CHAPTER 2

347 325 24
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 2

"So, anong klaseng project sayo ngayon, Jay? Wala ka bang balak e chika sakin yan."

Excited na excited na tanung ni Via sakin pagbalik ko sa working station ko.

Nakaupo sya sa kabilang silya kung san lagi syang umuupo sa tuwing may e chichika sya sakin.

Mukhang hinintay nya talaga ko para e chismis kung anong project ko ngayon kaysa gawin ang trabaho nya.

Umupo muna ako saka humugot nang malalim na buntong hininga bago ko sinagot ang tanung nya.

Parang problemadong problemado ako ngayon. Technically, problema talaga tung project ko this time.

"Design para sa isang building. Isang hospital building" nakasimangot kong tugon.

Hindi ko talaga magawang ma excite sa next project kung to. Nakakainis talaga.

"O, bakit parang problemado ka? Hindi ba dapat masayang masaya ka kasi yan yung next project mo?" nagtataka nyang tanung sakin. Alam kasi ni Via kung gaano ko kagusto na mag design ng hospital building.

"Diba isa yan sa pangarap mo? Gustong gusto mo yung may kinalaman sa panggagamot. Healing before harot ang motto mo, e. Mas okay nga sayong kumulubot nayang balat mo at hindi makahanap ng lovelife basta makagawa ka ng design na may kinalaman sa hospital."

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Talagang walang prino ang bibig ng babaeng to kung pagsalitaan ako. Dagdag sakit sa ulo lang yung sinabi nya.

"Ano ba te? Kailan ka ba magsasalita ng hindi nadadamay yung pagiging single ko?"

Tumawa lang ang tanga. Mas bet nya talaga yung reaction kong ganito.

"Okay, sorry. Pero ano nga? Bakit parang di ka masaya? Design lang naman yung gagawin mo, di naman ikaw yung magiging pasyente."

"Masaya naman ako," sagot ko. "Pero hindi ganon kasaya."

"Bakit nga?"hindi nya makapaghintay na tanong. "Ipaliwanag mo nga sakin, wag mo kong pagmukhaing tanga dito."

"Kasi hospital building yun para sa mga sundalo" I confessed. "Bakit kasi sa dinami dami pa ng hospital building na gagawan ko ng design sa mga sundalo? Pwede namang hospital for ordinary citizens o di kaya'y mental hospital nalang basta walang kinalaman sa mga sundalo" dagdag ko pa.

Mas lalong tumaas ang kilay ni Via nang dahil sa sinabi ko.

"Ano namang mali kung may kinalaman sa mga sundalo ha?"

Napatingin naman yung ibang empleyado samin nang marinig ang sagot ni Via. Ang lakas talaga ng boses ng babaeng to.

Ngumiti lang ako sa kanila at agad kong hinampas si Via. Yung bunganga talaga ng babaeng to ibang klase.

Tawang tawa lang sakin si Via at parang wala syang pakialam sa mga empleyadong nakatingin samin. Talagang sanay syang maging center of attraction.

"So bakit nga?" seryoso nyang tanong. "Malaki ang naiambag ng mga sundalo para sa bansa natin, tapos ikaw ayaw mo sa kanila? Matuto ka ngang tumanaw ng utang na loob. Kapal nito" dagdag pa nya.

"Hindi naman sa ayaw ko sa kanila" sagot ko. "Ayuko lang talaga sa mga sundalo."

"Juskong maryusip anak ni Satanas!" napatayo sya at napamaywang. "Anong pinagkaiba nun, ha? Ano ba talagang reason mo bat ayaw mo sa mga sundalo?"

Napabuntong hininga nalang ako. Gusto kong magkaroon ng peace of mind pero alam kong di ako titigilan nitong si Via pag di nya nalalaman yung reason ko.

Taste of BulletsWhere stories live. Discover now