Kabanata 35

85 9 0
                                    

Nakarating kami sa bahay na buhat buhat ko si Maliah, nakatulog siya sa sobrang kakaiyak dahil sa nangyari. Awang awa ako sa kaniya sapagkat sarili mismo niyang ama ang dahilan ng kaniyang mga luha, paano kaya kapag nalaman niya ang totoo? Na ang lalaking kinatatakutan at iniiyakan niya kanina ay ang lalaki ring matagal na niyang hinihintay?sigurado akong lalo siyang masasaktan.

Bakit ba tila ang daya ng tadhana? Maging ang aking anak ay nahahawa na yata sa kamalasan ko

Hinaplos ko ang mukha ng aking anak na ngayon ay komportableng nakahiga na sa kaniyang kama. Medyo maga ang kaniyang mata at namumula ang ilong at pisngi.

"Takot na takot ka siguro kanina? Pasensya na Maliah, kasalanan ni mama ang lahat kasi hindi siya matapang, hindi ka niya naipaglaban at hanggang ngayon duwag parin siya sa pag amin ng katotohanan" umiiyak kong bulong sa kaniya.

Minsan naiisip ko, paano kaya kung hindi nalang nangyari ang hindi inaasahang pag sugod? Paano kung hindi nanganib ang buhay ni Clifford? Paano kong normal lang ang lahat sa amin? Siguro ay normal kaming pamilya at hindi kami nasasaktan ng anak ko. Ngunit sa kabila ng nangyari ay kailanman hindi ko pagsisisihan na pinili kong iligtas si Clifford, kahit pa nakalimutan niya ako, kahit pa sinaktan niya kami ng anak ko.

Hinalikan ko sa noo si Maliah at inayos ang kumot nito, alam kong mamaya pa ito magigising dahil sa naging pagod sa kakaiyak. Pagkalabas ko naman ng silid ay bumungad sa akin si Janna at kuya Jeff na hinihingal pa, halatang kakarating lang nila.

"Azulan nalaman namin ang nangyari balita na sa buong mansyon, kumusta si Maliah?" Nag aalalang tanong ni kiya Jeff

"Gago talaga yang supot na Clifford nayan ang sama ng ugali niya, anong karapatan niyang gawin iyon sa isang bata? At higit sa lahat sa sarili pa niyang anak-" pinutol ko na kung ano namang sasabihin ni Janna

"Hindi niya alam Janna, wala siyang alam" depensa ko

"Kahit pa Azulan bata iyon eh, tama bang sigaw sigawan at takutin niya ang bata? Pwede namang kausapin ng ayos at alamin ang tunay na nangyari pero hindi agad niyang kinampihan yung ANAK niya sa TRIANA na iyon" galit na sagot ni Janna at diniin pa ang salitang Anak at Triana na tila ba pinamumukha sa akin kung sino ang pinili ng lalaking mahal ko, na wala na akong pag-asa lalo na ang pangarap kong mabuo kaming pamilya

"Janna, kumalma ka nga lalo mong sinasaktan si Azulan! Kung ikaw nga nasasaktan at nagagalit ano pa kaya si Azulan na nanay?"

Nakita ko naman ang pag yuko ni Janna sa sinabi ni Kuya Jeff, lumapit siya sakin at hinawakan ang aking kamay...

"Pasensya kana Azulan, sobrang lamang akong nasasaktan para sayo to the point na gusto ko nalang pwersahin kang kalimutan siya" halos pabulong na sabi ni Janna, agad ko naman siyang nginitian

"Lubos akong nagpapasalamat sa pagmamahal na meron kayo para sa amin ng anak ko kahit na hindi niyo kami kadugo, bukod sa aking anak ay kayo ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko mula noong napadpad ako rito. Gusto ko lang sabihin na, hindi mo kailangang mag alala Janna alam ko kung saan ako lulugar, alam ko ang aking limitasyon, mahal ko si Maliah at hindi ko siya hahayaang masaktang muli" nagsi alpasan ang aking mga luha matapos sambitin ang mga katagang iyon

"Beshywaps"

"Umalis na ako sa trabaho Janna, ayaw kong magkaroon pa ng koneksyon si Maliah sa kaniyang ama sapagkat nababatid ko na masasaktan lamang siya. Kung kanina nga ay agaran niyang pinili si Cronnel kahit hindi pa alam ang totoong nangyari ano pa kaya sa mga susunod? Ayaw ko ng masaktan ang anak ko sa isiping hindi siya mahal ng kaniyang ama, mas gusto ko pa na hindi nalang sila magkakilala" nasasaktan ako ng sobra sa isipin na kahit kailan ay wala sa kahit anong pangarap ko para sa amin ang matutupad sapagkat kami ni Maliah ay hindi na parte ng buhay niya sa kasalukuyan.

Lumapit sa akin si Janna at niyakap ako, ganoon din ang ginawa ni kuya Jeff. Ang pagmamahal nila sa akin ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit sobra akong nasasaktan ay hindi ko naisip sumuko, matapang ako hanggang nandiyan sila sa aking tabi lalo na si Maliah.

"Alam kong nasabi ko na ito noon pero sasabihin ko ulit ngayon, ako ang tatay ni Maliah, hindi man niya makilala ang Clifford na iyon hindi ko hahayaang maramdan niya na may kulang sa kaniya, andito lang palagi si kuya para sayo Azulan" malambing na saad ni kuya Jeff

"Ako din Azulan ako ang pinakamagandang-"

"Yaya ni Maliah" agad na sabat ni kuya Jeff, kinalas ni Janna ang yakap at sinimangutan si kuya Jeff

"Basher talaga kita, ang sama mo sa akin pero kay Azulan ang sweet mo hmmpp" tila naiiritang saad ni Janna, agad naman kaming natawa ni kuya Jeff sa kaniya.

"Asus tampo naman ang bata na iyan halika ka nga" ani kuya Jeff sabay yakap kay Janna at hinalik halikan pa ito sa pisngi, lalo namang nairita si Janna

"Yuck kuya yuck kadiri iww" naiinis na tugon ni Janna ngunit tinawanan lamang siya ni kuya Jeff, natawa rin ako dahil kahit malaki na sila ay para parin silang bata

Kumusta na kaya ang kuya ko? Kumusta kaya sila ni ama? Kumusta na kaya ang aming kaharian? Labis na akong nagungulila sa kanila pero hindi naman ako makabalik. Sana balang araw ay magkaroon ako ng pagkakataon na makita silang muli at maipakilala si Maliah.

Jasper POV

So ayon andito kami sa gedli nagtatampo kay boss dahil kanina pa siyang nagbabasag ng gamit na pamihadong kami ni Gio ang maglilinis lintik nayan

"Pre pigilan mo na iyan aba mahal ang mga binabasag niya, milyones" bulong sa akin ni Gio na kinasama ko ng tingin

"Bakit hindi ikaw? Gusto mo ata mabaril eh ambobo mo talaga" pabulong na sabi ko dito, hindi nag iisip si gago gusto ata ako ipapatay edi kawawa ang bebe ko niyan.

"Haayysstt kung alam ko lang na babasagin lang yan ni boss sana kinuha ko nalang at dinala sa amin napakinabangan pa" naiiling na muli kong sabi

"Tama ka diyan tol, bakit kasi yan ang binabasag eh pwede namang ulo mo nalang tutal mas mahal yung mga vase nayan kesa sayo" binatukan ko siya agad ng malakas, gago talaga parang di kami friend

"Bakit di nalang ikaw? Tutal kahit kailan naman hindi ka magugustuhan ni Janna pabasag mo na ulo mo tol" pang aasar ko dito, naks kung makapag asaran kami parang very safe kami at walang pwedeng bumaril anomang oras ah

"Gago!"

"SALAS!" nabigla ako sa sigaw ni boss, ayan na nga po

"Boss?" Nauutal kong tanong, shete pinagpapawisan ako ng malagkit

"Buti nga" dinig kong bulong ni Gio kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin

"Buy gifts, groceries, toys and all the things that a little girl need we have to go somewhere tomorrow" utos nito na medyo kalma na, salamat naman at sayang talaga ang mga vase

"Copy boss, sige po alis na ako" agad akong tumakbo palabas para makatakas na, baka mamaya magbago isip non at mag wala na naman o maisip mamaril mahirap na, bahala na maiwan doon si Gio patay narin naman ang puso niya dahil hindi siya icrushback ni Janna

Boss kasi bakit ang tagal mo makaalala ayan tuloy nahihirapan ka ng ganiyan. Sana bumalik na ang alaala niya bago pa mahuli ang lahat at makagawa siya ng bagay na higit pa niyang pagsisisihan.


************************
Thank you everyone for more than 5k reads😘

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon