CHAPTER 16

120 90 12
                                    

Taste Of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 16

"Anong pinapanood mo, te?" tanung ko kay Via.

Kanina pa kasi sya nakatutok sa phone nya at hindi pa nga nasisimulang gawin yung trabaho nya. Nakakaloka!

"Hoy, Via!"

Talagang dinededma ako ng babaeng to ngayon. Ano ba kasing pinapanood nya?

Binato ko sya ng kinumot na papel. Tumama ito sa ulo nya pero hindi parin ako nililingon ng gaga.

Alam kong naramdaman nya yung pagtama nun sa ulo nya pero nanatili lang walang imik ang gaga. Jusko, nasaniban ba ng ligaw na kaluluwa ang kaibigan kung to?

"Hoy! Avianna Andrea Levisca!! Putaena! Hoy!!"

Sininyasan nya ko na manahimik. Napataas ang magkabila kong kilay sa inasta nya. Nagkusa akong lapitan sya para tingnan narin kong ano yung pinapanood nya.

"Ano ba ka--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha ni Mr. Atienza na nasa video pinapanood nya.

"Si--"

Napataas ang tingin ni Via sakin. "Si Mr. Atienza" wika nya.

"Ano?" napataas ang boses ko.

Halos lumingon  sa gawi namin ang mga empleyedong nasa loob ng office, pati sina Flyn at Kenzo napatingin din samin. Ngumiti lang ako kay Kenzo at  nagpeace sign sakanilang lahat para magsibalik na sila sa trabaho.

Pahamak talaga tung bibig ko. Taena!

"Seryoso? Isa syang sundalo?" pabulong kong tanung kay Via. "Talaga bang sya yung laman ng video na pinapanood mo? Patingin nga" kinuha ko yung phone nya and I zoom the part na lumitaw si Mr. Atienza.

"Yes" matamlay na sagot ni Via at napatampal sa noo nya. "Master Sergeant Atienza in Philippine Military Forces."

"TAENA!"

"Nasa Marawi sya ngayon, Jay. Kasama sya sa mga sundalong ipinadala sa lugar nayun" bakas sa boses nya ang pag aalala. "Kaya pala hindi na sya nakikipag meet satin kasi--"

First time ko syang makitang mag alala ng sobra sa isang lalaking kakakilala palang namin. Hindi ko talaga sya maintindihan kung bat ganyan sya ka concern sa lalaking yun. Aaminin kong may hitsura naman talaga si Mr. Atienza, gwapo kumbaga. Pero di ko ini expect na ganyan yung magiging epekto ng lalaking yun sakanya. Napaka weird diba?

Maybe kabaliwan natung nangyayari kay Via, di ko na talaga ma gets tung babaeng to, ni scientist nga mahihirapang intindihin sya. Ako pa kaya.

Pero satingin ko seryoso talaga sya kay Mr. Atienza. Obsessed na siguro. Tama, obsession natong tawag sa case nya.

Obsessed na talaga siguro ang loka lokang to sa lalaking yun. Kaloka!

"Bat ka nagkakaganyan, Via? Kung makapag alala ka dyan kala mo, papa mo yung nasa gyira" sabi ko at hinawakan ang balikat nya. "Bat ganyan ka kung mag alala sakanya? Wala naman kayong relasyon diba? Wala kang obligasyon sa kanya. Kaya wag mong sayangin yang oras mo sa pag aalala sakanya. Lumalabas na naman yang pagka OA mo, hindi bagay. Napaka artistahin mo talaga, sana nag audition ka nalang as actress hindi as architect."

"Oo nga, Jay. Walang kami, pero naging mahalaga na sakin si Mr. Atienza. He became so nice to us" sagot nya. "Hindi ako nag aalala ng ganito dahil sa gusto ko sya. Kasi pano na lang kung malasin sya sa giyera. Edi mawawalan na ko ng poging kliyente. Baliwala na yung efforts and puyat ko magawan lang sya ng design. Mag isip ka nga."

Taste of BulletsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora