tanga Andrei. Pasalamat ka nga ginising kita e! Kung hindi kita ginising baka may laway ka pa sa pisngi mo pagbaba natin."

Kinapa niya yung dalawa niyang magkabilang pisngi. "Wala naman ah! Saka hindi naman ako naglalaway e."

Natawa nalang din ako sa itsura niya. Napainosente tignan e. "Tanga mo Andrei! Naniwala ka naman sakin!"

Ngumiti nalang siya sa akin at ngumiti naman ako pabalik. "Mas maganda ka pala kapag nakangiti..."

"H-huh? Ano yun? Hindi ko narinig. Bakit ba kasi ang hina ng boses mo?" sunod-sunod kong tugon sa kaniya.

Nakakainis e! Hindi ko narinig! Malay mo nakakakilig pala yung sinabi tapos hindi ko man lang narinig? Napakaepal mo talaga kahit kelan Samaniego!

"Wala yun Cassandra. Sabi ko nauuhaw nako. Baka naman gusto mo akong ilibre ng softdrinks?" nakanguso niyang tugon.

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Soft drinks lang naman pala hinihingi hindi pa sinabi ng diretso. "Tangina mo talaga! Hindi mo nalang sinabi sa akin ng diretsahan kailangan pa na pabulong... Mamaya ililibre kita pagkarating natin sa school na magiging billeting natin."

Napakamot nalang siya ng ulo at ngumiti na naman sa akin. Tinap niya yung ulo ko ng marahan. "Salamat Cass! Good girl! Sabi mo yan ah? Aasahan ko talaga. Sanay nako umasa, sana naman this time hindi na..."

"May sinasabi ka na naman ba?"

"W-wala Cassandra, sabi ko nauuhaw na talaga ako. Kain na din tayo lugaw pagkarating don. Ayain natin sila. Pero ililibre mo pa din ako ng coke!" natatawa niyang tugon.

Tanginang ngiti yan! Makalaglag panty talaga e! Sanay ka na palang umasa Andrei e... Dito ka nalang kasi sakin. Charot! Ang harot ko!

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na yung jeep namin sa school na magiging billeting namin para sa isang linggong training ng Laguna.

"Nandito na tayo. Baba niyo na muna yung mga gamit niyo. Yung apat na nasa unahan kayo muna yung bumaba tas saluhin niyo yung mga gamit na ibibigay sa inyo," sabi ni Sir Bryan.

"Pwede din naman saluhin mo si Cassandra diba Andrei?" nakangising tugon ni sir na sinundan naman ng mga hiyawan at tilian ng mga schoolmates ko.

Paniguradong pulang-pula na naman yung pisngi ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mahihiya dahil binubugaw ako ng mga co-journalists ko?

"Saluhin na daw kita Cassandra, umamin ka muna sakin ng harap-harapan at gusto ko in a romantic way ah?" pabulong niyang tugon.

Hinampas ko nga ang mokong. "Ewan ko sayo. Bumaba ka na nga diyan! Matatagalan pa tayo dito e. Nagugutom nako!"

"Uy! Ano yan! Bago palang yung sweetness niyo tapos LQ agad kayo? Suyuin mo naman si Cassandra. Nagpapasuyo lang talaga yan Andrei. Di naman kagandahan!" natatawang sabi ni Kuya Jeffrey.

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon