Creating A Convincing Setting Part 3

6.2K 140 11
                                    

Writing A Convincing Setting Part 3

 

Time

Hindi lang lugar na pinangyarihan ng istorya ang nakapaloob sa elementong Setting. Kasama na rin po doon ang Time. Kapag sinabing time, ito ‘yung panahon na saklaw ng buong istorya. Pwede kang gumawa ng isang full-length novel na ang oras lang ay isang buong magdamag (E.G. The Lost Symbol by Dan Brown) or pwedeng isang buwan, isang taon, isang dekada, or hanggang sa pagtanda ng character mo.

Telling time inside the story is very crucial. Dito madalas nagkakaroon ng loophole ang story. Dito rin madalas nagkakaroon ng conlicts lalo na kung maraming character point of views ang saklaw ng iisang time frame.

Kadalasan din na nagiging dragging ang story dahil naneneglect ito. Kumbaga puro dialogue ng characters ang nangyayari. May tendency na mabore ang mamababasa roon. May mga points kasi sa story na kung minsan ay hinihingi ng pagkakataon na i-fast paced.

In this tutorial, magbibigay ako ng tips para maka-get by ka kahit papaano sa oras sa loob ng iyong story.

A story that happens in just one day…

Kapag ang gusto mong story ay pang-isang araw lang, again, you needn’t have to focus on dialogues para lang pahabain ang story mo.

Kumuha ka ng papel at i-jot down ang mga vital hours. Set the timer yourself. Hati-hatiin mo ang oras base sa chronological order ng mga magaganap sa plot.

Magfocus ka sa actions na ginagawa ng characters. I-assess mo ‘yun kung matagal ba talagang gawin or saglit lang?

Describing a bit of setting will stop your time. Kumbaga makakabili ka ng oras. Pero pumili lang ng parts where you’re going to mention kung nasaan ang characters mo.

More characters could help you elaborate the story… pero maliit lang ang borderline between pass and fail. Encounters should only last for a maximum of an hour, and make sure na vital ito sa story, otherwise, just two characters would do.

A story in a year/ decade/ forevermore…

Mas flexible ang time dito lalo na kung novel ang iyong gagawin. Dito papasok ang TELL. Para mapabilis ang oras sa loob ng story, kailangan nito ng strategy.

Mahirap humapyaw from present to 2 years later. Mas maiging magsimula ka sa umpisa na may slice of what happened in the past (this could be hinted with occasional use of ‘noon’at  ‘dati’). Past-Present-Recent ang peg.

E. G: Namimiss ko si Mona. Kababata ko siya. Naaalala ko, palagi ko siyang kasama sa pamimitas  ng mga bulaklak ng santan. Hindi ko akalain na magbabago siya.

Nakita ko na siya isang taon pagkagraduate namin ng college ngunit hindi pinalad na magkadaupang-palad kami.

Oo, aminado akong pagkatapos nun ay hindi na ako gumawa pa ng effort na magkausap kami kahit pa nalaman kong pareho pala kami ng pinapasukang kumpanya. Pinalipas ko na naman ang ilan pang mga taon na kuntento sa ganun.

Writing Tips and Advices by WhambaWhere stories live. Discover now