Kabanata 29

197 14 12
                                    

Hello Winterrosemay  😂

Narrator's POV

Continuation of flashback

"A traitor? Are you kidding me? He's my right hand how can he betrayed me?" Naguguluhang saad ng binatang si Clifford, hindi niya alam kung anong nangyayari lalo na at wala siyang ediya kung bakit may babaeng sinasabi na siya ang kaniyang fiancee

"Boss ouch ka naman ako na right hand mo si Jasper pogi, wala na nga si Reynold pinatay mo head shot" sa totoo lang ay hindi alam ni Jasper ang nangyayari sa kaniyang amo sapagkat sabi ng doctor ay ayos naman daw ito at walang deperensya

"Jasper or anyone please f*ckin get this girl out hindi ko siya kilala, she's not my fiancee I only have Triana Marie" galit na sigaw nito, sa totoo lang ay gusto na niya talagang paalisin ang babae kanina pa dahil pakiramdam niya pag hindi pa ito umalis ay mawawala siya sa sarili at magtataksil sa kaniyang kasinatahan

"Boss hindi namin yan pwedeng gawin kay ma'am Azulan, hindi mo lang siya kasintahan kaibigan din namin siya" sabi ni Jasper na siyang ikinakunot lalo ng noo ni Clifford

Nabigla si Clifford ng biglang lumuhod ang babae sa kaniyang harapan

' d*mn what's wrong with her she's making it hard for me who the hell is she?'

"Clifford nagmamakaawa ako sayo alalahanin mo ako, ikakasal pa tayo diba? Nangako ka sakin, sabi mo mahal mo ako, alam kong totoo yon, kakalimutan ko lahat ng masasakit na salitang narinig ko mula sayo basta sabihin mong nagbibiro ka lamang" umiiyak na saad ni Azulan

"Azulan tumayo ka diyan bakit mo luluhudan ang gago nayan? Hindi ka dapat nagmamakaawa sa kaniya, kung may dapat mang lumuhod dito ngayon ay siya yon" sabi ni Janna habang pilit itinatayo ang dalagang si Azulan

"F*ckin get her out Jasper or I'll kill her you choose"

Dahil sa pagkagulat ni Jasper ay agaran niyang hinila palabas si Azulan na nagpupumiglas pa

"Bakit tayo umalis roon Jasper? Hindi mo ba nakitang hindi niya ako nakikilala? Kailangan ko pa siyang makumbinsi na ako ang mahal niya" saad ni Azulan habang patuloy parin sa pag iyak

"Narinig mo ba ang sinabi ni boss Azulan? Papatayin ka niya kapag hindi kapa umalis" nasaktan si Azulan sa nadinig, hindi naba siya mahal ng lalaki kaya't kaya na siyang patayin?

"Hindi niya iyon magagawa Jasper mahal niya ako alam ko yon" pangungumbinsi ni Azulan

"Mahal ka niya noong may naaalaala siya Azulan pero iba ngayon, ang memorya niya ay bumalik sa panahong sila pa ni Triana Marie, kaya ano mang oras kung gugustuhin niya ay pwede ka niyang patayin"

"Mainit pa siguro ang kaniyang ulo, hindi ko muna siya kakausapin ngayon sa susunod na araw na lamang alam ko Hindi niya ako matitiis" ngumiti pa si Azulan sa binata tapos ay naglakad na palayo, kasama ang sakit, galit at lungkot mula sa hospital na pinanggalingan

Back to Azulan POV

"Azulan kumain ka muna dalawang linggo ka ng ganiyan tingnan mo nangangayayat kana" malungkot na sabi ni Janna, alam kong nahihirapan narin sila sa sitwasyon ko, kahit ano kasing kumbinsi ko sa aking sarili na subukang maging maayos ay wala namang nangyayari, umiiyak parin ako at nasasaktan

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon