Kabanata 33

64 7 0
                                    

Wang Yijin as Triana

*****************************

Pagkarating namin sa mansion ay agad sinalubong si Clifford ng kaniyang asawa at nga anak, kita ko naman ang matamis niyang ngiti na dati ay para sa akin

"Tired? Let's go in the kitchen nagluto ako ng dinner"

"Really? Hope you didn't burned the kitchen"

"I didn't hon"

"Mommy's right dad I guess she's really learning"

Mula sa aking pwesto  ay kitang kita ko kung gaano sila kasayang magkakasama, masaya siya sa mundong kinalalagyan niya ngayon, sa mundong Hindi kami kabilang ng anak ko

"Azulan kanina ka pa hinahanap ni Maliah mabuti pa umuwi na tayo" napalingon ako sa kadarating lang na si Janna

"Mabuti pa nga" mahinang sagot ko sa kaniya, sa nangyari ngayong araw ay kailangan ko talaga ng pahinga, hindi lamang sa pisikal kundi maging sa emosyonal

"Ayos kalang ba? Sabi ko naman sayo huwag kang sumama hayaan mo n-"

"Janna?" Kita kong natigilan si janna nong narinig ang boses na iyon, ang boses na batid kong pamilyar sa kaniya. Ngayon lamang siguro sila nagkita sapagkat madaming inuutos si Clifford pagkadating nila

Walang emosyong nilingon ito ni Janna "Gio" ibang iba ang Janna ngayon sa Janna na palagi kong kasama tila ba may bumabalot na itim na mahika sa kaniya ngayon. Hindi ito pinansin ni Gio at tuluyan lamang na lumapit

"Kumusta kana Janna it's been a long time since we last saw each other" nakangiting saad ni Gio na inirapan lamang ni Janna

"I'm doing good, bumalik kana pala? Sana doon ka nalang sa ibang bansa hindi ka naman kailangan dito" masungit naman na ganti ni Janna

"Bakit parang galit ka yata sakin? Di mo ba ako namiss?"

"Miss mo mukha mo bakit kita mamimiss? Sana nga dika na bumalik eh epal ka"

"Ah Janna mauna na ako sa palagay ko ay may kailangan kayong pag usapan" hindi ko na inantay pa ang sagot ni Janna at tumakbo na, nais kong maayos nila ang kanilang problema, sa mata ni Janna ay kita kong nay nararamdaman siya kay Gio, naroon din ang galit. Ayaw kong magaya sa akin si Janna na nasasaktan ng sobra dahil hindi na makuha ang pag-ibig na nais.

Janna POV

Nakatayo lang ako sa harap ng kumag na to habang masama ang tingin. Anong akala niya? Na mag tutwinkle twinkle little star parin ang mata ko kapag nakikita siya gaya noong dati? No, never hindi na ako mapurok este marupok pala

"Bakit ba parang ang sama ng loob mo sakin Janna? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama sayo bago ako sumama kina boss ah" nagtatakang tanong nito, NAGTATAKA?? REALLY? KINULANG SIGURO TO SA BAKUNA NONG BATA PA EH

"Galit ako kasi bumalik kapa naiirita ako sa mukha mo gets?" Masungit na sabi ko dito

"I don't understand, wala naman akong naalalang ginawang mali sayo so why do you look so mad?" Sige lang beh magtaka kalang, mabugok sana itlog mo kakaisip

"Need ba ng reason? Diba pwedeng I hate you lang talaga hmmpp bahala kana diyan aalis na ako" saad ko dito sabay lakad palayo, akala mo ha mag coclose open parin ako sayo, no, never.

Azulan POV

Kasalukuyan akong nasa silid ng aking anak, nililigpit ko ang kaniyang mga gamit eskwela. Sa gitna ng aking pagaayos ng gamit ay may nakita akong papel na nakaagaw ng aking atensyon, isa itong magandang pagguhit sa aming mag ina, tingin koy si Maliah ang may gawa

"Ang galing talaga ng anak ko" nakangiting bulong ko sabay halik sa noo ni Maliah

Noong pinakatitigan ko ang larawan ay doon ko napansing may nakasalutan sa likodan nito.

Family Picture

Ito po ay ako at si mama ko, wala kasi po akong papa may other family na siya kaya si mama lang kasama ko mag grow. I can't understand po kasi diba papa always look for their baby? Papa should love their daughter so why he doesn't want me po?

Hindi ko napigilang mapaiyak sa liham na kalakip ng litrato, simula noong nawala si Clifford sa akin ay wala akong nakita kundi ang sakit na aking nadarama, hindi ko naisip na kung masakit ito para sa akin ay maaaring mas masakit ito para sa aking anak sapagkat namuhay siyang walang gumagabay na ama at ngayon ay alam na niya ang katotohanang may ibang pamilya na ito, na habang naghahangad siya ng kalinga ng isang ama ay naroon si Clifford minamahal at inaaruga ang asawa at mga anak niya.

Hinaplos ko ng dahan ang maamong mukha ng aking anak na mahimbing ang tulog "pasensya kana anak ha? Hindi kasi kayang ibigay ni mama mo ang kumpletong pamilya, hindi na mahal ni Clifford si mama eh pero huwag kang mag alala mas lalo kitang bubusugin ng pagmamahal"

                          *********

Pag sapit ng umaga agad kaming nagmadali ni Janna upang bumalik sa tirahan nina Clifford, ayaw ko man ay wala akong pagpipilian sapagkat bukod sa doon ako kumukuha ng gastusin para sa pag-aaral ni Maliah ay umaasa parin ako na balang araw maipapakilala ko ang aking anak sa kaniya, kahit mukhang malabo na.

Pagkarating namin ni Janna sa malaking bahay ay agad na naming sinimulan ang dapat gawain upang maagang makatapos.

"Beshywaps ok kalang ba dito muna? Pinaatawag kasi ako ni kuya Jeff, may pinapalinis daw si Boss Clifford sa bodega, doon ata ikukulong ang sarili niyang hayop-" agad kong pinigilan ang ano mang sasabihin niya dahil baka may makadinig o baka may cctv sa lugar na ito, ang sabi pa naman ni zolen ay puno daw ng ganoon ang bahay na ito hindi niya lang alam kung saan nakalagay.

"Tumahimik ka nga Janna baka may makarinig sayo, kahit naman ano ang nangyari noon ay amo parin natin siya kaya kailangan parin natin silang itrato na may pag galang" mahinang saad ko dito, kita ko naman ang oag ikot ng kaniyang dalawang mata matapos kong sabihin iyon

"Yeah yeah you and your pure thoughts sige na aalis na ako at baka magdasal pa tayo dito bilang pag sisisi saga nagawang pagkakasala" sabi ni Janna sabay lakad paalis, hayyystt Janna puro talaga kalokohan ang alam, napatawa na lamang ako.

Habang nag lilinis ay nakarinig ako ng ingay na nagmumula sa labas, parang pamilyar sa akin ang maliit na tinig na iyon kaya't agad akong lumabas para tingnan iyon.


**********************
Thank you for reading my story, I'll do my best na mag update agad. Sobrang tagal ko na hindi ito nabalikan. Again, thank you 😁

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon