Ikaw Pa Rin - 29th March

25 0 0
                                    


Sa mga panahong ito, ilang oras lamang bago mo ako pinakawalan habang ako nakakapit pa, iba na siguro ang pananaw mo sa buhay, sa pag-ibig, sa pagmamahal. Iba na siguro ang tingin mo sa'kin; hindi na lang ako maganda, malakas pa. Hindi na lang ako matalino; matigas pa. 


Siguradong marami nang nabago lahat ng oras na winaldas nating hindi nag-uusap o hindi magkasama. Pero alam kong hindi pa nagbabago 'yung pagmamahal mo kasi 'yung akin, hindi pa. Marami na tayong napanalunang hamon. Isa na lang sa pinakamalaki ang nararanasan natin ngayon. Alam kong kakayanin natin 'to.


Ilang beses man tayong umiyak, mag-away, magkulang, magtulakan, ewan ko na, ikaw pa rin talaga. Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin sa dulo. Even if it means going through the same pain of loving you.

Sun and MoonOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz