Story No No's

5.3K 180 35
                                    

Story No No’s for Direk_Whamba

Hello, hello :)

Isa na naman itong madugong no-no enumeration. Again, this is based on my opinion as a reader and not as a writer. Biased din ako and I’m not fond of romance.

Para sa akin, if you want to be a good writer, hindi sapat na wide reader ka. You should also be a good observer. As you read, hindi lang ‘yung kuwento at plot ng story ang dapat mong pinagtutuunan ng pansin. You should also focus on how the writer tells the story. Paano niya pinadaloy ang kuwento? Paano niya niresolba ang plot? Paano niya nagawang hindi nakakalito ang kuwento?

Try this drill. Maglista ka ng mga bagay na ayaw mong makita sa isang nobela o kaya ang mga bagay na gusto mong makita sa isang nobela. Pagkatapos, kunwari babasahin mo ang kuwentong ginawa mo pero iimagine mo ito from a reader’s point of view. Subukan mong sagutin ang tanong na: Nagustuhan mo ba ang isinulat mo?

If you’re still not decided with your list, here are some of mine…

Hindi ko tatapusing basahin ang kuwento kapag:

*Aksidente o sinadyang ibigay ang buod ng kuwento in three to four sentences as early as chapter 1.

EG:

Ako si Emishi, 27 years old. Isa akong Angel Seeker. May task ako na patayin ang mga Anghel sa mundo.

--Para sa akin, buod na iyan ng kuwento kapag ganyan ang nabasa ko sa unahan ng nobela. Kung ang reader ay gaya ko na walang masyadong pakialam sa lovelife, hindi ko na babasahin iyan. Pero siguro may atleast 10% na curiosity kung paano pumapatay ng Angel ang Angel Seeker. PERO kung sa simula pa lang ay sinira mo na ang imahinasyon ko, then it will also apply for the rest of your plot. I’ll take that paragraph literally so wala ka nang maitatago pa sa akin. Bistado ko na plot mo! Bang! :3

*Ang tagal mo sa isang eksenang dapat ay dadaanan lang, nauurat na ako:

EG:

Marumi ang kamay ko kaya lilinisan ko. Bago iyon, may narinig akong kakaiba sa labas yata. Huhugasan ko na ang kamay ko. Bubuksan ko na ang gripo. Iikutin ko na ang bukasan. Ayan na isasahod ko na sa malamig na tubig ang kamay ko. *Hugas here* *Hugas there* *Hugas pa more*

--‘Di ba nakakaurat? Kung hindi naman gaanong mahalaga ang pinaglalaban ng isang scene, huwag nang ielaborate.

*Ang bilis ng eksenang dapat mong i-elaborate, mas naurat ako:

EG:

May narinig ulit akong kakaiba sa ikalawang pagkakataon pero binaliwala ko na. Natulog na ako. Pikit na mga mata ko.

--Hoy, heps! Saan natulog ang character? Hindi mo man lang nabanggit kung pumunta ba siya ng kuwarto niya o lumupasay na lang sa banyo.

*Kung makapag-describe ka ng bahay ng character mo, parang hindi iyon ang bahay niya:

EG:

Walang katau-tao sa paligid, as in tahimik ang buong kabahayan.

--Stranger to your own house ang peg. No-no ito. The character who owned the house should be owning!

Liban sa akin, wala nang ibang nandito sa sala, as in tahimik dito sa buong kabahayan namin.

 

*Kung makapagdescribe ka ng hindi bahay ng character mo, parang kanya, ah?

EG:

Pinagtsaa ako ng maid sa guest room. Ang ganda talaga dito sa bahay ni Redder Black, kastilyong kastilyo! First time ko makarating dito. Ganda! Doon sa west wing may sampung guest room. Sa east wing nandoon ang malaking kusina. Sa third floor, may game room

--Hoy, nasa sala ka pa lang, ano ‘yang character mo, may x-ray vision? Tagus-tagusan sa pader? Iyan ba ang first time makapunta sa bahay ng iba?

Puwede naman siyang magnavigate, eh. Pero take note of the time interval inside the story.

 

*Your pacing is running into circles:

EG:

Madilim talaga. Aakyat na ako sa itaas. Pag-akyat ko sa itaas, patay rin ang mga ilaw kaya madilim. Bumaba na lang ulit ako. Pero natakot na naman ako kaya tumakbo ako paakyat kahit madilim din sa taas.

--Wala na nahilo na readers mo. Ano ba kasi, hindi ka makapagdecide kung ano ang ipagagawa mo sa characters mo. One at a time, dude. Or mag-omit ka na.

Madilim talaga. Sinubukan kong buksan ang ilaw pero ayaw ng switch. May kung anong bagay akong ikinatakot kaya napatakbo ako nang de oras paakyat ng hagdan kahit mas madilim sa second floor. I camped in the corner and waited.

 

I’ll just update if ever I found another useful tips. But for now, goodluck to your writing! <3

Writing Tips and Advices by WhambaWhere stories live. Discover now