CHAPTER 27

134 15 3
                                    

"Please, hear me out... Hear me out, baby..." nangingilid ang mga luha nitong sabi at nagmamakaawang lumuhod sa harapan ko.

"Gianna!"

"N-No... Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo ako pinapakinggan." napaiwas ako ng tingin nang tuluyang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Gianna Frein! Shit!"

"B-Bakit?" nahihirapan kong bulong sa hangin. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. "W-Why did you do that to me? W-Why?"

"Gianna Frein Rostvell! Wake up!"

"Hoy, par! Gumising ka!"

"Baby... Please, comeback here!"

"Gianna!"

Humahangos akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at mabilis sinapo ang ulo ko.

Habol habol ko rin ang aking pag-hinga habang mariing nakapikit at pilit kinakalma ang sarili. Mabigat ang bawat pag-hinga ko, na para bang sa gano'ng paraan ay magagawang kumalma ng buong sistema ko.

My vision became dark and I couldn't hear anything.. I can't hear clear.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at wala sa sariling napasandal sa headboard. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala habang pilit inaalala ang mga linyang 'yon...

Why now..?

Sa loob ng tatlong taon, bakit ngayon lang 'to nangyari? Ngayon ko lang napanaginipan 'yon.. ngayon lang ako binangunot nang ganito...

But, why now? Ngayon pang handa na 'kong kalimutan ang lahat at mag simula ng panibagong yugto ng buhay ko...

Napatingin ako sa alarm clock na nakapatong sa bed side table. Three thirty in the morning.

'Tsaka lang naging malinaw ang pandinig ko nang sakupin ng makapangyarihang boses na 'yon ang bawat sulok ng k'warto. I jolted. Nagugulat ko siya—silang nilingon.

"What happened to you? Are you okay?" masuyong tanong ni Kuya.

Ano ba'ng sinasabi niya? Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Eh?" wala sa sarili kong sambit, "napa'no kayo?"

Pinagmasdan ko silang dalawa. Mababakas sa mukha nila ang matinding pag-aalala at pagiging balisa habang tinitingnan—no, sinusuri ako. Tuloy ay mas lalong nangunot ang noo ko.

What's wrong with them? It's already late, what are they doing here? The way they looked at me is different from the usual one. As if something's bothering them. That I am bothering them.

"Anong napa'no kami?! Napa'no ka, kamo?!"

"Ayos naman ako." kunot-noong sabi ko pa. Hindi inaalis ang paningin sakaniya.

Nabaling ang atens'yon ko kay Kuya nang dahan dahan itong umupo sa gilid ng kama ko. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Why are you crying, then?" marahan nitong tanong habang ang paningin ay nasa pisngi ko.

Mas lalo akong nagtaka nang makapa ang pisngi ko. Basa nga.

"Umiiyak ako? Bakit ako umiiyak?" naguguluhan, at wala sa sarili kong sambit habang nakatitig sa palad kong basa na rin.

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Där berättelser lever. Upptäck nu