PROLOGUE

453 348 50
                                    

TASTE OF BULLETS

Written by:

PROLOGUE

"Papa!!" umiiyak kong pagtawag ko sakanya.

Nakatakip ang mga kamay ko sa magkabila kong tenga.

Putok dito, putok doon. Pagsabug dito, pagsabug doon. Tanging putok ng baril at pagsabog ng mga bomba ang naririnig ko ngayon.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang nakatago sa isang malaking puno. Takot na takot ako habang patuloy kong tinatawag si papa.

"Papa!!"

"Wag kang aalis dyan!" sigaw ni papa habang gumaganti sya ng putok ng baril sa mga terorista.

"Papa, natatakot ako."

Tumayo si papa mula sa tinataguan nya at lumapit sakin. Niyakap ako ni papa at hinalikan sa noo.

"Wag kang mag alala, maiaalis ka ni papa dito."

Pinunasan nya ang mga luha ko at ngumiti. "Wag kang aalis dito kahit anong mangyari, Jay. Maliwanag?"

Tumango lang ako at bago pa sya bumalik sa pwesto nya ay hinalikan nya muna ako sa noo.

Walang tigil na putukan at pagsabug ang naririnig ko ngayon. Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang takot habang patuloy ako sa pag iyak.

"COMMANDER!!!"sigaw ng isa sa mga sundalong kasama ni papa.

Lilingun na sana ako ngunit bigla akong nakarinig na pagsabug malapit sa pinagtataguan ko kaya agad akong napatakip sa tenga.

Lumipas ang ilang minuto ay wala na kong narinig na patukan at pagsabug kaya unti unti akong lumabas mula sa pinagtataguan ko.

"Papa!!" nakangiti kong pagtawag sa kanya ng makita ko sya.

"Jay!!" gulat na sigaw ni papa at tumakbo papunta sa kinatatayuan ko.

Nakangiti lang akong nakatingin sakanya ngunit bigla akong nakarinig ng apat na putok ng baril.

Tulala lang akong nakatayo habang nakatingin kay papa. Ilang saglit lang bigla syang napatigil sa pagtakbo at unti unting bumagsak sa lupa.

"Jay.." mahina nyang sambit sa pangalan.

"Papa!"

Tumakbo ako papunta sakanya ngunit agad akong hinarang ng ibang sundalo.

"Papa!!" umiiyak kong sigaw habang pinipilit kong makalapit sakanya.

Nakita kong sobrang dami na ng sugat na tinamo ni papa at may dugo ng lumalabas sa bibig nya.

Patuloy lang ako sa pag iyak at dinala ako ng mga sundalo pabalik sa pinagtataguan ko.

"Yung papa ko! Gusto kong puntahan yung papa ko!!" pagwawala ko.

"Dilikado" sagot ng isang sundalong nagdala sakin.

"Nasan yung papa ko!! Gusto kong puntahan yung papa ko!!"

"Mas ligtas ka dito. Wag mong alalahanin si commander, kasama nya ang team" tugon nya.

Ilang saglit lang nakita kong inalalayan ng ibang sundalo si papa palapit sa pinagtataguan ko.

Unti unti akong napangiti ng makita ko sya ngunit agad namang naglaho ang ngiting yun ng makita ko ang mga sugat na tinamo nya.

"Papa" humagulgul ako ng iyak at niyakap sya.

"Jay" mahina nyang bigkas sa pangalan ko kaya agad akong napatingin sakanya.

"Papa, magiging okay naman ang lahat diba?" nanginginig ang boses ko ng tinanong ko sya. "Magiging okay ka naman diba? Makakaalis tayo dito?"

Taste of BulletsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant