Kabanata 24

847 34 23
                                    

Hanggang sa makarating kami sa billeting room, hindi ko siya pinansin o nilingon man lang.

Hindi ko naman kasi alam kung seryoso talag siya sa sinabi niya kanina o baka sinasakyan niya lang para hindi ako masaktan.

"Uy! Ano 'yan! Magkasama pala kayong dalawa kaya nahuli kayo. Tapos parehas pa kayo ng binili! Ambilis mo talaga kumilos Andrei!" sigaw ni Kuya Jeffrey pero nilagpasan ko lang sila.

Narinig ko pang kinausap siya ng schoolmate niyang babae. Nakakairita!

"Andrei? San kayo galing? Bakit di moko sinama?" mahinhing tugon nung babae. Pagkalingon ko nakayapos na kay Andrei. Sarap putulan ng kamay e!

"May binili lang kami ni Cassandra, Milcah. Don't worry sama kita next time..."

Tangina mo talaga! At may balak ka pa talagang isama yan? Pwes wala ng next time gago!

"Dapat sakin ka nalang nagpasama Andrei. Malay mo may balak pala sayo yang babae yan..."

Aba't ang kapal ng mukha ng isang to ah? Nakakainis talaga!

"No Milcah, i'm the one who insisted."

Umalis na ako dun bago ko pa masabunutan yung babaeng yun sa inis ko.

"Cassandra! Tara labas tayo, picture-picture lang para may ma-upload sa IG," nakangiting tugon ni Ate Ricci sa akin.

Nasa likuran niya na din yung mga ibang babae kong co-journalist at halatang mga nag-ayos talaga. Kasama din nila yung photojournalist namin at aabusuhin na naman nila.

Nag-isip muna ako bago sumagot. "Hindi na po ate, pagod na po kasi talaga ako e. Magpapahinga nalang po muna ako," nakatungo kong tugon.

Pagkalabas na pagkalabas nila Ate Ricci nilatag ko kaagad yung isang beddings para may mahigaan ako dahil ang sakit talaga ng likod at paa ko dahil sa mahabang biyahe.

Humiga lang ako dun, nagsalpak ng earphones saka nagbasa ng wattpad. Bored ako e, siguro bukas nalang ako ng umaga gigising para makapag-review ng recent news.

Basa lang ako ng basa dito at nagtype na din ng update sa story ko kahit wala namang nagbabasa non.

Naramdaman kong biglang gumalaw yung unan at kumot ko. Pagkasulyap ko si Christine at Isabelle lang pala.

"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila at ibinalik ulit yung tingin ko sa binabasa ko.

Kinalabit ulit ako ni Isabelle. Pagkalingon ko nakanguso lang siya at parang baliw na nagpapaawa.

Binalewala ko nalang ulit dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap at ang sakit pa ng ulo ko.

May kumalabit na naman sa akin habang nagbabasa ako.

"Putangina! Hindi ba mapagsabihan na wala nga ako sa mood at tinatamad talaga ako kung may balak kayong puntahan?! Kung may sasabihin kayo, sabihin nyo! Hindi yung tutulala lang kayo!" singhal ko sa kanila ng hindi lumilingon.

"Kababae mong tao napakalakas mong magmura. Hindi ba pwedeng mahinahon lang?"

Napalingon ako sa nagsalita at tama nga ako ng hinala. Kay Andrei nga yung malamig na boses na narinig ko at sumaway sa akin.

Hindi agad ako nakasagot at hindi din ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Feeling ko kasi napakasama kong tao dahil sa pagmumura ko sa harapan niya.

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon