Kabanata 13

207 13 0
                                    

"MARRY ME!!!" Sigaw ko pabalik na mas lalong nakapag pakunot ng noo niya at mas lalong pumula ang kanyang mukha.

"Do you even kno- I mean alam mo ba yang sinasabi mo?" Nakakunot noo na tanong ni Clifford

Tinaasan ko siya ng kilay sabay pinaikutan ng mata "malamang ay alam na alam ko ang aking sinasabi, tinuruan ako nila Gio kanina"

Kita ko ang pagbuntong hininga nito tila nagpipigil ng galit, kanino?sa akin ba?siya itong may atraso kaya't ako dapat ang galit, paulit ulit naman siya eh

'D*mn Santiago" bulong nito na hindi ko naman naunawaan, minumura niya ba akong muli?

"Ah basta kahit ano pa ang iyong sabihin I love you so much dear parin" matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay nakita kong sumilay sa kanyang mukha ang kakaibang ngisi, mula sa kaninang pagkakakunot ng noo ay ngumingisi na ito

"Well babe if you insist on-" hindi nito natuloy ang sasabihin ng biglang tumawag si matandang balyena

"Sir andiyan na po si Mrs. Cardigal sinalubong na po siya ni Ma'am Zolen iniintay niya po kayo sa sala"

Tumango si Clifford tanda na naunawaan niya ang sinabi nito. Humarap ito sa akin at hinawakan ang aking balikat

"We'll talk later" sabay halik sa aking noo, hmmmppp bastos talaga akala niya siguro makukuha niya ako sa kanyang ginawa, may paninindigan kaya ako, hindi ako bibigay sa kanya

Jasper POV

Nandidito ngayon sa sala kaming mga importanteng tauhan ni boss ganoon din si Mrs. Cardigal at ang hitad nitong anak na si Zolen Joke lang HAHHAHAHAHA pero totoo Talaga, tingnan niyo nga ngayon kapit tuko kay bossing kahit pilit inaalis dikit parin kapal muks talaga

"So Clifford kailan niyo balak ituloy ang inyong kasal, excited na akong magkaapo alam mo na tumatanda na-"

"Mrs. Cardigal if you badly want a grandchild then find someone who's willing to f*ck your daughter cause my d*ck isn't" langya ka boss nasabi mo yan?sama talaga ng ugali mo boss kaya idol kita eh

Kita ko naman ang pagpula ng mukha ni Mrs. Cardigal, ano ka ngayon?palagi na Kasi namimilit eh ayaw nga, ilang beses na tinanggihan G parin

"Bastos ka Malvido baka nakakalimutan mo namatay ang asawa ko para mailigtas ka so dapat gawin mo ang lahat para makabawi even if it means marrying our daughter" saad ni Mrs. Cardigal

"Since your husband died ako na ang bumuhay sa inyo, money, food, house, expensive clothes and jewelries I'm giving it all to the both of you because I acknowledge the fact that Tito Henry is the reason why I'm still alive so please don't push me to my limit" mas lalong nanggalaiti ang babaeng ito matapos ng sinabi ni boss, apaka abusera ginawa na ngang bangko si boss dipa makuntento

"Ano bang ayaw mo sa anak ko?my daughter is close to perfection so why don't you try her? Just see if it will work out for the both of you"

Tumingin si Zolen kay boss sabay yapos dito "why don't you want to marry me? I promise I'll be a good wife just please try me"

Agad kinalas ni boss ang pagkakayakap ng intrimitidang babae sabay tingin dito

"Sige pumapayag akong maging asawa ka"

Azulan POV

Dahil tapos na ako sa gawain ay ako na ang tumanggap ng utos ni kuya na kunin sa aming tirahan ang kanyang naiwang cellphone daw, pinakita niya sa akin ang larawan noon kaya't alam ko na. Noong napadaan ako sa sala ay hindi ko sinasadyang madinig ang kanilang usapan

"Sige pumapayag akong maging asawa ka" dinig kong sabi ni Clifford habang nakatingin sa babaeng maganda

"That's good ang anak ko lang pala makakaumbinsi sayo" natutuwang saad naman nong isang babae na nakaupo sa tapat ni Clifford, siya siguro ang ina nong magandang babae na mapapangasawa ng aking amo, bigla akong nakadama ng sakit sa aking puso dahil sa isiping iyon buti nalang Talaga hindi ako nagpapaloko sa Clifford na iyon

Dahil hindi ko naman nais ang nakikita at nadidinig ay mabilis kong nilisan ang lugar upang sundin na ang utos ni kuya Jeff

Ano naman kung magiging mag asawa sila?ano naman kung mahal nila ang isa't isa ng sobra upang umabot sa ganoong Punto?ano naman kung niloloko niya lang ako?ano naman kung masakit?eh ngayon lang naman to bukas siguro'y hindi na

Pagkakuha ko ng cellphone na sinasabi sa bahay ay mabilis akong bumalik sa mansion. Habang naglalakad papasok sa loob ay kinalikot ang cellphone na aking hawak, kinalog kalog ko ito at sinubukang titigan ng napakalapit, para saan kaya ang bagay na ito?napakagaling talaga ng mga mortal napaka lawak ng kanilang mga isipan. Dahil sa okyupado ako ng pag iisip at pagtitig sa cellphone ay may nabunggo ako, nabigla ako noong napagtanto ko kung sino ang aking nabangga, siya yung ina nong magandang babae

"Paumanhin po hindi ko sinasadya" sabi ko sabay yuko

"Next time wag kang tatanga tanga matuto kang tumingin sa dinadaanan mo" kita ko ang pagtaas ng kilay nito at tila ba kinikilala ako

Lumapit ito sa akin habang Hindi pinuputol ang tingin "Hindi pa kita nakikita dito, ngayon lang sino ka?"

"Ako po si Azulan bagong trabahador sa lugar na ito" kinakabahan kong saad sapagkat randam kong Hindi maganda ang kanyang pag uugali baka palayasin niya ako kapag nagkamali ako ng nasabi

"So you're Azulan, hmmm what a cheap taste he got" tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa

"Paumanhin po ngunit hindi ko maunawaan ang inyong sinabi"

Bigla itong tumawa ng napakalakas habang mapanghusga akong tinitingnan "bobo karin for sure you're just a toy pwede kana namang pagtiyagaan maganda ka at sexy"

"Pasensya na po ngunit hindi ko po lubusang maunawaan ang inyong sinabi" yumuko pa ako tanda ng paghingi ng paumanhin.

Bigla nitong hinawakan ng napakahigpit ang aking mukha "layuan mo si Clifford siya ang mapapangasawa ng anak ko depende nalang kung gusto mong naging kabit at isa pa hindi kayo nababagay, langit siya lupa ka, kahit kailan hindi-"

"Continue what you're saying and I won't hesitate to throw you out of my house including the house you're currently living" saad ng kadarating lamang na si Clifford, lumapit ito sa akin sabay haplos ng aking mukha

"Let's go kakain tayo sa labas ngayon" malambing nitong paanyaya sa akin

"Bakit sa labas pa pwede naman dito sa loob, Hindi ba't narito ang kusina?" Natawa siya sa aking sinabi

"D*mn baby you're really making me crazy"

"Clifford hindi pa tayo tapos, mapaangasawa mo ang anak ko, siya ang makakasama mong bumuo ng pamilya" galit na sabi nong babae sabay lakad paalis

Jasper POV

Hindi ko talaga maiwasang natawa kapag naaalala ko ang nangyari kanina pffttt asang asa ang mga shutakels

*Flashback*

"Sige pumapayag akong maging asawa ka" dinig kong sabi ni boss na nakapagpaliwanag ng mukha ng mag-ina, mas maliwag pa sa flashlight

"That's good ang anak ko lang pala makakaumbinsi sayo" pumapalakpak ba si Mrs. Cardigal habang sinasabi iyon, eh??legit ba??

"Is that what you want me to say?that I'll marry your daughter? sorry to destroy your imagination but I won't, I'll never" matapos sabihin iyon ni boss ay padabog na tumayo si Zolen

"No you'll marry me, ako lang dapat, ako lang" sigaw nito kay boss, kapal muks talaga

"Ang kapal mo eh mas maganda naman sayo si Azulan" naiiritang sabi ni Ace, yes that's may baby- wait what?? yuck no

"Sinong Azulan?is she one of  your b*tch?"

"Don't f*cking call her that kung ayaw niyong ipabaril ko kayo sa mga tauhan ko" hinahighblood niyo si boss eh mga hipon kayo

"My daughter is saying the tru-"

"JUST F*CKING LEAVE OR I'LL SHOOT THE BOTH OF YOU" hala siya mga tihhh sumisigaw na buti nalang nakinig si mudrakels at nag gorabels na

*End of Flashback*

Hmmmppp kala mo naman kung sino eh palamunin lang naman ni boss

********************************
Follow me 😊 Enjoy reading 🥰

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon