CHAPTER 12

153 140 13
                                    

Taste of Bullets

Written by: Binibining Fool

CHAPTER 12

"Mukhang kakaiba yang ngiti mo ngayon, mari" natatawang sabi ni Via.   "Parang nangangamoy inlove. May didilig naba sa petchay mo?"

"Para ngang ang saya saya mo today, architect" wika ni Nam. "Are you celebrating something?"

"Isa lang naiisip ko kaya ganyan yung ngiti ni Architect Ramirez" tumango tango sya at tumingin sakin. "It's either inlove sya o--"

Sabay sabay silang napatingin sakin with their serious faces.

"May jowa kana??"

Tumingin ako sa kanila ng nakangiti.

"WHAT!!MAY JOWA KANA!!"

Muntikan nakong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa lakas ng pagsigaw nila. Napahawak nalang ako sa dibdib at para talaga kong aatakihin sa puso dahil sa mga loka lokang to.

"Jay, seryoso? May jowa kana?" hindi makapaniwalang sabi ni Via.

"Joke ba yan, architect? Talaga bang may jowa kana?" wika ni Nam. "Talaga bang hindi ka nagbibiro? As in, your in a relationship na?"

"Kanino? I mean, sino yung jowa mo? Kailan pa naging kayo, architect? Kilala ba namin sya? Employee din ba sya sa company nato like us?" natatarantang tanung ni Sam.

Kita ko sa mga mukha nila ang labis na pagkabigla at parang hindi sila naniniwala.

"Kalma lang kayo, okay" sagot ko. "Isa isa lang pwede, mahina yung kalaban mga te."

"Fine" tugon nilang tatlo.

Napaayos naman sila ng upo at seryosong tumingin sakin. Unti unti akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga tingin nilang sobrang seryoso at parang umuurong na yung atay ko para magkwento. Nakakaloka, bat ba kasi ganyan yung mga pagmumukha nila. Nakakatakot, parang di ko kayang magsalita ngayon.

"So, here's the first question" sabi ni Via. "Totoo bang may boyfriend kana?"

Tumango lang ako.

"Here's the second question" sabik na wika ni Nam. "Nandito ba sa company nato nagtatrabaho ang lucky guy nayan?"

Tumango ulit ako.

"Here's the last question" seryosong wika ni Sam kaya medyo kinabahan ako. "Whose the lucky guy, architect?"

Sa tanong nayun mas sumeryoso ang mga mukha nila at ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Si---"

"Si--"

Nakita ko namang naglalakad si Sir Harold sa gawi namin at kumaway ito sakin kaya ngumiti ako.

"Si Sir Harold" sabi ko at literally na nanlaki ang mata ng tatlo.

"WHAT!! SI SIR HAROLD!!" napataas ang boses nila at napatayo din sa kinauupuan nila.

"Yes, si sir Harold" sagot ko at tumayo rin.

"Seryoso ka talaga, Jay? Si sir harold talaga? Si sir harold?" wika ni Via. "Hindi ko alam na pumapatol kana pala ngayon sa senior citizen. Talaga bang nasisiraan kana?"

"Architect naman bat ka pa pumatol kay sir" sabi ni Nam. "May pamilya na si sir, bat ka pumayag na gawin ka nyang kabit. You don't deserve to be his mistress, architect."

Takang taka lang akong nakatingin sa kanila dahil di ko maintindihan yung mga pinagsasabi nila. Pati rin si sir harold na nakatayo sa likuran nila nagtataka rin. Talaga bang nabaliw natong tatlong to?

Taste of BulletsWhere stories live. Discover now