Chapter 57: In the Middle of Tough Times

73 4 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Lorenz!" Hindi ko na kinaya nang tuluyan akong masubsob sa pinong buhangin nang muli ko na namang naramdamang may kumikirot sa kaloob-looban ng aking dibdib. Napangiwi ako sa sakit at sunod na nahirapan sa paghinga. Natatakot ako ngayon at napaiyak na lang ako dala ng sitwasyon.

"Destiny? Destiny!"

Naramdaman ko namang may lumapit sa 'kin. Mabilis kong napagtantong si Lorenz ito.

"Hey, what's wrong? Are you okay?"

"H-Hindi ako makahinga..." nahihirapan kong sagot.

"H-Hey, Destiny." Tinapik-tapik niya pa ang pisngi ko. "Lauren, tulong!"

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil bago pa man sila makapunta sa 'kin ay unti-unti nang nilamon ng kadiliman ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

Nagising ako nang nanghihina ang katawan. Natagpuan ko ang aking sariling nakaratay sa malmbot na higaan. Puro puti ang buong paligid. Agad kong napagtantong nasa ospital ako. Sa pagbaling ko sa gilid ay ro'n ko nakita si Lorenz na natutulog sa mahabang upuan.

"Lorenz..." tawag ko sa kaniya sanhi para siya'y magising.

"Oh, Destiny." Lumapit siya sa 'kin. "How are you feeling right now? You made me worried." Mababakas sa boses niya ang pag-aalala.

"I'm fine," pag-amin ko.

"Destiny, I just need to call the doctor. He said that I need to tell him as soon as possible when you wake up," aniya.

Tumango naman ako. "Go."

"Don't worry, okay? I'm here."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon