CHAPTER 28

138 15 1
                                    

Matagal akong napatitig sakaniya. Tinitimbang kung seryoso ba siya nung bitiwan ang mga salitang 'yon. Pero wala akong mabasa sa mga mata niya kun 'di ang kaseryosohan.

Parang gusto kong manlumo sa mga oras na 'yon nang malamang seryoso nga talaga siya.

Minsan na niya akong pinarusahan— at nauwi 'yon sa pagkakahiga ko sa island counter sa bahay. Napangiwi ako. Hindi malabong gano'ng parusa ulit ang danasin ko dahil pulos kapilyuhan ang nasa utak ng taong 'to!

What did I do? What should I do?

Mariin akong napalunok nang mas ilapit nito ang katawan sa 'kin. Pinaparamdam sa 'king hindi lang siya ang galit.

Base sa mga kinikilos niya'y wala siyang pakielam sa mga taong nakakakita sa 'min ngayon. We weren't alone here. Isa isa nang nararagdagan ang mga nasa room, at hindi lingid sa kaalaman kong nandito na rin ang mga kaibigan namin.

"Bitaw." tiim bagang kong utos. Air-conditioned ang room na 'to, at tatlo pa! Pero nananaig sa pakiramdam ko ang init ng katawan niya, at alam kong hindi maganda 'to!

Ang galing galing niyang mambaliktad ng sitwas'yon! Siya dapat ang naiinis sa mga pang-iinis ko pero ako ang naiinis sa ginagawa niya ngayon!

"Ayaw ko." ngumisi siya nang nakakaloko. Nasa labi ko pa rin ang kaniyang paningin, ngunit nilalaro niya na 'yon gamit ang hinlalaki niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ayaw mo?"

"A..yaw... ko. Ayaw ko." marahan siyang sunod-sunod na umiling. Hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang labi ko.

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan.

Mahahalata mo talaga sakaniyang wala siyng maayos na tulog dahil 'agad nangingitim ang ilalim ng mata niya. Mas lalong kumunot ang noo ko ng may mapansin sa pisngi niya. Mariin kong tinitigan 'yon, hindi ko nilubayan ng tingin hangga't hindi ako nakakasiguro sa nakita ko.

Maingat akong humugot ng buntong-hininga at maingat din 'yong pinakawalan.

Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi ko upang makuha ang atens'yon niya. At hindi ako nabigo dahil dahan dahan itong nag-angat tingin sa 'kin.

Pilit kong isinantabi ang bumabagabag sa isip ko't nilabanan ang mga tingn.

"Parurusahan mo 'ko, right?" mas lumaki ang pagkakangisi ko nang marinig ang pag-lunok nito. "Anong klaseng parusa ba 'yan, at hindi ka yata makapaghintay na maka-uwi tayo?" bulong ko mismo sa tainga niya at bahagya itong dinilaan.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Ilang beses siyang lumunok. Magkakasunod. 

"Hmm..." pagtitinig ungol ko.

Sunod sunod siyang napamura at parang napapasong lumayo sa 'kin. Kita ko ang muli niyang paglunok habang mariing nakatingin sa 'kin. Nakakaloko ko naman siyang nginitian.

Malalim ang bawat pag-hinga niya, tila may pinapakalma sa katawan. Pansin ko rin ang pamumuo ng pawis sakaniyang noo.

Wala sa sarili akong napatingin sa ibaba niya. Nakagat ko ang loon ng aking pisngi ng mapansing naka-umbok 'yung ano niya.

I don't know how long I stared at his crotch. Napaiwas lang ako ng tingin nang marinig ang nagtitimpi niyang boses.

"Eyes on me, love."

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Where stories live. Discover now