Writing in 3rd Person's POV with Formality

3.2K 86 15
                                    

Writing in 3rd Person's POV with Formality

Hello, Direk_Whamba or CJ Dee here. This is part 2 of my writing tips in using 3rd Person's POV. Be aware that this is based on my experience, knowledge, and belief. I also had my biases. You are free to do more research. You are free not to follow my advices.

Maglilista na lang ulit ako ng mga no-no's since nakapagbigay naman na ako ng mga bagay na ginagawa ko kapag nagsusulat in 3rd Person (refer to the part 1).

Para magkaroon ng pormalidad ang iyong istorya written in 3rd person's POV hindi sapat na tama ang sentence construction mo at punctuation mo. It's how you tell your story.

*Avoid breaking the fourth wall

What is 4th wall? Kindly refer to what I've posted about breaking the 4th wall. Hangga't maaari, iwas-iwasan ang pagsasali sa readers mo sa kuwento sa parang kinakausap sila ng tauhan. Remember the type of your story-telling. It's not 2nd or 1st person. Give them the freedom to grasp the whole story like they are watching a movie. They should remain invisible to the characters.

E.G.

Naglalakad mag-isa si Hans habang nagmumuni-muni. "Bakit kaya iba na ang nararamdaman ko... ano sa palagay niyo, guys?"

**Mag-isa siya, right? Unless he's talking to a ghost o psycho siya. Stop asking for opinions of the readers if your story is in 3rd Person. Mukhang eng-eng.

***May mga self internalization na naitatawid, questions left unanswered but the readers get the feeling it's inside the character's head so they are not obliged to answer it. If I am doing it, I always use italics, or dinudugtungan ko ng tail.

E.G.

Naglalakad mag-isa si Hans habang nagmumuni-muni. Sinapo niya ang kanyang dibdib.

Bakit kaya iba na ang nararamdaman niya?

**Or you could write it like this:

Bakit kaya iba na ang nararamdaman ko? Tanong niya sa sarili.

*Bilang writer, iwasang magbigay ng pansariling opinyon. Iwasan mo rin ang pagrereveal ng research materials mo. Hindi ito 1st person kaya bakit mo gagawin iyon? Kaya nga pinag-iisipan ang pagpili ng Point of view sa pagkukuwento, hindi ba? Pero hindi ko sinasabing bawal kang magbigay ng views. You must level up your writing skills to be able to fuse your message in the story.

E.G.

"Dahil ba may ketong ako, kaya itinuturing niyo na akong salot?" Nagingilid ang luha sa mga mata ni Seth habang sinasabi iyon sa kanyang mga kabaryo.

Hindi salot ang pagkakaroon ng ketong, guys. Ayon sa mga (insert any reference here), hindi nakakahawa ang ketong. Mas makabubuti kung intindihin natin ang kalagayan nila.

Pero isa lang ang tugon ng mga kabaryo ni Seth. "Salot! Lumayas ka!"

How would I write it:

"Dahil ba may ketong ako, kaya itinuturing niyo na akong salot?" Nagingilid ang luha sa mga mata ni Seth habang sinasabi iyon sa kanyang mga kabaryo.

Hindi niya na mababago ang tingin ng mundo sa gaya niya. Sa mata nila, siya at ang mga gaya niya ay salot kahit pa marami nang pag-aaral ang nagsasabi na hindi nakakahawa ang sakit na ketong.

Pang-unawa lang naman ang hinihingi niya, pero iisa lang ang tugon ng mga kabaryo ni Seth. "Salot! Lumayas ka!"

*Linisin mo ang narration mo

May mga instances na gusto mong magpatawa...

E.G.

Nadulas si Mimi. "Aaaaaaay!"

Nakita tuloy ni Rae ang polka dotted underwear niya. Hahaha! Tumawa si Rae. Grabe! Panalo! Tanga kasi ni Mimi, eh! Kung hindi siya nakipaghilahan kay Rae ng digi-cam, eh, 'di sana iyan nangyari sa kanya!

**Hindi ko sinasabing bawal magpatawa sa 3rd person, pero mahirap talaga itawid. Kung gusto mo ng reference, I recommend Rose Tan and Sonia Franchesca. Ang pagpapatawa in 3rd person ay hindi sa pagsaside comment mo bilang author. Ito ay dapat nasa gawi ng pagsasalarawan mo sa nakakatawang scene at sa batuhan ng dialogue.

*How will I write it:

Nadulas si Mimi. "Aaaaaaay!"

Nakita ni Rae ang polka dotted underwear niya. Tumawa ang binata "Hahaha! Tanga mo naman kasi, eh! Kung hindi ka nakipaghilahan sa digi-cam, eh, 'di ka sana madudulas!"

Nanlilisik siyang tinitigan ni Mimi. "Sumpain kaaaaa!"

***I-minimize ang paggamit ng 'eh' at 'ah' sa narration. Kung maaari, huwag maglagay nito. Sa dialogue lang sana ito gamitin. Kung hindi mo mapigil ang sarili mo, go back to 1st person, dear :3

Si Dante ba iyong nakita niya?! Eh, matagal nang patay ang lalaki na iyon, ah?

Hindi naman kasi niya siniguro noon na namatay mga talaga si Dante, eh!

**How will I write it:

Si Dante ba iyong nakita niya? Ang akala niya ay matagal na iyong patay!

Kung bakit ba hindi niya sinigurong namatay na nga talaga iyon?!

***I-minimize din ang paggamit ng word na 'kasi' sa narration. Pero hindi bawal.

E.G.

1. Kasi naman, kung maaga lang sanang pinuntahan ni Rae si Aron, hindi sana mangyayari ito!

2. Kumain pa kasi sila ng agahan kaya siya na-late.

**Huwag gagamit ng ''di ba?' sa narration.

E.G.

Hindi naman tanga si Mimi, 'di ba? Clumsy lang siya. Hindi magbabago ang feelings ni Rae para sa kanya dahil lang doon.

**How will I write it:

Hindi naman tanga si Mimi, may pagka-clumsy lang talaga siya. Kahit pa ganoon, hindi na magbabago pa ang feelings ni Rae para sa kanya.

**Pagpapalit ng voice sa kuwento.

This is same as changing the POV. Hindi ko sinasabi na bawal ito, ngunit mas maganda kung minimize.

E.G.

Tumungo si Cale.  Sa tingin niya ay nauunawaan niya si Amethy. Bilang isang maharlika nga naman, hindi mo gugustuhin na kaawaan ka.

**How will I write it:

Tumungo si Cale.  Sa tingin niya ay nauunawaan niya si Amethy. Isa itong maharlika at natural lang dito na hindi sanay o ayaw nang kinakaawaan.

***Hanggang dito na lang muna. Ciao. Happy writing.

Writing Tips and Advices by WhambaWhere stories live. Discover now