Chapter 42: Truth Hurts

82 5 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Napakaliwanag ng paligid nang ako'y magising. Pakurap-kurap kong minulat ang aking mga mata dala ng pagkasilaw hanggang sa masanay ang paningin ko.

Nakaratay ako ngayon dito sa malambot na higaan. Masakit ang aking katawan nang gumalaw lang ako nang kaunti. Kumikirot din ang bandang likuran ko kung kaya dahan-dahan akong bumaling sa gilid para hindi ako mahirapan.

Naging malalim ang bawat paghinga ko kasabay nang pagkatulala nang ilang sandala para kumuha ng lakas. Ilang sandali pa ang nakalipas ay napagdesisyunan kong bumangon. Isang buntonghininga ang aking pinakawalan saka buong lakas na bumangon. Bahagya pa akong napangiwi nang indahin ang sakit. Huli ko nang napagtantong nasa sarili ko pala akong kuwarto.

Wala sa sariling napunta ang atensyon ko sa 'king mga kamay. Saka ko lang naalala ang mga nangyari kagabi nang may iilang mga pasa at mga sugat akong nakita rito. Unti-unting tumulo ang mga luha ko nang manunbalik ang takot sa 'king isip. Gusto kong makita sila Mommy.

Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa kalahati ng katawan ko at maingat na inusad ang katawan para tumayo mula sa kama. Hindi naman ako gaanong nahirapan hanggang sa magawa kong maglakad at makalabas sa kuwarto ko.

Pinunasan ko ang aking mga luha at suminghap ng hangin. Bumaba ako sa hagdan at pumanhik papunta sa sala kung saan ko nadatnan sina Kuya Dwayne, Ate Dani, at si Lauren. Lahat sila'y abala sa kani-kanilang ginagawa subalit agad din silang tumigil sa oras na makita nila ako.

"Destiny," wika ni Lauren.

Nanatili lang akong nakatayo sa 'king kinaaapakan hanggang sa naramdaman ko na lang na isa-isa na nila akong niyakap para aluin ako.

"Sorry..." Iyon na lang ang aking sinabi at buong lakas na nagtimpi para hindi umiyak.

"Shh. Ayos lang. 'Wag kang mag-sorry," sambit ni Ate Dani.

Naninikip ang dibdib ko ngayon. Hindi ko alam ang aking gagawin gayong bigo na rin akong pigilan ang aking sarili para hindi maluha. Sa totoo lang ay naiinis ako sa 'king sarili dahil ngayon ko lang napagtanto ang mga sinabi sa 'kin ni Kuya Dwayne noon. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit gano'n na lang siya sa 'kin 'pag dating kay Lorenz. Dahil sa kapabayaan ko, muntik na akong magahasa.

"Tahan na, Destiny. Tahan na," aniya pa't hinagod-hadog ang likod ko bago kumalas sa pagkakayakap. "Upo muna tayo."

Tumango lang ako kasabay ng pagpunas ko sa 'king luha. Naupo kaming pareho ni Ate Dani habang nanatili lang nakatayo sina Lauren at Kuya.

"Nasa'n sila Mommy?" kaswal kong tanong.

"Umalis sila kanina. Inaasikaso 'yung muntik nang manggahasa sa 'yo. Nakakulong na rin sila ngayon," sagot naman niya bagay na nagbigay luwag sa 'king damdamin.

Walang anu-ano'y umiwas ako ng tingin. Unti-unti kaming nilamon ng nakakailang na katahimikan. Nakapamgalumbaba ang tingin ko habang hinahayaan lang silang nakatingin sa 'kin.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon