CHAPTER 3

325 311 23
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 3

Palabas nako ng building kasi oras na ng uwian. Wala pang ilang minuto ay nakarating nako sa parking lot at akmang papasok na ng kotse ng biglang mag ring ang phone ko.

Agad ko itong kinuha sa bag at tiningnan muna yung caller bago ko ito sinagot.

"Hello, kuya?" agad kong sagot sakanya.

"Bat ngayon mo lang sinagot? Kanina pa ko tumatawag sayo" sagot ni kuya mula sa kabilang linya.

"Nagtatrabaho ako, kuya" tugon ko. "Hindi kaya parehas dyan sa Canada na may rest hours kayo. Kaya malamang nasa trabaho pa ko nung tumatawag ka."

"Pauwi ka na ba sa condo mo?"tanung nya ulit.

"Nasa parking lot pa ko" sagot ko. "Alangan namang makipag call ako sayo habang nagmamaneho diba?"

Bigla nalang syang natawa. "Nag mature na ngayon yung kapatid ko, ha" sabi nya. "Parang ibang Jay natung kausap ko ngayon."

"KUYAA!!"

"Anyways, kamusta ka dyan?"

"Okay naman" tipid kong sagot sakanya sabay bukas ng pinto ng kotse ko at naupo sa driver seat.

"Angas ng sagot, purket architect na sya" tawang tawa nyang tugon sa sinabi ko.

"Tumawag ka lang ba para bwisitin ako?" sagot ko. "Parang di mo ko kapatid kong magsalita ka."

"Ampon ka lang talaga, Jay" sagot nya. "Sorry, ngayon ko lang nasabi."

"Sarap mo talagang iumpog sa pader."

Humalakhak lang sya ng tawa kaya nilayo ko yung phone sa tenga ko. Nakakaasar talaga.

Napansin kong may kumatok sa window ng kotse kaya agad ko itong binaba upang tingnan kong sino.

"I call you back later, kuya. May gagawin lang ako" pagpapaalam ko sakanya.

"Okay, take care. I love you" sagot nya and the call ended.

Napasilip naman ako sa bintana at nanlaki talaga ang mata ko sa taong nakita ko.

"Hi, Jay" nakangiting bungad nya sakin.

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko ng marinig ang boses nya. Magkahalong kaba at galit ang naramdaman ko for the second time na nakaharap ko sya sa araw nato.

"Can we talk?" seryoso nyang tanung.

Napaseryoso naman ang paningin ko sakanya.

Ano kamo? Talk? Satingin nya may dapat pa kaming pag usapan? Ang kapal talaga ng apdo ng lalaking to. Baka nyang affected parin ako sakanya, pwes nagkakamali sya.

"Sure" pilit ngiti kong sagot sakanya. "About the project?"

Bumaba ako ng kotse at pansin kong unti unti syang ngumiti. Bahagya kong inayus ang eyeglasses at binalik ang tingin sakanya.

"Ang laki ng pinagbago mo, Jay. Mas lalo kang gumanda this time."

Hindi ko inaasahan na marinig yun mula sakanya. Nagkunwari lang akong parang walang narinig dahil naiilang talaga ko lalo na't kaharap ko sya.

"So, what about the project?" pagsasalita ko to change the atmosphere.

Nawala yung ngiti nya sa sinabi ko.  Yumuko sya ng kunti saka binalik yung paningin nya sakin.

"It's not about the project, Jay" sagot nya. "Gusto lang talaga kitang makausap."

Napairap nalang ako. "If kung hindi yan tungkol sa project, I have to go. Marami pa kong gagawin, engineer."

Taste of BulletsWhere stories live. Discover now