My Subtlest Writing Tips, So Far

4.4K 147 15
                                    

How to actually digest writing tips and advices

Hi, this is Direk_Whamba :3

So, matagal-tagal na rin akong nagpopost hindi lang writing style pero writing techniques ko na rin, no more and no less. I was actually surprised to find some peeps reaching my FB and asking more

‘How to write’.

First off, if you can’t REALLY write, (meaning walang pumapasok na ideas sa utak mo, you can’t think of any plot) ang maipapayo ko sa iyo ay huwag ka nang magsulat. Kahit ilang tips and advices pa ang basahin mo, kung may kulang sa iyo, you’re getting nowhere.

I am not discouraging any aspirants here. Pero daanin natin sa simpleng logic. KUNG TALAGANG NASA PUSO, ISIP, AT DUGO MO ANG PAGSUSULAT, HINDI PUWEDENG WALA AS IN WALA KANG MAISUSULAT, RIGHT?

So, bakit wala kang maisulat pero gusto mong magsulat? Nadadala ka ng mga taong nasa paligid mo na nakakapagpapublish na ng gawa nila? Naiinspire ka ng mga idol mong writer?

I think inspiration is not enough without strong drive. Some people take writing SERIOUSLY. Huwag mong isipin na maipupursue mo ang pagsusulat kung hindi ka seryoso dito. Panggulo ka lang.

Most of you who have read my tips and advices would say ‘ang dami kong natutunan’ but may I ask, may naiapply ka na ba? May nagbago na ba?

Admit it, you’ll just go again to your old habit of how you write to see if I am wrong and you are correct. May ego ka rin gaya ko. Nagiging in-denial ka rin gaya ko. The question is 'When will you break your habit?'

I remember what Yuko Ichihara (xxxHolic) said as an advice sa isang tao na gusto nang mag-break the habit.

You shoul ask yourself these questions:

1. Why do you want to stop?

2. Why can't you stop?

Ang isa pang dapat mong itanong sa sarili mo bago ka mag-seek help o maghanap ng opinion or magbasa ng mga writing tips ay kung KAILANGAN MO BA TALAGA NG TULONG? Because some people seek for help but will end up not needing it. In short, inaaksaya mo lang ang effort ng iba sa pagiging stubborn mo.

Guys, may natural na mekanismo para matuto sa sarili ang tao. You can think of a better writing technique. I am just here to give a push or ipaalala ‘yung mga bagay na nakalimutan ninyo. You don’t actually expect me to spoon feed you.

So, you’ve been this far. Kung hindi ka desidido na matuto mula sa akin, stop reading my writing tips and advices. :) Hindi ko kailangan ng pagsang-ayon mo sa mga tips ko. Ang kailangan ko ay malaman sa iyo ay kung may improvements ka.

For those who still want to continue, I have formulated another tip.

In writing for publishing, you should consider pleasing ‘few’ people. Yes. Sa free-writing scene, dramatic ang isang author kapag sinasabi niyang ‘I write because I feel like it. I don’t need to please anybody’.

Pero kung tutuntong ka sa professional scene, malalaman mo na ang una mong dapat i-please ay ang mga editors mo dahil sila ang mag-e-evaluate ng iyong gawa.

Picture this na lang. Kung genre ng story mo ay Romance at ipapasa mo sa pub company na tumatanggap lang ng Sci-Fi, sa tingin mo ba ay mase-sway mo sila nang ganoon kadali? You have to think things over, my dear. Unless your story is compelling enough.

What if baguhin mo ang iyong drive?

Write for a specific person or group of friends. Wala namang masama sa pagsubok. Magtanong ka sa mga paborito mong tao, family, friends kung anu-ano ang mga gusto nilang genre, story. Write it down. Tiyak na may mapupulot kang kung anu-ano hanggang sa makabuo ka ng plot o story.

Pagkatapos ay hikayatin mo silang basahin at tingnan ang gawa mo. Ang piliin mong mga tao ay ‘yung mga may simpatya sa iyo at gustong ma-push ang iyong talent. Huwag sa mga napipilitan lang.

Kung walang ganyang mga tao sa buhay mo, KAWAWA KA NAMAN. Wala akong magagawa tungkol riyan. Tip: Iimprove mo muna ang pagkatao mo sa realidad bago ang pagkatao ng mga tauhan sa kuwentong ginagawa mo.

It doesn’t mean kailangan mong maging mabait or maging uto-uto. What I am telling you is to have a strong personality in REAL LIFE. Huwag kang papatay-patay. Huwag kang hihiya-hiya. Kung wala kang makumbinsing tao in real life, then that applies in net life. (though not at all times)

Believe me, you can really write for one person. You can even write for animals. (See my ‘Voiceless’ short story. Mga aso ko ang inspiration ko doon)

Focus on mastering your skills as a real writer. Don’t be swayed by stardom. Hindi artista ang mga writer. God-like ang mga writer. You don’t see them often, but you can feel the power of their words.

Writing Tips and Advices by WhambaWhere stories live. Discover now