CHAPTER 29

141 13 8
                                    

WARNING: medyo SPG.

---

"What's wrong?" He gently asked while rubbing his palm back and forth on my back. Dama ko rin ang paulit-ulit nitong paghalik sa buhok ko.

I want to ask him about what happened to his right cheek, but I hold it to myself. Kanina ko pa 'yon napapansin sa room, pero hindi ako nagpapahalata.

Sa sobrang kaputian niya, hindi niya magagawang itago sa 'kin ang pasa sa pisngi niya.

"Sorry." walang ibang lumabas sa bibig ko kun 'di 'yun lang.

Pansin kong natigilan siya ngunit mabilis ding nakabawi.

"For what?"

"For escaping. Pinag-alala kita," mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sakaniya.

"It's okay, just don't do it again."

I want to punch him because he forgives easily! Hindi niya man lang ba ako pahihirapan? I was expecting him to punish me... What the hell? Why am I even thinking that! It's all his fault! Narurumihan na ang isip ko dahil sa kapilyuhan niya! Dinadamay niya ako sa kamanyakan niya!

But, hindi na talaga nawala sa isip ko kung anong parusa ba ang gagawin nito sa 'kin. I was expecting it to be rough because I didn't come home last night. Yeah, everytime I do stupid things, he will punish me. But I don't think that was a punishment. For him, it's a punishment, but for me, it wasn't.

I feel pleasure instead of pain.

"Don't do that again, 'kay?" gusto kong matawa at the same time ay sumimangot dahil parang bata ang kausap niya.

Masama ang tingin ko sakaniya ng mag-angat ng tingin. Pinaparating sakaniyang hindi ko nagustuhan ang pagtrato nito sa 'kin. Hindi naman na kasi ako bata para kausapin ng gano'n! Gusto kong mag maktol ngunit agad 'yong nawala ng salubungin niya ako ng halik.

Napapikit ako, pero hindi kumontra. Hinayaan ko siya. Tinanggap ko nang bukal sa loob ang mga halik niya. I was.. waiting for it. And I can't deny that. Halata 'yon sa pananabik kong tugunin ang halik niya. 

I answered his kisses. Sinasabayan at ginagaya ang ginagawa niya. No tongue. Just lips.

I felt his hand on the back of my neck and pulled me to deepen then kiss. Muli akong nagpaubaya at kinawit ang mga braso sa batok niya.

Napasinghap ako nang walang pasabi ako nitong binuhat. Awtomatikong pumulupot ang mga binti ko sa baywang niya. 'Saka ko siya naramdamang mag lakad.

Umakyat siya ng hindi man lang pinuputol ang halik. Hindi ko na 'yon pinansin at pinag-igihan ang pag tugon sa banayad niyang halik.

He's a good kisser—at sakaniya ko natutunan kung pa'no humalik. Hindi ko alam bakit maalam siya sa gano'ng bagay, gusto ko siyang tanungin pero hindi ko ginawa.

They can do things even without experiences. Napag-aaralan pero hindi ko alam kung sino ang nag turo sakaniya.

Pinilit kong putulin ang halikan namin at hinarap siya. Hinabol pa nito ang mga labi ko kaya napailing ako.

Napatigil siya sa pag-akyat at kunot-noong tumingin sa 'kin. Salubong ang mga kilay at unti unti nang tumatalim ang paningin. Hindi nagustuhan ang ginawa ko.

Habol ko naman ang sariling pag hinga habang nilalabanan ang tingin niya. Napakaseryoso niyang tingnan. Salubong na salubong ang mga kilay nito habang matamang nakatingin sa 'kin.

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Where stories live. Discover now