CHAPTER 30

178 18 0
                                    

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko nang maramdamang tumigil ang sasakyan.

Walang ginawang anumang kilos at pinakikiramdaman ang kasama ko. Ngayong araw na ang birthday ni Anais, alas dose pa lang ng tanghali ay abala na kami sa pag-aayos. Nalaman ko kasing hindi simpleng birthday party ang gaganapin. Hindi tuloy ako halos magkanda-ugaga sa pagkilos kanina. Maaga rin kaming umalis sa bahay dahil aabutin ng tatlong oras ang biyahe papunta sa mansion nina Anais.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

Malaking pagpipigil ang ginawa ko upang hindi mapakislot nang maramdaman ang marahang pag haplos nito sa 'king pisngi.

I don't know what to do. I can feel his pain. I know that he's hurt but I am hurt, too. I never want this to happen, I don't want to pretend anymore, but I need to. I have to.

"I never stop loving you, baby... It's always been you. Walang iba, ikaw lang."

Sadness was visible on his voice. I never seen him this weak, before.

Matagal namutawi ang katahimikan hanggang sa basagin 'yon ng nag-iingay niyang cellphone. Bahagya kong minulat ang isa kong mata at sinilip siya. Muli ko ring naipikit ng sulyapan niya ako.

"Ayusin niyo." mariing nitong sabi, "hindi p'wedeng may mangyaring hindi maganda sa asawa ko!"

Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Bakit? May mangyayari bang masama sa 'kin?

"'Wag mo akong sagarin, Marcosso. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo."

Ilang minuto ang lumipas ay hindi ko na siya narinig pang mag-salita. Tapos na siguro iyong tawag. Sa pag-aakalang wala na itong kausap ay dumilat na ako at nilingon siya. Sobrang tahimik na kasi niya at aakalain mo talagang wala na siyang kausap. Kaya gano'n nalang ang pagkunot ng noo ko nang makitang hawak pa nito ang cellphone.

Napabuntong-hininga siya. "Thanks."

"Tss. What do you want? The hell?! No, no, hindi ako pumapayag. Fuck you! Hintayin mo ako r'yan, papatayin—"

"At hindi kita pinapayagan sa gusto mong mangyari, Van Alexir." deretso akong tumingin sakaniya kaya napaayos siya ng upo.

Matunog siyang napalunok. "It was.. It's just a joke..."

"Hindi magandang biro." pinakita ko sakaniyang hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi nito bago lumabas ng sasakyan at pumasok mag-isa sa mansion nina Anais.

Dagsag bisita ang bumungad sa 'kin pagkapasok. Sa entrada pa lang ng mansion ay marami ng tao. Halos lahat ay mga business man and woman. Base sa mga kinikilos nila, kaniya-kaniyang pakilala na kasi sila ng mga anak. Hila rito, hila roon. Pakilala rito, pakilala roon.

Unang tingin pa lang ay mahuhulaan mo ng hindi ito isang birthday party. Para ngang sinadya 'yon para lamang sa mga business man at woman. Walang ka-decoration decoration para masabing birthday party 'to. Mabuti nalang at hindi na-left out ang suot namin.

Napapangiwi kong ginala ang paningin, hinahanap ang mga kaibigan namin.

Agad hinanap ng mga mata ko sina Zyrielle ngunit hindi ko sila makita. Pinahihirapan pa ako ng mga taong kung saan-saan nalang lumilitaw.

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon