Writing in 3rd Person's POV Part 1

4.2K 106 11
                                    

Writing in 3rd Person’s POV Part 1

Direk_Whamba here. Ginawa ko ang tip na ito nang ako ay bangag na (sleepy to death) so baka may Part 2 para sa ibang bagay regarding this topic.

Originally, I am writing in 3rd Person eversince dahil ang mga nababasa kong books ay written in 3rd person naman. Dito sa Wattpad, ang mainstream ay ang paggamit ng 1st Person’s POV (Ako, akin, ko) so nag-adapt ako into writing in 1st person's POV.

Pero ang mga formal published stories usually ay written in 3rd Person’s POV (Siya, Niya, Ni)

May dalawang uri ng 3rd Person’s POV story telling akong alam. Kung mayroon pang iba bukod dito, magresearch ka po. (Ang tip ko kasi na ito ay biased sa aking experiences lamang)

Omniscient- Ito ‘yung istorya na ‘all-knowing’. Ibig sabihin, malaya na nalalaman ng reader ang nangyayari sa kuwento, maging ito man ay sa panig ng bida o ng kalaban. E.G: The Lost Symbol ni Dan Brown. May mga pagkakataon na nakakasilip ang reader sa gawain ng mga antagonist.

Restricted- Ito ‘yung istorya na stick only to the main protagonist. Ibig sabihin, ang kuwento ay focused lang sa iisang tao. Wala itong ipinagkaiba sa 1st Person’s POV except sa mga ginagamit na panghalip. (Hindi ko sure kung ano ang mga story na restricted talaga. May mga story akong alam na close pero may pagkakataon na they also shift, like Harry Potter series and The Hobbit by J.R.R. Tolkien)

Mahirap gawin ang Restricted, may mga bagay kang hindi maikukuwento dahil restricted nga ang point of view ng tauhan so mas maganda kung Omniscient.

*Scenes

Dahil walang changing of POVs sa 3rd Person, ang uso rito ay Change of scenes. Within a chapter, puwede mong putulin ang eksena at mag-shift sa panibagong setting kung nasaan ang ibang characters na gusto mong sundan. Puwede kang maglagay ng numbers (Nakita ko ito sa novel na Anonymous by Gypsy Esguerra) to indicate scenes:

Chapter 1

I

(Kunwari mahabang prose ito)

(Kunwari ito na ang ending ng scene 1) Nakita ni Pepe si Perdro na kasama si Nita.

II

Kinagabihan, inalala ni Pepe ang tagpong naabutan niya. (Followed by another prose)

III

Kinabukasan, nakasalubong ni Nita si Pepe. Nagtaka siya kung bakit hindi siya nito pinapansin…

(Followed by long prose)

Chapter 2

*Reference Character

Tinatawag kong reference character ang tauhan na may hawak ng point of view sa isang scene. SIya ang pinakamahalagang key element na hindi mo puwedeng pabayaan para hindi malito ang readers mo.

Writing Tips and Advices by WhambaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum