CHAPTER 8

199 198 18
                                    

Taste Of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 8

𝐽𝑎𝑦, 𝑏𝑢𝑚𝑎𝑙𝑖𝑘 𝑘𝑎𝑛𝑎 𝑠𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑝𝑙𝑒𝑎𝑠𝑒. 𝐵𝑢𝑚𝑎𝑙𝑖𝑘 𝑘𝑎𝑛𝑎 𝑠𝑎𝑘𝑖𝑛, ℎ𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑚𝑎𝑤𝑖 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑢𝑘𝑢𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑠𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑜𝑜𝑛. 𝐻𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑖𝑛 𝑘𝑎 𝑢𝑙𝑖𝑡, ℎ𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑡𝑢𝑛𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑛𝑎𝑘𝑜, ℎ𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑢𝑛.

Kenzo's confession echoed in my head. Let me rephrase that. Kenzo lies echoed  in my head again.

Kahit anong pilit kong ibaling ang isipan ko sa ibang bagay at gawing busy ang sarili ko para hindi ko na yun muling maalala pa, kusa naman itong pumapasok sa utak ko. Bigla tuloy akong mapapahinto sa ginagawa ko at mapapatulala nalang.

A part of me wanted to believe Kenzo. Para kasing seryoso siya noong nagkasagutan kaming dalawa sa parking lot nung time na magkasama kami ni Via. His eyes were sad that time. Para talagang marami siyang bagay na gustong sabihin sa akin pero nag aalangan sya dahil alam nyang hindi ako maniniwala. At yun naman talaga ang totoo. Bat naman ako maniniwala sa mga kasinungalingan nya. Minsan na nya kong sinaktan and I won't let him do that again, NEVER!

Pero kahit na may parte sa akin na gustong maniwala kay Kenzo, pero mas malaki parin yung galit at sama ng loob ko dahil sa ginawa nya. A big part of myself know Kenzo better. Alam kong walang magandang maidudulot si Kenzo sa buhay ko if I let myself to believe him once again. Ayoko ng maranasan ang naranasan ko noon, minsan na kong nasaktan dahil sa pagkawala ni papa pero yung ginawa nya sakin sa college parang gumuho ang mundo ko. It was a nightmare I don't wanna experience again.

Hindi ko rin alam bat ganun ka consistent si Kenzo. Bat nya pa sinasabi ang mga yun sakin. Ano pa bang sense? Kung noon nya sinabing mahal nya ko, siguro magpapakatanga ulit ako sakanya. Siguro kakalimutan ko yung narinig kong hindi sya seryoso sakin at ginamit nya lang ako.

Kung noon nya pa sinabi na mahal nya ko at kahit kasinungalingan yun, handa akong talikuran ang reyalidad at sumugal ulit kahit alam kong hindi totoo yung nararamdaman nya. Handa akong magpakatanga ulit sakanya. Mahal na mahal ko sya noon kaya handa akong magbulag bulagan para sakanya.

Kaso nagbago na ako ngayon. Hindi na ako yung dating tanga, bulag, at handang magpagamit na Jay para sa lalaking mahal nya. I've changed  for the better. Kaya sana maisip ni Kenzo na kahit magsisi sya at kung totoo man yung mga kasinungaling pinagsasabi nya, huli na ang lahat para sa aming dalawa. Never ko syang mapapatawad sa lahat ng nagawa nya.

"Mari, tulala na naman" narinig kong nagsalita si Via kaya napatingin ako sakanya. "Sabi ko tulungan mo akong maghanap ng magagandang designs for reference ko hindi tumulala dyan."

"Sorry, may iniisip lang" pagdadahilan ko sakanya.

Nandito ngayon si Via sa working station ko dahil nagpapatulong sya sakin sa mga design reference na gagamitin nya for her newest project. Maliban kay Mr. Atienza may iba pa syang kliyente pero may special treatment talaga sya pagdating sa lalaking yun.

Kakabigay lang sakanya nung isang araw ng new project nya kaso agad na siyang na stress nung nameet nya yung kliyente nya kahapon. Mas okay pa daw si Mr. Atienza kaysa sa client na nameet nya.

Taste of BulletsWhere stories live. Discover now