CHAPTER 9

179 176 13
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 9

"Tulala ka na naman dyan? Chismis mo nga sakin yang problema mo, baka matulungan kitang palalain yan."

Tawang tawa si Via at umupo sya sa harap ko. Talagang wala ng ibang magawa tung babaeng to kundi asarin ako, hindi ba talaga sya nagsasawang araw arawin yun? Nagiging routine nya na talaga to. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko sinagot ang tanung nya.

"Naalala mo yung project na binigay sakin ni Sir Harold?" saad ko. "Alam mong pinoproblema ko na yun nung simula pa pero mas worst tung ngayon."

"Bakit?"

"Kasi may partner ako sa project nato" malungkot kong tugon sakanya.

"Sino?" di nya makapaghintay na tanung. "Ayukong pinaghihintay ako, Jay. Kaya bilis, sabihin mo na sakin. Sino yan?"

"Si Kenzo" matamlay kong sagot at napasandal sa upuan ko.

Di ko talaga magawang ma excite sa project ko. Technically, problema talaga tung project nato at ang mas worst pa, makakasama ko ang diyablong yun. I want to decline the project kaso baka isipin ni Kenzo na affected parin ako sakanya kaya ayaw kong makasama syang gawin yun. Jusko. Ano nabang gagawin ko!!

"Si Kenzo ang engineer mo?" muli nyang tanung.

Tumango lang ako at kita kong unti unti syang napangiti kahit nakikita nyang sobrang problemado nako.

"Bakit kasi sa dinami daming engineer dito, bakit sya pa? Pwede namang si Sam nalang. O, kaya si Flyn na kahit nakakainis at sobrang OA kaya ko namang tiisin" dagdag ko pa. "Or better yet, si Nam. Successful ang last project namin at magkasundo pa kaming dalawa. Pwede naman sya yung maging partner ko e."

Para akong batang naghahanap ng kakampi para lang ma justify na hindi magandang si Kenzo ang makakasama ko sa project nato. Hindi ko kakayaning makasama ang diyablong yan ng matagal. Naiirita na nga ko sakanya dito sa office tapos magsasama pa kami sa isang project. Para akong mababaliw dahil rito.

Mas lalong tumaas ang kilay ni Via nang dahil sa sinabi ko pero wala kong pakialam kong umabot pa yan hanggang kisame basta nagsasabi lang ako ng totoo.

"Ano namang mali kay Kenzo?" tinignan nya si Kenzo na abala sa working station nya.

Parang naramdaman ni Kenzo na napatingin kaming dalawa ni Via sakanya kaya bigla syang lumingon sa gawi namin at kumaway. Kumaway din pabalik si Via at para talaga kong masusuka dahil sa pinaggagawa nila. Nakakairita.

Ngumiti lang si Kenzo tapos kumindat. Kinilig naman si Via dahil alam nyang sakin nakatingin si Kenzo at ako ang kinindatan nya. I just rolled my eyes at bumalik nako sa ginagawa ko kanina.

"Shit! Kinindatan ka nya, mari" sabi ni Via habang tudo hampas sya sa balikat ko.

Yung feeling na hindi sya yung kinindatan pero sya yung kinikilig. Talagang nasisiraan na sya ng bait.

"Wala kong pakialam" tugon ko. "Ayuko parin syang makasama sa isang project."

"What's wrong with him?" muli nyang tanong. "I think, magaling naman sya. Topnatcher sya diba? I'm sure capable naman sya sa project nyung to. Aside sa pagiging capable nya, hindi ka ba masaya? Omyghud, Jay. Ang gwapo ni Kenzo, oh. Araw araw mo syang makakasama, means araw araw mong mawi-witness yung kagwapohan nya. Baka magka develop pan kayo ni engineer. Pakiramdam ko kasi may gusto talaga sya sayo e."

She clapped her hands as if she was looking forward to that day na impossible namang mangyari. Ang mahulog sa lalaking gaya ni Kenzo ang isa sa pinakamaling nagawa ko sa buong buhay ko. Hinding hindi ko na uulitin yun, as in never!

Taste of BulletsKde žijí příběhy. Začni objevovat