Kabanata 1

3.7K 128 15
                                    

We talked and laughed for a few minutes, they are easy to get close with.

"Oo nga pala Cassandra, hindi mo pa pala alam yung magiging category mo. Wala kasi talagang nagtangka na mag-audition sa category na 'to, saka yun nalang yung vacant namin na category. I hope okay lang yun sa'yo?"

Nanlaki ang mata ko. "Hala sir? Wala po palang nagtangka na mag-audition eh, baka naman po mahirap 'yan sir?"

He just chuckled. "Funny mo talaga Cassandra! Syempre tuturuan naman kita eh, alam kong kaya mo yun. Nararamdaman kong makakapag-NSPC ka din kagaya ni Bea," nakangiting tugon ni sir.

"Sino po si Bea, sir?" My voice is filled with curiosity, nakakatakot ma-compare if ever.

"Siya yung former Editor-In-Chief ng Ang Ugat, and at the same time siya din ang former Editorial Writer, ang magiging category mo," Sir Bryan furtherly explained.

"Hala sir mukhang magaling po siya."

"Magaling talaga si Bea, magaling sa kahit saang bagay at nakapag NSPC din yun sa Butuan City, hindi lang siya basta NSPC Qualifier dahil NSPC Champion din siya."

I got scared for a second.

"Hala sir! Mukhang nakaka-pressure naman po yun, pride po pala siya ng school at sobrang batikan po siguro niyan. Tapos ako po eto, baguhan lang. Nakakahiya naman po na yung pinalit nyo sa former is walang experience," kabado kong tugon.

"Anong silbi ng training Cassandra? I'm sure you will eventually learn."

"Sinasabak namin yung mga batang nakikitaan namin ng potential. Sa nakikita ko Cassandra, may potential ka. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Tandaan mo na maraming nagtitiwala sa kakayahan mo. Okay ba yun?" Pang-momotivate sa'kin ni Sir Bryan.

"Salamat po sa pagtitiwala, sir. Btw sir, meron po ba kayong maibibigay na reviewer sa'kin?"

Biglang umalis si sir sa harapan ko pero hindi rin nagtagal ay nakabalik din siya agad at may inabot sa akin na mga papel.

"Ayan yung magiging guide mo sa pagsusulat ng editorial, Cassandra. Andiyan lahat ng pointers on how to write a good editorial article, andiyan din yung mga dapat at hindi dapat mong gawin kapag nagsusulat ka ng editorial. Meron ding sample outputs diyan ni Bea," He explained habang binubuklat yung mga papel.

Ang dami. Masisiraan na 'ata ako ng bait.

"Maraming salamat po sir, p'wede na po ba akong umuwi? Para po mapag-aralan ko na po 'to at ma-try ko po gumawa mamaya at ma-ipacheck ko po sa inyo bukas."

"Sige Cassandra, mauna ka na muna, yung iba kasi sinisimulan na nila yung diyaryo ng school natin siguro after ng presscon makakatulong ka na din kasi medyo gamay mo na yang editorial."

"Salamat po ulit!"

Lumabas na ako sa room, I'm completely exhausted today.

"Sandali Cassandra!"

I looked at Sir Bryan, buti hindi pa ako nakakalayo. "Bakit po?"

"Magcacamping pala tayo sa ibang district ng Laguna, sabihin mo na din yun sa parents mo. Sa friday ko nalang ibibigay yung permit," pahabol na sabi ni sir.

"Sige po."

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako palabas ng gate.

"Cass! Wait! Antayin mo'ko!"

I slowly turn my head to see who's calling my name. It's Kent.

"Buti naman naabutan kita Cass!" Hinihingal na tugon sakin ni Kent.

"Oh? Ikaw pala 'yan Kent. Sa'n ka pala galing?"

"May training din kasi kami ng Basketball, malapit na kasi yung District Meet. Ikaw ba? Bakit ngayon ka palang umuwi?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin.

"Sumali kasi ako ng Journalism."

His mouth formed an 'O'. "Wow! Goodluck diyan Cass, alam kong kaya mo yan kahit baguhan ka lang. Tara na! Lakad nalang tayo tapos bili tayo ng ice cream bago umuwi."

"Sige."

Lalo akong napangiti dahil slight crush ko yun si Kent tapos kasabay ko ngayon! Swerte ko naman ngayong araw.

Dumaan muna kami sa Ice Cream Shop bago maglakad.

"Ano palang flavor gusto mo Cass?"

"Cookies and Cream."

"Dalawang cookies and cream nga po ate," tugon ni Kent sa tindera.

Hala, cookies and cream din pala bet niya?

Inabot ko yung bayad ko kay Kent pero umiling lang siya.

"Treat ko na sayo 'yan dahil achievement mo 'yan na mapasama sa members ng School Publication natin," nakangiti na rin si Kent ngayon.

"Salamat Kent ah?"

"Wala yun Cass, tara na."

Pano kumalma guys? Kinikilig talaga ako. Ba't ka ganyan Kent?

"Cass, nandito na pala yung bahay ko. Hatid pa ba kita?" He asked me.

"Cass? Ayos ka lang ba?"

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami kanila Kent.

"Uy, hindi na. Ayos lang ako, salamat ulit sa treat at sa pagsabay sa'kin ah?" I smiled.

"Sige ingat ka ah? I enjoy the walk with you Cass."

What's wrong with me, I can feel that my cheeks are turning red. Tinalikuran ko na siya.

Malapit lang yung bahay namin kanila Kent pero may streets pa din na pagitan kaya kailangan pa lakarin.

When I reached out home, I immediately look for yumi. "Nandito na po ako!" Nakangiti kong sigaw pagkarating ko sa bahay namin.

"Oh, magpalit ka na muna ng damit mo dun sa kwarto mo anak at magmeryenda ka na dito. Yung ate mo kasi gagabihin pa yun dahil may tatapusin pa silang research," sabi ni mama.

Nagmadali akong magbihis dahil gusto ko na agad sabihin kay mama na kasama na'ko sa school publication namin.

"Mama!" Sigaw ko habang pababa ako sa hagdan.

"Oh ano ba yun anak? At parang ngiting-ngiti ka diyan to the point na hindi na makapaghihintay 'yang sasabihin mo," tanong ni mama.

"Kasi ma! Part na po ako ng school publication namin," nakangiti kong sabi kay mama.

"Masaya ako para sa'yo anak, may camping ba kayo diyan? Sa ibang lugar ba gaganapin yan? At para makahagilap nako ng pambaon mo pag nagkataon dahil next week pa makakapagpadala si papa mo," sabi ni mama.

Napangiti ulit ako. Ganyan talaga kasupportive si mama sa'min ni ate kapag may sinalihan kaming mga extra-curriculars. Napaka-swerte ko talaga sa kanila ni Papa.

"Oh ano anak? Natulala ka bigla diyan?" Biglang tanong sa'kin ni mama.

"Wala po mama, sobrang thankful lang po ako dahil supportive po kayo sa'min ni papa."

"Syempre kung yun yung ikasasaya niyo, hindi namin hahadlangan ng tatay niyo," nakangiti pa ding tugon ni mama sa akin.

"Meron po pala kaming camping sa Los Baños, dun daw po gaganapin yung Division Secondary Campus Media and Research Conference namin."

She just nodded. "Sige anak, maghahagilap na'ko ng pambaon mo para makapamili ka din dun ng mga souveneirs mo at mga pagkain dun," dagdag pa ni mama.

"Salamat po talaga mama, tapos na po ako kumain, rereviewhin ko lang po itong binigay sa'kin na pointers para makagawa na din po ako ng article na ipapasa ko bukas."

"Sige anak, tatawagin nalang kita mamaya pag kakain na tayo ng dinner. Goodluck sa pagre-review mo anak," nakangiting sabi ni mama.

Mama is really proud of me. I smiled to myself. Buo na ang desisyon ko, paninindigan ko na ang pagiging Campus Journalist ko.

Itutuloy...

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon