Kabanata 28

135 14 5
                                    


Azulan POV

Takot, iyan ang emosyong nangingibabaw sa akin ngayon. Darating na siya at balita ko ay kasama niya ang kaniyang pamilya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking dibdib dahil sa isiping iyon, napatawa ako ng mapakla. Kasama niya ang kaniyang pamilya, masaya sila at kumpleto habang kami ng anak ko ay iniwan sa ere. Hindi ko alam ang katangahang pumasok sa isip ko at pinakilala ko pa ang mukha niya sa anak ko

"Mama iyak na naman ikaw mag tutulo na naman uhog mo po" malungkot na sabi ng aking anak na nakapag pangiti sa akin, nilapitan ko siya at niyakap

"Nag aalala na naman ba sakin ang baby Maliah ko sorry na po agad di na iiyak si mama" nakangiti kong sabi sabay halik sa kaniyang mga pisngi

"Love mo si Maliah?"

"Oo naman baby kita eh" sagot ko sa tanong nito

"Love na love mo talaga?" Malawak na ngiting tanong niya

"Opo love na love ang baby maliah na iyan" malambing na sagot ko dito

"Edi sasama mo po ako sa work mo?" Natigilan ako sa kaniyang tanong

Hindi ko siya pwedeng isama doon, hindi ko gustong makita niya ang kaniyang ama na masaya sa kaniyang pamilya, ayaw kong masaksihan niya kung paano maging ama si Clifford sa kaniyang isang anak habang siya ay lumaking walang kinikilalang ama

"Anak ah hindi kasi pwede eh bawal ang bata doon" sagot ko na nakapag pasimangot sa kaniya, lumayo siya sa akin at nag tungo sa isang upuan at doon umupo ng naka simangot

Nilapitan ko siya at niyakap "wag kana sad bibilhan ka nalang ni mama ng madaming foods at laruan na Disney princess, yung si Ariel ok ba yon?" 

Kita ko ang pagkislap at panlalaki ng kaniyang mata dahil sa aking sinabi "talaga mama? Disney princess? Yeheeyyy love love ko yan" pumapalakpak na sabi nito

"Kaya behave kalang dito kasama si Aling Choleng ha? Wag pasaway at wag kakain ng sobrang candy" paalala ko dito na kaniya namang ikinatango

"Azulan tara na kailangan pa nating maghanda parating na si boss madaming gagawin" ani Janna na kararating lamang

"Sige kukunin ko lang ang bag ko sa loob" tugon ko

"Sigurado kaba talagang sasama ka? I mean kaya mo ba?" Tanong sa akin ni Janna na may bahid ng pag aalala sa boses, nginitian ko lamang siya

"Seryoso Janna Kaya ko nga wala kang kailangang ipag alala" ngumiti pa ako matapos kong magsalita para maniwala siya

"Oh sige ikaw bahala buhay mo yan, puso mo yan, kidney mo yan, Bones ml yan, intestine mo yan kaya desisyon mo palagi ang mananaig"

Sa lumipas na anim na taon hindi parin nagbabago si Janna, mahirap parin siyang unawain

              *******************

Narito ako ngayon sa kusina at naglilinis, pinagmamadali na kami ng mayor doma kasi malapit na raw silang dumating at ang plano ko rin ay umalis bago ko pa sila makita

"Azulan pagkatapos mo diyan sa sala ka naman para matapos na" utos na naman sa akin ng mukhang paa na babaeng namamahala dito

Grabe naman beh mukha kana ngang paa ugali ka paring paa

"Opo madam saglit lang" serkastikong sabi ko

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at nagtungo sa sala. Una kong pinunasan ang mga naka display na gamit doon pagkatapos ay nagpispis muli

Dahil sa sobrang pagkabusy ko sa paglilinis ay hindi ko namalayang may natamaan na pala akong sapatos

"Pasensya na hindi ko sinasadya" mahinahong saad ko habang nakayuko parin

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon