Chapter 53: To Cherish Every Moment

71 4 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Bumukas ang pinto nang hindi ko inaasaha at niluwa n'on si Lorenz na nagtatakang tinapunan ako ng kaniyang tingin. Hindi ko naman narinig ang mga yabag ng kaniyang mga paang papaakyat dito kung kaya mabilis ako nakaramdam ng hiya at pagkailang dahil dito. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama.

"Ano 'yun?" tanong niya.

Umiling ako. "W-Wala. May kumati lang sa dibdib ko," pagdadahilan ko.

"Are you sure?"

"Yes," tango ko.

Hindi na siya nagsalita pa't dumiretso na sa loob ng kuwarto. Tumungo siya sa closet niya para kumuha ng pamalit na damit na kaniyang gagamitin ngayon. Pinagmasdan ko lang siya sa kaniyang ginagawa subalit gano'n na lang ako masindak nang walang anu-ano'y hinubad ang kaniyang pang-itaas na sinundan naman ng kaniyang pang-ibaba dahilan para manlaki ang mga mata ko't malimit na mapasigaw sa gulat. Mabilis akong napatalikod at tinakpan ang aking mga mata gamit ang mga palad ko.

"Lorenz naman, oh! Ambastos!" asik ko.

"Kunwari ka pa e gusto mo naman," prangka niyang sambit sa malokong tono ng pananalita. "Besides, I'm your boyfriend so there's no issue if you see something to me."

"Kahit na," giit ko naman. Nanatili pa rin akong nakatalikod kay Lorenz. "Bilisan mo."

Makaraan ang ilang minuto ay naramdaman ko ang presensiya niyang lumabas na sa kuwarto.

"I'm done. It's your turn. Maghilamos ka na rin ta's toothbrush," paalala niya.

"Oo na," sarkastiko ngunit pabiro kong tugon.

"Make it quick. May naghihintay sa baba."

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?"

***

Gamit ang motor ni Lorenz ay magkasama kaming tumugo ni Lorenz sa panibagong lugar na ngayon ko pa lang napuntahan dito sa likod ng beach kung saan napapadalas ang paglaan namin ng aming mga oras. Nandito kami ngayon sa rose field kung saan napupuno ang bawat lugar ng iba't ibang mga uri ng mga bulaklak. Hindi mapirmi ang mga mata ko sa sorbang mangha at aliw sa buong paligid.

"Ang ganda rito, Lorenz," sambit ko sa kaniya.

"Just like you."

Kasalukuyan kaming nasa bungad nitong kabuuang rose field. Katabi ko si Lorenz ngayon na panay ang pagkuha ng mga litrato gamit ang kaniyang phone.

"May gan'to pala rito."

"I thought about it too. Nakita ko lang sa internet at meron nga," aniya.

"The view here is nice lalo na kapag ganitong mga oras. Mamayang tanghali mainit na nito." Humarap ako sa kaniya't pagkuwa'y kinuha ang kaniyang kamay saka sinabay sa 'king maglakad. "Tara." Hindi maitago sa 'king mukha ang saya.

"Wait lang. Let's take a picture muna para magamit mo na 'yan."

Tumango naman ako. Nilabas ko mula sa bulsa ng suot kong jacket ang maliit na polaroid camera'ng si Lorenz mismo ang nagregalo sa 'kin kanina.

Itinaas ko na ito sa era para ihanda. "Three, two, one..." Kumuha na ako ng litrato sa pamamagitan lang ng pagpindot. Wala pang ilang minuto ay lumabas na sa camera kong hawak ang isang polaroid film na larawan mismo namin ni Lorenz ang nando'n. Pinakta ko ito sa kaniya. "This feels nostalgic and aesthetic. Salamat dito."

"Ganda pala ng nabili ko, eh. Isa pa. Wacky naman," aniya bagay na akin namang sinunod.

Kumuha ulit kami ng litrato bago nagpatuloy sa paglilibot sa buong lugar. Bawat parte nitong rose field ay aming pinupuntahan at sinusulit bago pa man tumirik ang araw. Maraming magagandang bulaklak akong nakikita na akin namang kinukuhanan gamit ang aking camera. Masaya kaming pareho na para bang kami lang ang dalawang tao rito sa mundo kung kaya napagpasiyahan pa naming maging bata sa saglit na pagkakataon nang kami'y maghabulan. Puro lang kami tawanan na akin namang kinatuwa dahil sa paraang ito ay alam kong nakakatulong ako para makalimutan ni Lorenz ang mga kagapanan na nakakapagpasakit sa kaniya. Ito na rin ang paraan ko ng pagbawi sa ilang mga pagkukulang ko. 'Yon nga lang ay mabilis akong hiningal kung kaya napag-isipan niyang tumigil na rin at maglakad na lang kaming pareho.

"I think we should stop," pigil niya sa 'kin. Pagkuwa'y lumapit siya sa kumpol ng mga bulaklak at pumitas ng is nito. Nakangiti pa siyang humarap sa 'kin na para bang batang gustong-gusto ipakita ang hawak niya ngayon. Bumalik siya ulit sa tabi ko at walang anu-ano'y nilagay sa tenga ko ang bulaklak na kaniyang pinitas. "Eres preciosa, Destino Sierra," aniya't malimit na dinampian ako ng halik sa 'king pisngi. "Te amo."

Napahgikgik naman ako ng bahagya't humalik din pabalik pero sa pagkakataong 'to ay hindi sa pisngi kundi sa kaniya mismong malalambot na mga labi. "Te amo rin,"  panggagaya ko sa kaniya pabalik.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos n'on at basta na lang pinagdaop ang aming mga kamay sa isa't isa saka nagpatuloy sa paglalakad para ipagpatuloy ang paglilibot dito. Habang nasa kalagitnaan ay hindi ko napigilan ang aking sariling mapatanong.

"Lorenz," tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" tugon naman niya nang hindi lumilingon sa 'kin. "What's it?"

"Ano pala ibig sabihin no'ng, 'Eres... pre---'"

"Eres preciosa," pagtatama niya. "That means, 'You're gorgeous.' I'm sorry about that. I'm just used to compliment things using my own language."

Tumango ako. "It's fine. By the way, thanks for the compliment."

"I know this may sound cringe but you're the most beautiful girlfriend I ever had."

Napangunot naman ang noo ko. "Bakit? Meron pa bang iba bukod sa 'kin kang girlfriend?"

"Oh, I'm sor---"

"Geez." Kaagad akong napatakip sa bibig ko nang may napagtanto. "I'm sorry. I didn't mean to offend you," nahihiya kong sabi.

Tinawanan niya lang ako at bigla akong inakbayan nang mahigpit saka mas nilapit sa kaniya. "We should forget about the past. Ang mahalaga ito---tayo. Stop overthinking. Papangit ka niyan, sige ka," biro niya pa.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon