Kabanata 2

310 17 0
                                    


Azulan POV

Nagising ako sa maiingay na tunog, sa mga kaluslos na hindi ko alam kung saan nagmumula. Minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kapaligiran, paano ako napunta dito?pagkakatanda ko'y nasa ilalim ako ng dagat nakatira. Sinubukan kong bumangon kahit nananakit ang buo kong katawan at nagulantang ako sa aking nakita

"aaaaaahhhhhhh" malakas na sigaw ko, ang aking bundot sirena nawawala, ang maganda kong buntot.

"Pre oh may chicks"

"Oo nga pre ang ganda tiba tiba tayo dito"

"Hi miss wanna join us?"

"Wow pre English"

"Opkurs pare"

Dinig ko ang kanilang mga tinig habang parang gutom na gutom na nakatingin sa akin

"Sino kayo?anong mga uri kayong nilalang?" Seryoso kong sambit

"Pare ano daw tayong uri ng nilalang nakakainsulto to ah hindi ba kami mukhang tao?" Sambit nito habang tila masama ang tingin sa akin

Tao?ibig sabihin ay nasa mundo ako ng mga mortal na sinasabi ng aking ama ngayon ay hindi ko alam kung paano ako babalik sa aming tirahan

"Salamat sa inyong tinuran kailangan ko ng umalis upang humanap ng paraan sa paguwi" magalang kong saad sabay ng pagyuko

"Mamaya kana umuwi Miss sama ka muna samin" nakangiting sabi ng isang mortal

"Ipagmaumanhin mo mortal ngunit hindi ko magagawa ang nais mo" ani ko at akmang aalis na ng bigla nilang hawakan ang aking mga kamay kung kaya't paulit-ulit akong nagpumiglas

"Bitiwan niyo ang aking mga kamay mga hamak na mortal kay baho at kay rumi niyo" galit na sambit ko sa inyong dalawa

"Alam mo miss wag ka ng magpumiglas diyan madali lang tayo"

Sabay silang humalakhak matapos sambitin ang linya na iyon.

"Ayoko itong gawin ngunit lubusan niyong pinasasama ang aking loob ngayon ay magdusa kayo" saad ko at akmang gagamit ng kapangyarihan ng biglang may sumigaw sa aming likuran.

"Haaaaaaaaaa"

Isang mortal na naman na may dala-dalang kahoy at ipinaghahampas sa dalawang bastos na mortal

"Kayo Talaga hindi kayo nadadala mga hinayupak kayong manyakis kayo dapat sa inyo napuputulan ng etits" pasigaw na sambit ng nilalang na kadadating lamang

"Pre sibat na tayo balita ko malakas backer ng babaeng yan" natatakot na saad ng mga ito sabay takbo palayo

Lumingon sa akin ang mortal na busilak ang puso sabay lahad ng kanyang kamay

"Hi ganda ako nga pala si Janna ang pinakamagandang babae sa isla pero dahil nandito kana dalawa na tayong pinakamaganda, ikaw anong pangalan mo?" masayang sabi nito habang di masukat ang lawak ng ngiti.

"Ako si Azulan kinagagalak kong makilala ka" nakangiting sambit ko sabay ngiti.

"Nga pala anong tawag sa bagay na ito" muli kong tanong sabay kumpas sa bagay na pumalit sa aking buntot

"Pffttt seryoso kaba?takas kaba sa mental?or may something something ka sa utak?" Saad nito habang humahagalpak ng tawa

"Ano ang iyong tinuran binibini?samting?ano ibig sabihin niyon?" Nalilito kong tanong ngunit tiningnan lang ako nito na para bang isa akong malaking kalokohan

Bigla kong naalala nasa mundo ako ng mga tao, marahil ang iba sa kanilang wika ay katulad ng sa amin ganoon din sa ibang bagay

"Patawa ka talaga sis pero feel ko nagbibiro kalang eh jinojoke time mo lang ako kasi imposible namang takas mental ka wala namang mental dito sa isla, teka taga saan kaba?saan ka galing?parang hindi naman kita nakikita dito bagong salta ka?" Tanong nito sa akin, napagtanto ko na kailangan kong sumagot ng naaayon upang hindi niya maisip na may problema ako sa aking kaisipan at iwan nalang ako dito

"Sa Azurana ako galing sa ah- doon sa tabing dagat nitong dagat" nauutal kong saad sapagkat hindi ko batid kung tama ba ang aking tinuran

"Ah baka sa kabilang isla ka galing, sinong kasama mo?asan pamilya mo?" Muling tanong ni Janna

"Kasama?wala akong kasama at kung sa pamilya ay hindi ko alam kung nasaan sila" malungkot kong sagot sa kanya sapagkat iyon ang totoo, hindi ko na alam kung nasaan ang aking pamilya o kung saang parte ng dagat ko sila hahanapin, mag isa lang ako ngayon

"Kawawa ka naman pero wag kang mag alala tutulungan kita pwede kang tumira sa amin tapos ipapasok kita sa pinagtatrabahuhan ni kuya para pak ganern"

Nagalak ako sa kaniyang sinambit kaya't nayapusan ko siya sabay sabi ng paulit ulit na pasasalmat

"Pasensya kana talaga binibining Janna, wala talaga akong malalapitan sa inyong lugar sapagkat wala akong ideya tungkol rito gayundin na wala akong pamilya rito" nalulungkot na sabi ko dito

"Huwag kang mag alala ako muna kasama mo habang wala pa ang pamilyang naghahanap sayo halika na sa bahay at magpalit ng damit baka sipunin ka niyan eh ang ikli" saad ni Janna pagkatapos ay hinila na ako sa diko alam ba dereksyon

Nakarating kami sa isang tahanan na hindi ko alam kung saan gawa, may tinawag ito na Hindi ko din kilala. Tahimik nalang akong naupo sa sinabi nitong sofa. Napatingin ako sa paligid, ganito pala ang mundo ng mga tao, mukhang masayang manirahan dito, mukhang mapayapa. Maya maya pa ay dumating si Janna kasama ang isang lalaki

"Azulan ito ang kapatid ko si Jeff mukha lang yang adik pero mabait yan at maaasahan" pagpapakilala niya sa akin ng kanyang Kuya. Ngumiti sa akin ang kaniyang kapatid, mukhang mabait nga ito.

"Tamang tama naghahanap ka daw ng trabaho, uuwi ang may ari ng isla sa isang linggo kung kaya't kailangan ng dagdag na tagasilbi doon pwede kitang ipasok" ani ng kapatid ni Janna. Agad naman akong napatango.

Tagasilbi?ibig sabihin ay parang gawain ni Marvida?sa palagay ko ay kaya ko yon, nakikita ko naman sa araw araw ang gawain ni Marvida at masasabi kong akma iyon sa aking kakayahan.

"Sige po nais kong maging tagasilbi ayos lamang po sakin" tuwang tuwa ako sapagkat kahit paaano ay hindi ako nag-iisa, may mga taong handang tumulong sa akin kahit hindi nila ako kilala, masasabi kong hindi lubusang masasama ang mga mortal gaya ng sinasabi ng aking ama.

"Halika na Azulan isasama kita sa kwarto ko doon tayo matutulog mamaya tabi tayo" ani Janna sabay kapit sa aking braso, nakakatuwang itimururi niya akong parang kapatid sana lamang ay Hindi siya matakot sa akin pag nalaman niyang Hindi ako nabibilang sa kanilang mundo

************************************

Enjoy reading mga bebsss

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon