CHAPTER 13

137 115 10
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 13

Napatigil ako sa pagbabasa ng librong binigay ni Razen nang marinig kong mag ring ang phone ko. Agad agad ko itong kinuha sa table para sagutin. Hindi maialis ang ngiti sa labi ko dahil alam ko kung sinong tung caller.

"Hello" pagsagot ko sa tawag.

Kinuha ko naman yung libro at hinanap ko yung page kung san ako natigil kanina dahil di ko nalagyan ng bookmark.

"I miss you" saad ni Kenzo sa kabilang linya.

I chuckled. "I miss you ka dyan. Kakakita palang natin sa office kanina."

"Kahit na" ramdam kong nakasimangot sya. "Halos 15 minutes lang kitang nakita sa office kanina. I had to leave early at bumalik sa site. Nakakapagod, lalo na nung nakita kita sa office tapos di mo ko binigyan ng hug kasi kasama mo yung mga friends mo."

"Napakamatampohin mo, noh" saad ko pero halos mapunit na ang labi ko sa sobrang ngiti.

"I'm serious"ani nya. "What are you doing nga pala? 9:00 pm na oh, bat di ka pa natutulog?"

"Nagbabasa ako ng libro" tugon ko. "Napaka interesting kasi nung story kaya di pa ko inaantok."

He groaned. "Ano ba naman--"

"Hep! Hep! Stop. Wag mo naman akong sermonan, matutulog na naman ako mamaya e."

These past few weeks mula nung naging busy kami pareho sa work, palagi nya kong sinesermonan lalong lalo na pag late akong natutulog kasi nagbabasa pa ko. Palagi nya kong inaalala, hindi nalang yung sarili nya yung alalahanin nya e mas stressful kaya ang pagiging engineer. Nakakastress pa sa site.

"What time ka matutulog?"

"Mamayang 10:00 siguro. Ikaw bat hindi kapa nagpapahinga? Alam kong pagod ka kaya magpahinga kana. Don't worry, ayus lang ako."

"Later, gusto pa kitang makausap e. Alam mo, gustong gusto kitang makita ngayon, kasi miss na miss na talaga kita."

Halos matunaw ako sa sinabi ni Kenzo. Sa totoo lang, gusto ko rin sya makita. Sobrang busy talaga namin lately at palagi syang nasa site. Napakabusy talaga ng mga engineer sa office kapag on going na ang project. Si Flyn lang ang katangi tanging hindi na stress dahil alam kong mas gusto nyang nasa site sya kasama si Kenzo dahil malaya syang makakapanglandi. Galawan talaga ng mga higad.

"Me too" pag amin ko sakanya. "Gusto rin kita makita."

"Holy shit!" napamura si Kenzo. "Hindi nga, Jay. Totoo ba ang narinig ko o baka dala lang to ng pagod?"

"Oo nga" sagot ko.

"Sure ka?" pagkumpirma nya. "Gusto mo talaga akong makita?"

"Oo nga, paulit ulit."

"Hindi nga? As in sure na sure na sure na sure?"

I rolled my eyes. "Hindi na pala. Hindi na kita gustong makita. Bahala kana dyan. Bye!"

"Jay, naman" malungkot yung boses nya. "Hindi nga? Kasi ako, gustong gusto talaga kitang makita."

Bigla naman akong nakaramdam ng guilt dahil alam kong pagod si Kenzo tapos tinatarayan ko pa.

Huminga ako ng malalim. "Yes, I wanna see you."

"Sabi mo yan, ah" sagot nya at ramdam ko ang pagngisi nya.

"What's with you?"kunot noo kong tanung tapos may biglang nag doorbell. "Wait, may tao. Ito na ata yung donut na inorder ko."

"Sige, buksan mo. Gwapo makikita mong may dala nung donut."

Taste of BulletsWhere stories live. Discover now