Chapter 16: Absence

107 9 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Panibagong araw, panibagong pagod.

Maaga akong bumangon para makapaghanda't pumasok. Kumain, nagsipilyo, naligo, nagbihis, at kinalauna'y umalis na rin.

Habang nasa biyahe ay magdamag akong nakatulala sa kung saan. Nanlalata ako na para bang ayaw kong pumasok pero gusto ko rin naman. Ang gulo. Kulang nga ako sa tulog. Kahapon nga lang ay sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko para matulog e naaalala ko mga sinabi sa 'kin ni Lorenz. Parang nahihiya ako na ewan. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa todo-todong pagkailang kahit na alam kong iniwanan ko siya ro'n. For sure naman, kaya naman na niya mag-isa 'yon. I just don't know what's wrong with me. I know that I was wrong after I left him yesterday knowing he's sick and I'm only the person who's there to take care of him.

Pahatinggabi na nang makauwi ako sa mga oras na 'yon at wala akong ginawa pagpasok sa 'king kuwarto pagkatapos lang makapagpalit ng pambahay na damit. Nagkulong na ako ro'n nang magdamag. Hindi na rin muna ako sumabay sa paghapunan nila kagabi at nagpaalam na busog ako't kailangan kong matulog nang maaga bagay na 'di naman nila pinakielaman pa. Mabigat ang dibdib ko na para bang may nagpapasikip dito. Dumadagdag pasa isipan ko kung sino si Kendra. Marahil ex-girlfriend niya siguro kung magpapakaprangka ako. Though naalala ko na naman 'yung picture frame na luma na talaga, napapaisip pa rin ako sa pag-amba ng yakap sa 'kin ni Foreigner guy. Weird.

"Manong, dito na lang po ako," para ko sa kaniya. Pagkuwa'y agad kong inabot ang bayad ko at bumaba ng cab saka tumuloy na papasok sa UOL

Itong araw na 'to kami literal na magpipinta kaya naman dala-dala ko rito sa bitbit kong itim na case ang mga kagamitang kakailanganin. Maaga rin akong nakarating sa room namin dahil kaunti lang kami pagkapasok ko ngunit nakumpleto naman na kami sa paglipas ng oras.

Ilang sandali pa ay isa-isa na naming nilabas ang aming mga kagamitan. Ang bawat isa sa 'min ay magkakahiwa-hiwalay ng puwesto. Nasa harapan namin si Prof Hereo na magtuturo sa 'min. 'Yung mga kaklase ko e sabik na sabik sa gagawin ngayon samantalang ako ay walang gana at tinatamad pa. Halos wala rin nga akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"Shit," bulong kong mura sa sarili habang nakatutok sa blangko at puting canvas.

"Eyes on me, class," pukaw sa atensyon namin ni Prof Hereo.

Nagsimula na kami. Iba't ibang uri ng mga strokes ang gagawin namin. Nasa tabi ko ang tubig na nasa isang container, kulay lilang pintura, at iba't ibang uri ng mga brushes. Sumusunod lang ako sa kung paano ang gagawin kahit na ang ilan ay matagal ko nang alam since naituro na ito no'ng senior high school pa lang ako sa strand na Arts and Design Track. Bukod pa ro'n ay winakli ko na lang sa isipan ko si Lorenz nang sa gayon ay makapag-focus ako sa ginagawa.

Oras ang lumipas ay natapos na kaming lahat. Nakaligpit na rin ang mga gamit at tinapon na sa basurahan ang mga kalat. Ang tanging tinira na lang ang easel saka ang mga canvas namin. Isa-isa itong tinitingnan ni Prof Hereo nang masuri. Pinupuri niya ito maging ang dapat pang pag-igihan sa susunod. Papalapit na nang papalapit na ako kay Prof Hereo hanggang sa ako na ang naging susunod.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon