CHAPTER 10

190 174 12
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 10

"How's work, Jay?" seryosong tanung ni Kye sabay subo ng grapes na nasa harap namin. "Mukhang naging busy ka, lately, marami bang projects?"

Nanatili lang akong tahimik habang nakakulong sa magkabilang palad ang mukha ko. Wala ko sa mood magkwento sakanya ngayon kasi puro nonsense yung nangyari sakin lalong lalo na sa office. Parang nawalan nako ng ganang magtrabaho dahil sa letcheng Kenzo nayun.

Walang araw na hindi nya ko kinukulit at kahit hindi kami magkausap nabibwisit parin ako dahil nakikita ko yung pagmumukha nyang pakalat kalat sa office. How can I get out sa impyernong buhay nato!!

"Mukhang problemado ka yata? Kanina pa ko nagsasalita dito wala kang imik dyan. Anyari ba?" natatawang tanung uli ni Kye.

Napatingin ako sakanya ng nakasimangot. Napakunot ang noo ko ng makitang patuloy nyang kinakain ang grapes, napatingin naman ako sa bowl at kunti nalang yung natira. Puno yung bowl kanina pero nung dumating sya, nangalahati na.

"Anong klaseng titig yan, Jay?" tanung nya habang ngumunguya. "Ano bang masama kong kainin ko yang grapes mo, masarap e."

"Hindi kaba nakakain ngayon?"mataray kung tanung sakanya. "Bumalik kana nga sa condo mo, baka maubos mo pa yung pagkain ko dito."

Hinila ko sya para patayuin ngunit bigo ako dahil sobrang bigat nya. Hindi naman gaanong mataba si Kye, actually payat nga saka matangkad pero di ko akalaing ganun sya kabigat. Di kasi halata. Most of payat kaya malnurish o di kaya madali lang hilahin pero sya? Naku, ewan ko nalang. Hindi yata natunaw yung grapes na kinain nya kanina. Parang mauubusan ako ng lakas pag pinagpatuloy ko yung paghila sakanya  kaya tumigil nalang ako. Nakataas ang magkabila kong kilay at napamaywang na nakaharap sakanya.

"Wala ka bang duty sa hospital today? Kasi kanina ka pa nakatambay dito sa condo ko at tingnan mo yang bowl na pinaglagyan ko ng grapes malapit mo ng maubos. Kinakapos kana ba sa budget ngayon o sadyang kuripot ka lang" inis kong sabi sakanya.

Ngumisi lang sya sakin at napasandal sa sofang kinauupuan namin kanina. Pinatong nya pa yung magkabila nyang paa sa table na nasa pagitan namin kaya napapikit nalang ako sa sobrang pagkainis. Kung umasta sya kala mo sya yung may ari ng condo. Taena!

Tiningnan nya ko from head to toe saka sya ngumiti ng malapad.

"You know what, Jay, ang ganda mo sa ganyang angle. Mukha kang model. Maganda yung katawan mo, healthy kumbaga" tumango tango sya habang sinasabi yun. "Pero flat chested nga lang."

Humagalpak sya ng tawa kaya di ko napigilang mapasugod sakanya. Kinuha ko yung unan na malapit sa kinauupuan nya at pinaghahampas sya. Tawang tawa lang ang gago habang sinasalo yung mga hampas ko.

"Maka flat ka sakin kala mo may dibdib ka! Ang kapal mo namang sabihin yun pagkatapos mo kong puriheng putaena ka!!"

Patuloy ko syang pinaghahampas at parang ako lang ang hinihingal sa pinaggagawa ko sakanya. Nakakainis ka talaga, Kye!!

"Tama na. Flat ka naman e, kaya wag kanang kumuntra dyan" natatawa nyang sabi habang tudo salo sya sa mga hampas ko.

"Anong flat? Hoy, Doctor Sullivan! FYI, hindi ako flat, may umaalog nga pag tumatakbo ako pero ikaw totally flat. Napagkamalan ko ngang likod yang harap mo sa sobrang tigas" sagot ko sakanya.

Napatigil ako when I realized something sa sinabi ko.

𝑁𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑚𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑘𝑜𝑑 𝑦𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑚𝑜 𝑠𝑎 𝑠𝑜𝑏𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑔𝑎𝑠.

Taste of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon