CHAPTER 24

161 19 1
                                    

"Sinabi ng hintayin mo ako, eh!" awtomatiko itong umakbay nang makalapit sa 'kin.

Ngunit mabilis ko ring inalis ang braso niyang nakapalibot sa balikat ko at masama siyang tiningnan. As in! 'Yung makakakatay ng tao!

Nandito kami ngayon sa mall upang kumain. Yeah, hindi natuloy ang pagkain namin sa penthouse niya dahil nag-yaya siyang mag ice cream.

He knew that ice cream—vanilla flavor is my comfort food. He wants to comfort me because he knows that I'm longing for our parents.

Hindi niya rin naman ako masisi dahil 3 years na ang nakalipas simula nung muli ko silang makasama.

Hindi lang siya nagsasalita pero alam kong ramdam niya 'ko. Ramdam niya ang pangungulila ko sa mga magulang namin. But, now is not the right time para makipagkita sakanila.

"Sino ka?" nagugulat at tila naguguluhan kong tanong dito. Dahilan para taasan niya ako ng kilay. "Did I know you, Mr?" 

"Sige, ganyanin mo 'ko! Wala kang libre sa 'kin!" pananakot niya. Like, duh? Hindi na ako 'yung five year old na Gianna-ng palagi niyang natatakot sa kahit anong bagay.

Nginisihan ko siya, "edi wala! Kaya ko bumili—" 

"O, sige! Malalaman naman ni Kuya na nag ditch class ka—"

"Absent kasi!" naiinis kong pagpuputol sakaniya. Panay siya ditch class e, mag h-hapon na!

"Edi absent! Ditch class at absent—mapapagalitan ka pa rin!" pinanlisikan niya ako ng mata.

Naiinis akong napakamot sa ulo at pinadyak ang isang paa na parang bata. Napipilitan akong lumapit sakaniya upang makumbinsi siyang h'wag mag sabi kay Demon.

Alam ko namang kahit malayo ako sakanila, hindi siya nawalan ng mata sa 'kin. Dama ko 'yon, dahil sa t'wing lalabas ako ay parang may nanonood sa bawat kilos ko.

I also knew that he's aware of the plans that I made. Hindi siya tatawaging Demon na maraming mata kung hindi. Alam ko ring simula pa lang, alam na nito kung saan ako mahahanap pero hindi niya 'ko pinupuntahan.

'Yon ang pinagtataka ko.

Kaya niya akong puntahan at bawiin kina Mrs. Sunga, pero hindi niya ginawa. Bakit?

"Lumayo ka sa 'kin," tinulak niya ako sa mukha at tumatawang umiwas sa mga hampas ko.

Pashnea siya! Mas lalo akong nagmumukhang maliit dahil sa ginagawa niya! 

"Bitiwan mo 'ko!" singhal ko sakaniya habang pilit siyang inaabot. 

Ang hirap pala kapag sobrang pinagpala sa height ang mga nakakasama mo, manliliit ka kahit matangkad ka rin naman!

"Pandak!" 

"Hindi ako pandak!" sinubukan ko siyang sipain ngunit nabigo ako. Hindi ko maabot! 

"Sus!" umingos siya, "hindi mo nga ako maabot!" 

Napanguso ako, nangingilid na ang mga luha habang parang batang nakatingin sakaniya. 

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Where stories live. Discover now