Kabanata 6

270 20 0
                                    


Azulan POV

Madilim pa lamang ay ginising na ako ni Janna upang maagang makaalis at hindi na maabutan pa ng mga humahabol sa akin. Sa totoo lang ay nahihiya na ako sa kanila sapagkat ako naman ang may kasalanan ng lahat, ako ang gumalit sa mortal na iyon ngunit sina Janna ang humahanap ng solusyon, sana lang Talaga ay makahanap na ako ng daan upang makauwi sa amin ng sa ganoon ay magantimpalaan ko sila sa kanilang kabutihang puso

"Beshywaps paalis na daw kayo ng Kuya" bakas sa kanya ang lungkot habang sinasabi ang linyang iyon

"Maraming Salamat Janna utang na loob ko sa iyo ang lahat ng meron ako sa mundong ito ikinagagalak kong nakilala kita" lumuluha kong sabi sa kanya

"Ano kaba wag ka ngang umiyak naiiyak din ako eh tsaka dadalawin kita doon" niyakap ko siya ng mahigpit sapagkat pag dating doon ay wala ng Janna na palaging magpapaalala sa akin ng mga dapat kong gawin

"Basta wag kana mukhang eng-eng doon ah wag kang magsasabi ng kung ano anong salita mag iingat ka wag mo pababayaan ang sarili mo wag ka muna mag jojowa" Hindi ko man lubusang naunawaan ang ibang sinabi niya ay tumango na lamang ako sapagkat sigurado akong para yon sa aking ikabubuti

"Janna kailangan na naming umalis ni Azulan baka mamaya eh dumating na naman ang mga tauhan ni Boss" tawag ni Kuya Jeff (yung kuya ni Janna)

"Sige na beshywaps mag iingat ka ha" muling paalam ni Janna

"Ikaw din mag iingat ka" nakangiting sabi ko habang kinakaway ang kamay simbolo ng pamamaalam

Narito na kami sa dalampasigan upang sumakay ng bangka para makarating sa kabayanan ngunit hindi pa kami nakakasakay ay may mga lalaking nakaitim na kasuotan ang humarang at tinutukan kami ng baril. Agad akong hinarangan ni kuya Jeff

"Anong kailangan niyo?" Buong tapang na tanong ni kuya Jeff sa mga lalaki

"Yung babae lang ang kailangan namin pwede ka ng umalis" ako?marahil ito ang mga tauhan nong lalaking bastos siguro nais na niya akong paslangin at ito ay inutos niya, ano ng gagawin ko?ayaw kong madamay si kua Jeff sa kamalasang kinahaharap ko ngayon, kung ako ang nais nila ay sasama na lamang ako

"Hindi, magkakamatayan muna tayo bago niyo siya makuha" sigaw ni Kuya Jeff sa mga masasamang mortal, handa siyang ibuwis ang kanyang buhay ngunit kailanman ay hindi ko iyon hahayaan

"Bugbugin niyo yan at kunin ang babae" pagkasabi noon ay agad nilang nilapitan si Kuya Jeff at walang habas na pinag susuntok, Hindi ako makalapit sapagkat hawak nila ang aking mga kamay

"Sandali tama na itigil niyo yan sasama ako, sasama na ako maawa kayo tama na" umiiyak na pakiusap ko sa kanila, agad naman nilang tinigil ang ginagawa at kinaladkad ako palayo

"Patawad po kuya, mahal ko po kayo ni Janna" halos hindi ko na makita ang daan dahil sa luhang pumupuno sa aking mata

Nakarating kami sa mansyon kung saan kami nagtrabaho noong nakaraang araw. Dito na ba matatapos ang lahat?hindi ko naba muling nakikita si Janna at Kuya Jeff?Hindi man lamang ako nakapag paalam ng maayos lalo na sa aking pamilya, ni hind ko pa nga alam ang daan pabalik

"Boss nandito na dala namin nagtangkang tumakas buti naabutan namin" agad nitong binuksan ang isang silid at dinala ako sa loob matapos ay umalis na silang lahat, tanging kami lamang ng lalaking ito ang naiwan

"Ano ang iyong pakay sa akin?bakit mo ako pinadakip sa iyong mga tauhan" hindi ito sumagot bagkus ay lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking mukha, sobrang lapit niya sa kauntint galaw ay magdidikit ang aming mga labi

"Why did you try to leave? Bakit gusto mong umalis dito?"

"Dahil nais mo akong ipahuli at ipapaslang hindi ba?at ayokong mangyari iyon" kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo dahil aa aking mga salitang sinambit

"Why the f*ck will i kill you" sa puntong ito ay noo ko naman ang napakunot, ano ang ibig niyang sabihin?

"Paumanhin ginoo ngunit hindi ko maintindihan ang iyong mga sinambit" nag buntong hininga ito at muling nagsalita

"Hindi mo ako kailangang takbuhan hindi kita papatayin" nakahinga ako ng maluwag sa nadinig, si Janna talaga hindi naman pala ako papaslangin tinakot niya lamang ako

"Kung ganoon ay maaari na akong makauwi sa aming tirahan?" Nakangiting tanong ko

Kita ko ang paglunok niya habang nakatingin sa akin

"Ano?maaari naba akong umuwi" mas lalo pang lumapad ang aking ngiti lalo na nong nakita ko ang pag tango niyo

"Maraming Salamat ginoo" matapos ay akmang lalabas na ako ng bigla niya akong hinila at nilapat ang kanyang lapastangang labi sa akin.

Ang bastos na lalaking ito buong akala ko ay maayos na kami ngunit pinag iinit niya muli ang aking ulo, ang halik na dapat ay sa aking mapapangasawa lamang ay paulit ulit na niyang nanakaw

Patuloy akong nagpupumiglas ngunit hinawakan lamang niya ang aking kamay kung kaya't wala akong magawa, kung gumagana lamang sana ang aking kapangyarihan ay hindi ako mahina. Maya maya pa ay ramdam kong tumigil na ito, pinagdikit niya ang aming mga noo at at hinawakan ang aking mukha

"My heart is beating so fast d*mn" muli niya akong hinalikan sa noo

"Dito ka muna matulog bukas kana umuwi" sabi nito habang nakayakap sa akin

"Hindi maaari ang kuya Jeff ko sinuktok siya ng iyong nga tauhan wala naman siyang ginawang masama pinagtanggol niya lamang ako" muli akong naiyak baka galit sila sa akin ni Janna sapagkat ako ang may kasalanan kaya nasaktan si Kuya

Pinunasan ng lalaking ito na sa pagkakatanda ko'y Clifford ang pangalan ang aking mga luha

"Shhh stop crying ako na bahala sa Kuya mo at sisiguraduhin kong mapaparusahan ang tauhan ko na nanakit sa kanya tahan na" muli nitong hinalikan ang aking labi tungo sa aking noo at ako'y niyakap

Ang bastos na mortal na ito palagi na lamang akong hinahalikan, tiyak kong malalagot siya kapag nalaman ito ni amang hari

"Let's go we will eat" agad akong hinila nito sa kung saan at nakarating kami sa mesang puno ng pagkain

Noong makita ko ang mga pagkaing nakahain ay tila nawalan ako ng lakas, tuluyang lumandas sa aking pisngi ang napakaraming luha. Isda, hipon, pusit at alimango, ang masasamang mortal pinaslang sila, ang mga kaibigan kong lamang dagat huhuhuhuhu.

************************************
Bakit kasi mga prends niya😭

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon