CHAPTER 26

137 14 3
                                    

“Where did you go?” marahan nitong tanong habang hinahaplos pa rin ang buhok ko. Kalmado na s’ya ngayon, hindi katulad kanina na nakasigaw agad kapag mag s-salita. 

Hindi ko naman s’ya sinagot agad at pumikit habang nakayakap pa rin sakan’ya. 

Ilang taon ko na ba s’yang hindi nayakap? Hindi na nahawakan? Hindi ko alam, ang alam ko lang ay na-miss ko s’ya. 

Bumitaw ako sakan’ya nang muli s’yang nag tanong at tinuro si Gian. Na noon ay prenteng nakaupo sa sofa at taimtim na nanonood sa ‘min. Nangingilid pa ang mga luha nito na para bang nakakaiyak ang scene sa harapan n’ya. 

Pero gano’n nalang ang panlalaki ng mga mata n’ya nang ituro ko at wala sa sariling tinuro rin ang sarili.

“Lah? Bakit ako?!” pinandilatan niya ako ng mata. Hindi makapaniwalang siya ang pinagbintangan ko. 

E’, sino ba? S’ya ang nag dala sa ‘kin dito kaya kargo n’ya ako, ‘no!

Mabilis s’yang hinarap ni Kuya at pinagtaasan ng kilay. Bumalatay ang takot sa mukha nito at napatayo. 

Ngumisi ako. 

“Ang sabi mo, hindi mo nakita?!” inisang hakbang nito ang pagitan nila at kin’welyuhan si Gian. 

Napakagat-labi ako habang pinipigilang matawa nang mamutla ang buong mukha nito.

Eto ang sinasabi ko kung sakaling malaman ni Kuya ang tungkol kina Apple, panigurado, ang susunod na putla ni Gian ay kapag ipapasok na s’ya sa kabaong. 

“K-Kuya? Kapatid m-mo rin naman ako, ah?” nahihirapang usal nito dahilan kung bakit padarag s’yang binitawan nito at muli akong hinarap. 

Nagpamaywang s’ya sa harapan ko’t matiim akong tinitigan. Dahilan kung bakit matigil ako sa palihim na pag-tawa at mapanguso. 

“What did you call me, awhile ago?” He asked. There’s a hope in his voice. Hoping that he heard it right, that he didn’t heard it wrong. 

Mukhang hindi niya ‘yon napansin kanina dahil parang gulat na gulat s’yang makita ako. Sino ba namang hindi? Ang bunso mong kapatid na nawala sainyo ng tatlong taon ay bigla nalang lilitaw sa harapan mo. That’s crazy. 

I’m crazy...p

“Kuya…” malambing kong ulit sa sinabi ko kanina. Bahagya pang nakangiti habang tinitingnan s’yang nagpipigil ng ngiti. 

Tinatawag ko rin naman ng gano’n si Gian, pero iba ang dating kapag kay Kuya Gavon na. 

“Wow, ang lambing! Samantalang ako, pangalan lang!” pagpaparinig n’ya. Padabog pa itong umupo ulit at nagpapapad’yak ngunit agad ding tumigil nang balingan siya ni Kuya at taliman ng tingin. 

Napanguso s’ya at palihim na iniripan si Kuya na kitang-kita ko naman! Hindi ba p’wedeng manahimik muna s’ya at ibalato sa ‘min ni Kuya ang moment na ‘to? Napupuntahan niya naman ako this past three years, e’!

“Damn.” bumuntong-hininga ako at muling tumingin sakaniya. Mukhang naramdaman n’ya ‘yon kaya tumingin din s’ya sa ‘kin at ngumiti. Matamis na ngiti. Ngiting sa ‘kin n’ya lang pinapakita. “Come here…” 

“I miss you, baby…” bulong nito nang muli akong yakapin. 

Ngumiti ako. “I love you too, Kuya…”

“Isali n’yo naman ako! Kapatid n’yo rin ako, oh!” pagmamaktol nito. “Isusumbong ko talaga kayo kina Mommy!”

“How immature…”

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Where stories live. Discover now