Chapter 59: Emergency

96 3 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Walang tigil ako sa impit na pag-iyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Para akong pinupunit sa bawat pagkadesperado kong huminga. Hirap na hirap na ako at pakiramdam ko'y 'di ko na kakayanin anumang oras. Ktabi ko sina Mommy at Daddy sa tabi ko na pilitakong inaalalayan habang nag-aalala sa 'kin. Dahan-dahan nila akong pinapatayo pero gano'n na lang ako mapangiwi sa kirot.

"Ang sakit..." mangiyal-ngiyak kog sabi. Patuloy lang ako sa pagtitiis hanggang bigla na lang nawala ang masakit kong nararamdaman. Dahil dito ay nagawa kong tumayo nang mag-isa at dalli-dali naman nila akong ginabayan.

Kaagad nila akong pinaupo at pinagpahinga. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaginhawaan nang maluwag na akong nakakahinga. Ganunpaman ay patuloy pa rin ang pagkirot nito.

"Destiny," nag-aalalang wika ni Mommy.

Pinilit kong magsalita. "Ang sakit, Mommy..."

"Destiny, gabi na. Ba't 'di ka pa natutulog?" May tono pang nanenermon si Daddy nang kaniya akong tanungin.

Hindi ako nakasagot at umiwas lang ng tingin. Nang akma na akong tatayo para makabalik sa kuwartoko ay muli na naman akong natumba nang 'di ko namamalayan.

"Destiny!"

"Dres, Drev, ihatid na natin siya sa ospital," dinig kong pagmamakaawa ni Mommy bago ako mawalan ng malay.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon