Kabanata 26

132 11 2
                                    

Happy 1.18k reads salamaaattttt po sa inyong lahat🥰

Azulan Pov

Bakit kailangang mangyari ito?

Akala ko ay magiging masaya na ako, magkakaroon ng katuwang sa buhay at karamay sa lahat ng problema.  Hindi ko batid na ang kaligayahang pinagkaloob sa akin ay panandalian lamang pala

Hindi ko lubos maisip na ganito ang sasapitin ng taong nagbigay ng kulay sa aking mundo, kung isa lamang itong panaginip sana'y magising na ako

Ilang linggo na ang nakalipas simula noong niyaya niya akong maging asawa, isang linggo narin ang nakalipas simula noong maging kritikal ang kaniyang kalagayan

Noong araw na iyon ay masaya kaming nagsasalo salo sa mga nakahandang pagkain, may nag aawitan, may sumasayaw, may nagkukulitan, isa iyong larawan ng masayang selebrasyon ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinugod kami ng mga kalaban, dahil sa kawalan ng ediya na may darating na kalaban ay mahina ang depensa na meron kami, hindi ito napaghandaan lalo na't bigla ang kanilang pag atake, nagulantang na lamang kami sa malalakas na putok na pinatatama sa amin

Madami sa tauhan ni Clifford ang nasawi, hindi naging sapat ang kapangyarihan na meron ako sapagkat mahina na ito, unti unti itong naglalaho dahil sa matagal na panahong wala ako sa karagatan

Sobrang bigat ng nararamdaman ko sapagkat sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari kay Clifford, ako dapat ang nasa kaniyang sitwasyon, ako dapat ang nakikipaglaban ng buhay. Kung hindi niya sinalo ang bala na dapat sa akin siguro ay malakas pa siya at inaamo ako

"Azulan beshywaps magpahinga muna ka muna tsaka kumain isang linggo na kanang ganiyan pati ligo  wala" nalulungkot na sabi ni Janna, tiningnan ko siya at naramdaman ko na naman ang masagang pagdaloy ng aking mga luha

"Gusto ko namang kumain Janna, nais kong tumayo at magpahinga ngunit hindi ko kaya, wala akong gana upang kumain, wala din akong lakas upang lisanin ang upuang ito" umiiyak na aking saad

Nilapitan niya ako at niyakap "alam kong mahirap beshy pero kayanin mo,  tiwala lang, yan ang higit na kailangan ni Clifford sayo, magtiwala ka na kaya niya, gigising siya at lalaban, matutuloy pa ang kasal niyo hindi ba?"

"Natatakot ako Janna, ayaw kong mawala siya akin,  mahal na mahal ko si Clifford, Hindi ko kaya Janna hindi ko na alam ang gagawin ko" dahil sa aking sinabi ay mas lalong humigpit ang kaniyang yakap

"Beshy  kailangan mong magpakatatag, nandito lang ako, kami, hindi ka namin iiwan habang hinihintay nating gumising si boss, sa ngayon kumain ka muna magagalit si boss pag nagising siya tapos nakita ka niyang ganiyan" saad ni Janna, tinanguan ko siya at kinuha ang pagkaing dala

Tama si Janna, kailangan kong magpalakas upang maayos akong masisilayan ni Clifford kapag siya'y nagising, Hindi ko dapat sayangin ang buhay na niligtas niya sapagkat kung ganoon ang mangyayari ay mawawalan lamang ng saysay ang kaniyang ginawa

Matapos kumain ay lumabas muna ako ng silid, nais ko munang umuwi sa tahanan ni Clifford upang makakuha ng aking damit ganon din ng iba pang kailangan

"Ma'am Azulan ihahatid na po kayo ni Jasper para siguradong ligtas, may mga tauhan rin po si bossing na susunod sa inyo" saad ni Ace na alam kong abala dahil sa puspusang paghanap sa kung sino ang sumugod sa amin nong araw na iyon

"Salamat Ace" nakangiti kong sabi at lumabas na kasama si Jasper

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong naligo, niligpit ko ang mga kalat sa silid na aming naiwan, hindi kasi pinapapasok ni Clifford ang kahit sino sa aming silid kaya't ako na lamang ang naglilinis

Matapos ng gawain ay nagsimula na akong maglagay ng mga bagay na kakailanganin sa hospital sa lalagyang Bag raw ang tawag

Sa kalagitnaan ng aking pag iimpake ay pumasok sa silid si Jasper na tila naghahabol pa ng hininga

"Anong nangyari Jasper?ayos ka lamang ba?" Nag aalala kong tanong

"Ma'am Azulan kailangan na po nating bumalik sa hospital, si boss po" nanginginig na sabi ni Jasper

Dinumog ng pag aalala ang aking dibdib, hindi pa man nakakarating sa hospital ay alam kong may masamang nangyari base na lamang aa kaniyang tinig habang sinasabi ang mga linyang iyon

Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Jasper ay agad kaming nakarating sa hospital, tumakbo na ako upang mas madaling makarating sa silid na kinalalagyan ni Clifford

"Janna anong nangyayari?anong ginagawa nila kay Clifford?" Umiiyak na aking tanong

Kita ko rin ang kaniyang pagluha ganoon din ang iba pa naming kasamahan sa hospital

"Time of death 10:00 pm"

Hindi ko maintindihan ang salitang iyon ngunit kita ko ang paghagulhol ng aking mga kasama

"Janna ano bang nangyayari?ano ang kaniyang sinabi?"

Hinawakan ni Janna ang aking balikat sabay yakap sa akin "beshy wala na si boss Clifford" umiiyak na saad nito

"Anong wala Janna?hindi ba't ayon siya?nakahiga sa kama?" Naguguluhan kong tanong

"Wala na siya Azulan, patay na si Boss Clifford"

Napaluhod ako sa kaniyang sinabi, paano nangyaring wala na siya?hindi ba't mayroon siyang pangako sa akin na ako ay kaniyang magiging asawa?na bubuo kami ng pamilya?

"Janna hindi ka dapat nagbibiro ng ganiyan, hindi yan maganda, hindi nakakatuwa" Hindi, hindi ko to matatanggap, hindi niya ako pwedeng lisanin ng ganon na lamang, magsisimula pa lamang kaming dalawa bakit tila wawakasan agad

"Sana nga nagbibiro na lang ako Azulan pero hindi, ito ang reyalidad, wala na si boss, iniwan na niya tayo"

Sa kaniyang tinuran ay mas lalo akong napaiyak, kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ko na lamang siya binigyan ng pansin, nagpatuloy na lamang dapat ako sa paghanap ng lagusan pabalik sa aming mundo nang sa ganoon ay hindi niya ako kailangang iligtas, hindi niya din kailangang mawalan ng konsentrasyon sa pagtugis sa kaniyang mga kalaban

Bato ng Azaruñan nararamdaman mo ba ang pighating aking nadarama?kung oo ay maaari mo ba akong tulungan? Tatanggapin ko ang kahit anong kapalit basta lamang masunod mo ang aking nais, kahit pa ipadala mo ako sa ibang mundo ay ayos lamang

Nilisan ko ang lugar na aming kinalalagyan sapagkat ayaw ko ng makita si Clifford sa ganoong lagay, baka kapag muli ko siyang tingnan ay hindi ko na kayanin pa

Inang bathala ng karagatan parang awa mo na kailangan ko ng iyong tulong, handa akong ibigay ano mang iyong naisin basta't maibalik mo lamang ang buhay ng aking mahal, handa akong magsakripisyo

"Mahal na prinsesa Azulan" isang tinig na nakapukaw sa aking atensyon, sa aking paglingon ay doon ko nakita ang taong matagal ko ng hinahanap, ang matandang may alam sa aking katauhan

"Batid ko ang iyong sakit na dinadanas, nararamdaman ko ang iyong pighati at nadidinig ko ang iyong bawat paghikbi" saad ng matanda, lumapit siya sa akin at pinahid ang aking mga luha

"Handa akong tulungan ka prinsesa" sa kaniyang tinuran ay nabuhayan ako ng pag asa sa aking puso

"Talaga?nais mo akong tulungan?kung ganoon ay maraming salamat, tatanawin ko itong napakalaking utang na loob" nakangiti kong sabi sa matanda

"Huwag ka munang magpasalamat sapagkat ang bawat hiling ay may kaakibat na sakripisyo, handa kaba Azulan?handa kaba sa maaaring sakripisyong iyong gagawin?"

Kagaya ng sinabi ko kanina, gagawin ko ang lahat upang mailigtas siya, palagi na lamang ako ang kaniyang sinasagip at inaalagaan, sa pagkakataong ito ay ako naman ang kikilos para sa kaniya

Nagsisimula pa lamang kami kaya't hindi maaaring hanggang dito na lamang ang aming istorya

"Handa ako sa kahit anong sakripisyo"



******************************
Enjoy reading 🥰 follow me po ☺️

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon