Kabanata 21

841 24 10
                                    

Pinagpahinga lang nila ako hanggang sa matapos yung math subject namin at ipinaalam na din ako ni sir sa science namin.

Hindi na din nila inantay na matapos yung klase sa umaga bago nila ako pauwiin dahil pinahatid nako ni sir kay Katana at Kent.

Ang harot ko kahit may sakit ako jusko! Kinikilig ako e! Bakit ba! Ikaw ba naman ihatid ng crush mo sa bahay niyo, hindi ka ba kikiligin?

Nakasakay din naman kaagad kami ng tricycle na maghahatid sa amin. Nasa loob si Katana tapos nasa back ride naman si Kent.

Ilang minuto lang ang biyahe namin dahil sobrang lapit lang talaga ng bahay namin sa school. Inalalayan lang ako ni Kent hanggang sa makarating kami sa may gate ng bahay namin.

"Mauuna na kami ni Katana, magpagaling ka Cassandra ah? Papahiramin nalang kita ng notes. Hatid ko dito mamayang hapon," pagkatapos niyang sabihin yun namula na naman siya at mabilis na tumalikod.

Minsan talaga hindi ko din maintindihan yun si Kent. Napakalabo e!

Naglakad nalang ako papasok sa amin at ng makasalubong ko si mama sinabi ko kaagad kung bakit ako umuwi.

"Sige na anak, magpahinga ka nalang dun sa taas."

Dali-dali na akong umakyat sa kwarto ko at mabilis na lumundag pahiga sa kama ko at mabilis din nakatulog.

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok na nagmumula sa labas na pintuan ng kwarto ko at kaagad ding bumukas iyon.

"Anak, may ihahatid lang daw sayo si Kent kaya pinapunta ko na dito. Saka bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit? Nakakahiya kay Kent oh!"

Ayan na naman si mama parang binubugaw na naman ako. Hindi ko naman kailangang mag-ayos para diyan... Kung magugustuhan niya ako edi magustuhan niya!

Tumango nalang ako. "Maiwan ko na muna kayo diyan anak ah? Hahatiran ko nalang kayo ng makakain," sabay kindat sa akin.

Baliw na talaga to si mama! Parang akala mo may gagawing masama e. Hahatid lang naman sakin yung notes niya. Buti nalang masipag to magsulat.

Nginitian lang ako ni Kent at tumango. "Eto na yung notes Cassandra, pagpasensiyahan mo na kung hindi ganun kaganda yung sulat."

Ngumiti lang ako pabalik. "Ayos lang yan," sabay thumbs up ko sa kaniya para makampante siya.

"Bakit pala hindi ka pa nagpapalit ng damit? Kanina pa yan ah?"

I laughed a bit. "Nakatulog kaagad ako, sobrang sakit ng ulo ko e."

He looked at me and laughed too. "So, mauna na ba ako Cassandra? I can talk to your mom and tell na you need to rest pa at mamayang gabi ka nalang magsulat. Hindi naman gano'n kahaba 'yan."

I nodded. "Mabuti pa nga Kent. Btw, salamat pala sa notes na ipinahiram mo."

Sinamahan ko na siya palabas ng bahay pero nakasalubong na naman namin si mama. "San kayo pupunta? May hinanda pa akong meryenda oh! Kumain muna kayo."

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon