kabanata 4

296 25 2
                                    


Jasper POV

yow zupp mga dude ako nga pala ang pinakagwapo sa lahat at pinaka astig Jasper Salas Three points sa puso ng bawat kababaihan. So ngayon kasama ko si boss at iba pa niyang tauhan, siya nga pala si boss Clifford James Malvido ang numero unong pinaka nakakatakot na Mafia boss kahit ako may sasabihin lang diyan eh maiihi na ako eh, wala akong masasabing magandang katangian niya bukod aa pogi, maganda ang katawan at mayaman yung iba negative na. Maya maya pa ay nakarating na kami sa isla, habang papasok kami ay may narinig kaming sumisigaw na babae. Sinundan ni Boss ang pinanggagalingan ng boses kaya sumunod di kami syempre

"What's happening here?" Agad na tanong ni boss Clifford

"Boss pasensya na mukhang may baliw na nakapasok dito eh" sagot naman nong tauhan na nakaassign sa mansion na ito at tinuro ang isang babaeng-WOW WTF tao ba to?teka asa lupa pa naman ako ah?buhay pa ako?agad kong kinurot ang sarili at nasaktan ibig sabihin buhay nga ako pero teka bakit may anghel dito?pakshet malutong jojowain to eh

Napatingin ako kay boss at nakita kong titig na titig siya sa babae at biglang ngumisi Oh my god ito na sinasabi ko eh nainlove na ang shutakels kong boss nakakaexcite naman

"Mine" dinig kong Sabi ng aking boss, muntik na akong matawa dahil sa tuwa finally magkaka lovelife na si boss tutulungan kita diyan paparaya na ako malay natin sumaya siya ng sobra tapos bigyan kami ng increase sweldo mindset ba mindset.

Pansin kong may tinanong ang babae sa katabi pa niyang maganda din at biglang kumunot ang noo niya

Azulan POV

Agad akong nagtaka sa wikang sinambit ng lalaking kadadating lamang, mayn?sino si mayn?Azulan ang aking ngalan at hindi ko naman iyon pinaltan

"Janna sino ang lalaking ito?" nagtataka lamang ako at tila takot sa kanya ang mga tao sa silid na ito

"Siya si Clifford James Malvido ang may ari ng Mansion na ito hala na bessywaps sana hindi tayo tanggalin bakit ka kasi nagsisisigaw" natatakot nitong sagot sa akin ngunit mas nangibabaw ang galit ko, sandali, kung siya ang may ari ng tahanang ito ibig sabihin ay siya rin ang nagkulong sa aking mga kawawang kaibigang isda, lapastangan ang lalaking ito

"IKAW!!" Sigaw ko sa kanya na

"Me?" Hindi ko naunawaan ang kanyang salitang sinabi kaya pinagpatuloy ko na lamang ang aking sasabihin

"ANONG KARAPATAN MONG IKULONG ANG AKING MGA KAIBIGAN SA KAHONG ITO?NILAYO MO SILA SA KANILANG PAMILYA AT KAIBIGAN NAPAKASAMA MO!!" walang puso, palibhasa ay malaya kung kaya't hindi batid ang hirap ng nakakulong

Kita kong nagtawanan ang lahat ng tao sa silid, bakit?may nakakatawa ba?

"MASAYA PA KAYO NA MAY MGA NILALANG NA NAPAGKAKAITAN NG KALAYAAN?HABANG KAYO AY MASAYA KASAMA ANG INYONG PAMILYA O KAIBIGAN HINDI NIYO BA NAISIP ANG MGA ISDA NA KINULONG NIYO?" Bigla akong naluha noong maalala ko ang paghahanap ng nga magulang ni Pissa sa kanya, hindi na sila tumitigil hanggang kaya pang lumangoy

Walang naging sagot sa akin ang lalaki bagkus nakatitig lamang ito sa akin na tila ba nakakatuwa akong panoodin

Jasper POV

Hindi ko alam kung paano ko ititigil ang bunganga ko kakatawa dahil hindi ko inaasahan na sa gandang babae niya eh nakakaloko mga sinasabi

Tawa lang ako ng tawa ng biglang

"Return the fish to the sea" napatunganga ako sa utos na boss

HUH??

"Boss?" Nagtataka kong tanong

"Do what I said and make sure you will return the fish to the exact sea where you got it" mas lalo akong napanganga

"Boss binili lang namin yan paano namin malalaman kung saang dagat?" Mababaliw ang poging ako sa abnoy kong boss iba tamaan ang lalaking to

"Do you want to die?"

"HAHAHAHAHA ito namang si boss di mabiro HAHAHHAA tara na nga jake, blake hanapin natin ang dagat wow sea" tumatawa tawa kong sabi mamaya barilin ako bigla nito eh

Paalis na kami ng biglang lumapit si boss sa babae kita ko naman ang pagtaas ng kilay nong babae shutakels ka mars buti special ka kundi najumbag kana niyan

Azulan POV

Hindi ko alam ang problema nitong lalaki at unti unti siyang lumalapit sa akin tinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang aking mukha

"Beautiful" nakangiting sabi nito

Agad kong tinggal ang kanyang kamay sa aking mukha

"Kanina kapa ginoo noong una ay tinawag mo ako sa ngalang mayn ngayon naman- ano nga ang ngalan na iyon?biyutipul?hindi naman aking pagkakakilanlan iyon" matapos kong sabihin iyon ay naramdaman ko ang paghagupit ni Janna sa aking balikat

"Bessywaps gusto mo naba pumanaw?adik ka din eh noh nagshashabu kaba?" Tila naiiyak na sabi nito, adik?shabu?ano ang mga salitang iyon tanging pagpanaw lamang ang aking alam

"Bakit naman ako papanaw?" Nagtataka kong tanong kay Janna

"Yang nasa harap mo lagot ka talaga bukas hindi na tayo babalik dito"

"Ikaw!!" Muli kong tinuro ang lalaking nasa aking harap, anong akala niya dahil lamang sa makisig siya ay paaapi ako sa kanya

"Papatayin mo ako? ipagmaumanhin mo ngunit hindi ko iyon hahayaan lalabanan kita" matapang na sabi ko sa kanya

Bigla kong nadinig ang mahinang pagtawa niya, kita kong tila natigilam lahat ng mga taong nasa silid

"I'll never kill my queen" at muling hinawakan ang aking mukha

"What's your name" ano bang sinasabi niya wala akong maunawaan kahit isa ang hirap naman niyang kausap

Naramdaman ko ang pagtampal sa akin ni Janna

"Ano daw pangalan mo beh" saad nito

"Azulan, azulan ang aking ngalan"

"So Azulan, starting today you're mine, akin kana no one can touch you or be this close to you other than me" saad nito sabay halik sa aking labi

Halik?sa Labi?aba ang lapastangang mortal napakabastos. Agad ko siyang tinulak at sinampal

"Napaka bastos mong mortal ka anong karapatan mong ilapat ang iyong mga labi sa akin?para lang iyan sa mga magkatipan" naiiyak kong sabi, ang aking unang halik na para sana sa aking mapapangasawa ay ninakaw ng bastos na mortal

Patuloy lang sa pag agos ang aking mga luha, bigla siyang lumapit sa akin at pinahid ang aking mga luha at yumakap sa akin

"Sh*t honey I'm sorry stop crying sh*t I'm sorry" kita ko naman ang pagbuka ng bibig ng mga tao rito, bakit?tila sobra silang nagugulat sabagay kahit naman ako makasaksi ng isang ginoong bigla na lamang manghahalik ng binibini ay magugulat din ako

"Bitawan mo ako uuwi na ako at hindi na babalik muli dito, tara Janna humanap na lamang tayo ng iba trabaho" tila kay malas naman ng araw na ito puro sama ng loob ang aking nakukuha

Kita kong umigting ang kanyang panga at kumuyom ang kamao, hindi ba dapat ako ang galit?bakit tila siya pa ang masama ang loob?

"You think I will let you go far away from me??No matter how much you try to hide I'll still find you" tila galit na saad nito, ano na naman ba ang sinabi niya wala na naman akong maintindihan nakakapanibugho

"Beh mahal ka daw niya" sambit ni Janna at pumikit ang isang mata, mahal?hindi ba't kakakita palang namin?sabi na at wala siyang magandang intensyon sa akin

"Pasensya na ngunit hindi kita mahal" sabi ko at agad hinila si Janna upang mabilis na lumisan mula sa mansion

"WHAT THE F*CK?" naririnig ko pang sigaw niya

Dapat ay Hindi na ako magpakita sa kanya at mukhang sobrang sama ng loob sa akin ng bastos na mortal

************************************

Lakas tama ni Azulan HAHHAHAHABBAHA

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon